Nothing more... Nothing Less...

6.8K 68 12
                                    

Heartstrings: SUPERMAN vs. BATMAN

Daniel's POV:

Nagexpress way na lang ako ng madali akong makabalik sa North Richmond. Nakakabanas kasing schedule yan imbis na tapos na akong magpainterview may isa pang siningit kaya heto hindi na ako naka-abot sa morning class namin. 

Isang dahilan kaya ako natagalan ay ng bumisita kanina sa akin si Julia mula sa taping niya. Malapit lang daw kasi yung pinagshoshootingan nila kaya sumaglit siya sa amin. kakatapos lang ng interview ko non at nakaupo habang hinihintay na sabihing pwede na akong umalis ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Nakita ko mula sa salamin ang mukha ni Julia.

"... hey..." naglakad siya palapit sa akin.

Nilingon ko siya agad.

"... O, tapos na pa ang taping?..." tanong ko agad sa kanya.

Umiling siya.

"... Nope..." hinalikan niya ako sa pisngi bago maupo sa isang upuan katabi ko. "... Lunch break namin and I decided na saglitan ka... kaya Im here surprise!..." nakangiti siya sa akin ngayon.

Sinulyapan ko yung oras sa screen ng cellphone ko.

Ano pa kayang maabutan ko sa campus?

".... is there something wrong,DJ?..." narinig kong tinanong niya. 

Tinignan ko siya at nakita ang pag-aalala sa mukha niya.

Umiling ako.

"... wala..."

"... Ok, let's go then... kanina pa ako nagugutom e samahan mo akong maglunch?..." hinawakan niya ang kamay ko at tumayo siya. Hinila niya ito para patayuin din ako.

"... DJ? Are you coming with me or what?..." nakasimangot na siya ngayon.

"... pass muna ako ngayon Julia..."

"... What?..." binitawan niya yung pagkakahawak sa kamay ko. Nandoon yung disappointment sa mukha niya ng marinig ang sinabi ko.

"... Why may nakasched ka bang gagawin? Pwede ko namang kausapin sila ee.... Sige na Dj please.... please..."

Hindi ko na matiisan na ganyan na siya lalo na't nakapout na yung labi niya. Wala na akong nagawa kundi mapa-oo ng wala sa oras. Saglit lang naman yon diba kaya bakit hindi ko pa pagbigyan.

Kaya heto ako ngayon naghahabol na sana maka-abot pa.

Pinarada ko na agad yung kotse ko at pagkatapos pumasok na sa loob.

Sinalubong ako ni Katsumi.

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon