"Purihin ang kanyang Pangalan"

3.8K 6 0
                                    

Amos 4:13
Siya ang lumikha ng mga bundok at ng hangin,     at ang nagpapahayag sa mga tao ng kanyang kaisipan. Ginagawa niyang gabi ang araw;     siya ang naghahari sa buong sanlibutan. Yahweh, ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat ang kanyang pangalan!

Marahil batid mo nang ang Diyos na iyong pinaglilingkuran ang siyang may likha ng langit at lupa, ang siyang punot-dulo kung bakit ka nabubuhay at higit sa lahat siya lamang ang nag-iisang Diyos na handang isakripisyo ang kanyang kaisa-isang anak para lamang sayong mga kasalanan.Siya ang ating Diyos Ama, ang may likha ng sanlibutan, Yahweh ang kanyang pangalan ang siyang naghahari sa buong sanlibutan.

Batid kong sa tinagal tagal mo nang pakikipag sapalaran dito sa lupa ay nalalaman mo na ang ilan sa mga kalooban ng Diyos Ama sa buhay mo, kung paanong inialay niya si Jesus Cristo upang ikay iligtas at magkaroon ng buhay na walang hanggan. Isang prebelihiyong kilalanin ka bilang anak ng Diyos na siyang naghahari sa buong sanlibutan. Humingi ng gabay at pagkilos ng Espiritu Santo sa iyong pang-araw-araw na buhay at turuan ka nitong mas lalong kilalanin ang ating Diyos Amang nasa langit.

Ama naming nasa langit, sa pangalan ni Jesus, maraming salamat po sa panibagong umagang ito nang aking buhay, salamat po sa wagas mong pag-ibig para sa akin, para sa aming lahat. Salamat po sa paglikha sa akin at higit sa lahat sa pagkilala sa akin bilang isa sa inyong mga anak. Dalangin ko pong kayo ang patuloy na maghari sa aking buhay simula sa araw na ito. Sa pangalan ni Jesus.

HOPE and a FUTURE-Tagalog DevotionalWhere stories live. Discover now