Request

10.2K 107 22
                                    

Heartstrings: SUPERMAN vs. BATMAN

© Copyright 2013 All Rights Reserved

Batman’s POV:

Ilang araw naming tinutukan ang recording session para lang makahabol sa deadline na binigay samin ng mga producer na nagkaroon ng interest sa album na ilalabas ko ilang araw na lang simula ngayon. Halos wala na akong ginawa kundi tumambay sa studio at halos hindi na nga ako nakakauwi sa bahay kundi lang nagpapalit ng damit at pagkatapos non balik ulit agad dito.

Pasalamat ako’t nandyan si Mr. Castro para mag-assist sakin sa kung ano bang dapat kong gawin. Minsan dumadalaw din si tita Belle sa studio kinakamusta kung ano na bang natatapos namin at nakita ko naman sa reaksyon niya na natutuwa siya sa nangyayare.

At si Julia?

Busy na din siya katulad ko at halos hindi na din siya nakakadalaw dito sa studio pero ayos lang naiintindihan ko dahil sa trabaho. Ilang araw na din kasi simula ngayon birthday niya na. Kahit hectic ang schedule niya gusto niyang siya ang nagplaplano ng party niya. Gusto ko sanang dalawin din siya sa set kaso wala din oras pero konting tiis na lang magkakasama naman kami ulit sigurado ko yon.

“…So let me do the dishes in our kitchen sink….Put you to bed when you’ve had too much to drink…I could be the man who grows old with you…”

“…I wanna grow old with you…”

Nagsignal na si Mr. Castro kaya tinanggal ko na yung headset at nilapag katabi ngkopya ng kinanta ko. Matapos ang ilang araw na stress para lang matapos tong recording na to at pagod sa ilang oras din na nakatayo ito na ngayon masasabi kong tapos na nga.

Sa wakas tapos na.

Nakahinga na ako ng maluwag at lumabas na.

Ngiti ang bungad sakin ni producer ko ng makaupo ako sa tabi niya. Medyo gamay ko na din ang mga gamit dito sa studio at tinuruan na din ako kung pano to paganahin. Madami ko naman nakuha dahil meron na akong background pag dating sa music. Laking pasalamat ko lang at kabarakada ko tong sila Katsumi dahil kung hindi malamang wala ako ngayon dito.

Oo, nga pala hindi na ako nakakapunta sa bahay nila para makipagjamming pero sinisigurado ko namang babawi ako e. Sa takdang panahon nga lang hindi pa ngayon. Basta ako ng bahala makabawi sa kanilang apat maiintindihan nila kung bakit ba ako parang absent sa session ng Parking 5.

“… gusto mo bang pakinggan natin ulit?...” tanong sakin ni Mr.Castro.

Nagnod na lang ako.

Nagsimula ng tumugtog hanggang sa marinig ko na nga ang unang lyrics na kinanta ko pa lang kanina. Tinignan ko lang sa kinauupuan ko alam kong isa sa mga sa kikilatis ng mabuti kung papasa na sa standards niya bago tuluyang isama na sa 5 ko pang natapos na kanta.

“…Daniel…”

“…hmm?...” sinulyapan ko siya mula don sa cellphone ko. “… babalik ba ako ulit sa loob?..” tanong ko sa kanya.

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon