She knows best

2.1K 87 21
                                    

HEARTSTRINGS: SUPERMAN VS. BATMAN
Daniel's POV:
Isa lang ang dapat kong gawin. Kailangan maging maayos ang lahat. Kailangan kong makipag-ayos kay Julia sa 'misunderstanding na nangyare at higit sa lahat kailangan kong masabi ang nararamdaman ko kay Kathtryn.

Ang dami ko ng nasayang na oras at panahon.

Kung hindi ako kikilos ngayon baka mahuli na ako bago ko pa magawa yung dapat kong gawin.

Hindi ako papayag.

Hindi ako papayag na mapunta siya sa iba lalo na ngayong alam ko na kung ano siya sakin.

Gagawin ko ang lahat.

Gagawin ko lang para makuha ko ulit ang loob niya at sa pagkakataon na ito hindi na ako papalpak.

Hinding-hindi ko na siya papakawalan.

Pinapangako ko iyon.

Pinapangako kong mapapasagot ko siya at sisiguraduhing kong wala ng pagkukunwaring magaganap sa pagitan naming dalawa.

Ngayon totoo na.

Gusto ko ng magpakatotoong nahuhulog na talaga ako sa simpleng babaeng nagpabago sa buhay ko na dati sariling kapakanan ko lang ang naiisip ko.

"DJ...honey..." nakaupo ako sa isa sa mga stool sa kusina kung na saan nagluluto si mommy.

Actually, gusto ko lang na makita siyang magprepare ng pagkain at makapagbonding na din kahit papaano.

Wala ako madalas dito sa bahay kaya namimiss ko din na makipagkwentuhan sa kanya.

"Bakit po?"

Sinulyapan niya ako at tumigil sa paghahalo ng kung ano mang niluluto niya.

"Gusto kong tikam mo yung niluto ko."

Tumayo ako para kumuha ng spoon bago lumapit kay mommy. Hinalo niya ng ilang beses at pinanuod ko lang siya habang may nilalagay na kung anu-anong herbs na yan na tinatawag niya.

"Honey wala ka bang napapansin ngayon sakin?" tanong niya.

Tinignan ko agad yung mukha niya. Nakapout yung nguso niya at inaayos yung buhok habang hinihintay ang sagot ko.

Ganun pa din maman walang pinagbago.

Tinignan ko yung damit niya. Kahit naman nasa bahay siya nandoon pa din yung pagkasophisticated look niya.

"Aahhh... Bago po yung make-up?" wala na akong ibang ma-isip na isagot sa kanya.

Ang bango ng niluluto ni momy kaya hindi ko na mapigilan na tikman.

May kumurot sa tagiliran ko at napaso ako sa init ng sabaw. Napadaing ako dahil don sa totoo lang kamuntikan ko na ngang mabitawan yung kutsara.

"Bakit po?!"

Nakatingin sakin ng masama si mommy. Nakapamewang din siya habang nakataas yung isang kilay.

Ano bang ginawa ko?

"Bagong make-up?..." bigla siyang nalungkot sa hindi ko alam na dahilan. "Ilang araw na akong nagzuzumba session wala pa rin pa lang nangyayare sa katawan ko? Ganun pa din ba kalaki ha?"

Ok, kaya pala siya frustrated dahil hindi ko man lang naappreciate yung ginawa niyang dance session ba iyon?

Para magpapayat?

Oo, ayos yun dahil maganda sa health yon pero hindi naman kasi agad-agad makikita yung resulta diba? Katulad nga ng sinabi niya ilang araw pa lang.

Bago pa magdrama si mommy inuhanan ko na.

Nilapitan ko siya.

"Hindi mo na kailangan yon 'mi. Alam mo kung bakit?" tanong ko sa kanya. Inakbayan ko siya sa balikat nakatingala siya sakin.

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon