What's the Situation?

5.8K 70 12
                                    

What’s the Situation?

Kamusta ang New Year Guys? :)

-------------------------------------

Heartstrings: SUPERMAN vs. BATMAN

Daniel’s POV:

Ano bang sumagi sa isip ko’t ginagawa ko ang bagay na iyon?

Ang paulit-ulit na tanong na tumatakbo sa utak ko 2 araw ang nakalipas nung nangyare yung bagay na hindi ko akalaing magagawa ko kay Kathryn. Tandang-tanda ko pa yung tindi ng galit na naramdaman ko ng malaman kila Katsumi na hanggang sa mga oras na iyon dumidiskarte pa rin ang mokong.

MAS naging ‘close’ pa ang dalawa lalo na’t magkapartner pa ang dalawa sa cotillion.

Yung presentation para sa prom night.

Nakakainis lang dahil sa dinami-dami ng pwedeng makapartner ni Kathryn talagang natapat pa sa hinayupak na iyon. Talaga bang sinasagad niya ako? Ang tigas talaga ng mukha nung hinayupak na iyon. Gusto niya talagang makatikim sa akin ng isa.

Ito namang si Kathryn palibhasa pakabait at parating ineentertain itong hinayupak na ito. Iyan ang isa sa mga bagay na hindi maganda kapag masyado kang mabait madaling magtiwala sa tao.

E, basta ayoko sa pagmumukha nung hinayupak na iyon at lalong ayoko ding nababalitaan kila Katsumi na ‘close’ na sila na halos magkadikit na’t hindi na mapaghiwalay ang dalawa.

Hindi ko talaga gusto ang mukha nung lalakeng iyon.

Ayoko sa kanya tapos.

At ayoko ding lumalapit ang hinayupak na iyon sa kng sino mang kilala ko lalo na si Kathryn na alam kong hindi magdadalawang isip na kaibiganin siya. Yan kasi ang hirap sa babaeng iyon ee masayadong mabait at madaling magtiwala sa taong hindi naman dapat.

Bakit ba ayaw ko sa hinayupak na iyon?

Basta, ang alam ko lang hindi ko gusto ang aura niya. Kumukulo ang dugo ko kahit na naririnig ko pa lang ang pangalan niya. Ang alam ko ayaw ko sa kanya at malakas din ang kutob kong ayaw niya din sa akin. Ang point ko lang dito at gusto kong mangyare lubayan niya ang mga importanteng tao sa buhay ko tapos.

Kaya nga nung nalaman kong magkapartner ang dalawa nakaramdam agad ako ng galit. Ayun nga sa dinamidami ng lalakeng pwedeng makapartner ni Kathryn napunta pa siya sa hinayupak na iyon. Kapag nalaman ko lang na may ginawang kalokohan ang hinayupak na iyon kay Kathryn makakatikim siya sa akin. Ito namang si Kathryn hindi man alang yata gumawa ng paraan para maghanap ng ibang partner.

Nababanas lang ako kapag naiisip na sa mga oras na ito habang nagbibigay ako ng relief goods nakakadiskarte na ang mokong. Kaya nga hindi ako makapagconcentrate sa pagbibigay ng tulong sa mga tiga Tacloban ng mabalitaan ko iyon.

Nadagdagan pa ang iniisip ko ng makausap ako ni Nicky tungkol doon sa “Deal” naming dalawa ni Kathryn. Hindi koako makapagtimpi sag alit dahil hindi ko akalain na ilalabas ni Kathryn yung bagay na iyon at talagang sa kapatid ko pa mismo. Hindi ko alam kong anong sumagi sa isip niya’t pinaalam niya iyon kaya heto nagkandaletche-letche na.

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon