She's with him

4.1K 65 9
                                    

My 2nd UPDATE in a row :)

SHOUT-OUT SA MGA NAGCOMMENT LAST CHAPPIE:

@jemstar namiss ko din yung mga comments mo :)

@richkicks don't worry matatauhan na si DJ ♥

-------------------

HEARTSTRINGS: SUPERMAN vs. BATMAN

KATHRYN'S POV:

Maaga akong nagising sa totoo nga lang hindi ako gaanong nakatulog kagabi. Siguro dahil naninibago lang ako at dahil sa kakaisip kay mama.

Hindi na ako nakatulog pa kaya bumangon na ako agad. Nagpalit ng damit bago lumabas ng cabin para makapagalmusal na ng maaga.

Naghahanap ang tiyan ko ng mainit na maiinom.

Yung coffee shop na pinuntahan namin ni Nicky kahapon kaso lang mamaya pa magbubukas yon.

Para makasigurado tinignan ko muna yung perang dala ko.

"Sakto na siguro to sa isang cup ng kape. May vending machine kay dito?" naglakad-lakad pa ako magbabakasakaling mah makitang vending machine.

Yung tiglilimang piso?

Wala naman.

Hanggang sa dalhin ako ng paa ko sa kinainan namin nila Gino. May mga ilang tao na doon na kumakain.

Nakakagutom tuloy yung amoy ng ulam.

Pumasok ako sa loob para tignan yung menu nila ng mahagip ng tingin ko yung isang tao na nasa gilid.

Hindi kk na inalis ang tingin ko sa kanya.

Daniel?

Nakacomplete disguise outfit pa din siya with matching sunglasses at yung hoodie.

Bakit malakas ang kutob ko?

Nakita ko yung mannerism niya na kapag natetense o naiilang kundi hinahawakan yung buhok niya nakahawak sa hood ng jacket.

Katulad ngayon na nakayuko siya.

Napangiti ako ng may ideang pumasok sa utak ko.

"Ma'am..."

Napatingin ako kay ate na naghihintay ng order ko. Sinulyapan ko ulit yung menu sa taas.

"Ano pong order niyo?"

"Umm..." napahawak na lang ako sa labi ko habang nagiisip.

"Ate... May kape kayo diyan?"

"Hindi po available ngayon e... Try niyo po yung hot chocolate fudge."

"Ahh sige yun na lang."

Naku, tunog palang mahal na.

"Meron pa po ba?" umiling ako agad sa kanya. Kukulangin pa yata ang perang dala ko.

"Fifty-five pesos po ma'am."

Grabe naman yung hot chocolate fudge na iyon.

Nilabas ko na yung perang dala ko may fifty peso bill tapos may ilang barya.

"Salamat po." ng amuyin ko yung kapirasong cup na binili ko mabango naman. Ang mahal-mahal naman neto sayang yung fifty pesos wala kasing tiglilimang piso.

Naspot ko ulit yung pwesto niya hindi kalayuan sa akin. Mukhang may sariling mundo at malalim ang iniisip.

Sa itsura kasi niya ngayon na napakaseryoso.

Umikot ako para hindi niya agad mapansin. Dahan-dahan lang ang lakad ko mahirap na baka matapon tong iinumin ko.

Bigla kong naalala yung nangyare kahapon. Yung thrill at excitement na naramdaman ko non ng bigla niya na lang akong hilain para makapagtago sa humahabol sa kanya.

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon