Unsure Reasons

6.7K 72 7
                                    

Heartstrings: SUPERMAN vs. BATMAN

Kathryn's POV:

"... Done..." ang sarap sa pakiramdam na natapos mo yung isang bagay. Na alam mo sa sarili mong pinaghirapan mo talaga at pinag-aksayahan ng pagod at oras. Ang sarap talaga sa feeling parang nabasa yung bigat sa pakiramdam dahil ngayon alam mo ng may maipapasa ka na at on time pa.

Yung pakiramdam na nakikita mo na yung pinaghirapan mo ang sarap sa feeling.

Ito na nga o hawak-hawak ko na.

"... Tapos na din sa wakas..." yun na lang ang nasabi ko.

Ng tignan ko si Gino nabasa ko din yung saya sa mga mata niya dahil katulad ko binuhos namin halos lahat ng libreng oras namin para dito sa finals namin. Bale pa-aaralan pa namin to ng mahigit 1 week bago kami tuluyang sumalang sa unahan.

"... Natapos na din natin... Syempre ang galing ko kaya..." pagmamayabang na sabi ni Gino sa akin sabay tap sa dibdib niya na para bang bilib na bilib sa sarili.

"... Oo, nga e ang galing kasi ng partner ko..." dagdag ko sa kanya.

Ngumiti siya.

"... Hindi biro lang.. syempre pinaghirapan nating dalawa yan ok? Good Job para sa atin..." nagnod ako sa kanya agad.

"... O, ano tara na? Alas-singko na pala ee..." 

Oo, nga tama siya almost 5 na sa orasan.

Akalain niyo yun ganun-ganun lang 2 oras na pala ang nilalagi namin dito sa library?

Ang tulin talaga ng oras.

Nagligpit na kami ni Gino ng mga gamit at binalik na din namin yung mga kinuha naming libro kanina. Sabay na kaming naglog-out sa land book sakto din na paalis na yung librarian.

"... Next week na din yung finals diba?..." narinig kong sinabi ni Gino sa tabi ko. Sabay kaming naglalakad palabas ngayon ng building namin.

Nagnod ako sa kanya.

"... Oo, nga ee ang tulin ng araw finals na agad-agad..."

"... Umm... Kath..." sinulyapan ko siya agad para kasing nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba sa akin o hindi.

"... O, bakit?..."

Napakamot siya sa ulo sign na kinakabahan siya.

"... Umm... naisip ko lang kasi e... na kung gusto mo lang naman Kath.... na kung pwede sana at kung ayos lang sayo sabay tayong magreview after class?..." sinundan niya agag kaya hindi na ako nakapagsalita. "...p-pero kung hindi naman.... ok lang... ayos lang sakin yon..."

Nginitian ko siya.

"... Sure sige ba..."

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon