Meant to Be

2.4K 89 16
                                    

HAPPY BIRTHDAY TO MY LOVELY TITA! <3 THEN BUKAS BIRTHDAY NI MAMA SO ADVANCE HAPPY BIRTHDAY I LOVE YOU BOTH!!
I will dedicate this chapter ro @jemstar dahil gumawa lang naman siya ng dp inspired by my fan-fic. Thank you!!
HEARTSTRINGS: SUPERMAN vs. BATMAN
KATHRYN'S POV:
"Nak, anong problema?" naupo si mama sa tabi ko at sinalat yung leeg ko. Sinalat niya din yung noo ko at kitang-kita ko yung pag-alala sa mukha niya.

Hinawi niya yung buhok ko.

"Nak, may masakit ba sayo?" nagaalalang tanong sakin ni mama. Pinagmamasdan niya buong mukha ko.

"Hindi mo na naman inubos yung pagkain mo..." madalas na ni mama na napupuna na para bang may sakit ako. Madalas din niyangtinatanong kung meron daw bang problema at madalas ang sagot ko wala.

Siguro dati hindi ko sasabihin kay mama yung problema ko kasi ayaw ko siyang magalala pero ngayon sa tingin ko isa ito sa mga pagkakataon na hindi ko na kayang itago sa kanya.


Nasasaktan ako e.

Ang tagal-tagal ko ng sinarili tong sakit sa dibdib ko.

Hindi ko na kayang ngitian si mama na para bang walang nangyayare.

Tinignan ko si mama.

"... Mama..."

Hinawakan niya yung kamay ko at marahan itong pinisil. Pinipigilan kong umiyak sa harapan niya pero nabigo ako.

Yumuko ako.

"Kathryn,anak, anong problema? Sabihin mo sakin... Makikinig ako nak."

"Mama... Nahihirapan na po ako..." pinagmasdan ako ni mama at hinintay na ituloy yung sasabihin ko. "... Nahihirapan na po ako sa sitwasyon namin ni... ni Daniel..."

Pinunasan ko yung luha sa pisngi ko pero tuloy-tuloy pa din yung pagtulo nito sa mata ko.

"... Kapag nakikita ko siyang may kasamang iba..." Nagflashback lahat-lahat sakin ng mga masasakit na scenes sa utak ko.

Sumikip lalo yung dibdib ko kapag naaalala yung nga oras na magkasama silang dalawa at masaya.

Hindi ko matanggap.

Hindi ko matanggap na ako pa pala yung naging dahilan kung bakit nagkabalikan silang dalawa.

"...bakit ganun po? Ang bigat-bigat sa pakiramdam..." ang hirap i-explain kay mama yung sakit ng nararamdaman ko.

Tinignan ko siya.

"... Ang sakit po dito mama..." sabay turo ko sa dibdib ko kung na saan yung puso ko.

Umiwas ako kay mama ng tingin lalo na ng makita kong nangingilid yung luha niya.

"... Mama hindi kami bagay... Lalo na ngayon na sikat na siya..." halos pabulong kong sinabi.

"Hindi kami bagay mama... Hindi bagay na makisama ako sa katulad niya..." hinigpitan ni mama yung pagkakahawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Nak, ano ba yang pinagsasasabi mo?"

Hinawi ni mama yung buhok ko.

"Bakit mo naiisip yan ha? Ikaw talaga bata ka... Wag na wag mong iisipin na iba sayo si Daniel." diin na sinabi niya sakin at direkta akong tinitigan sa mata.

"Wag na wag mong sasabihin na hindi ka bagay sa kanya... Na hindi kayo bagay sa isa't-isa." napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko.

"Si DJ pa din naman yun anak e... Siguro hindi ka lang sanay na madami ng nakakakilala sa kanya... Siguro nalulula ka lang nga nangyayare." pinunasan ulit ni mama yung pisngi ko at hinawakan ito.

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon