Overboard

3.8K 104 28
                                    

Happy HOLY WEEK GUYS! :)

-----------

HEARTSTRINGS: SUPERMAN vs. BATMAN

Daniel's POV:

Mas pinili niyang... Kasama yung hinayupak na yon kesa sa akin. NAGHINTAY ako don ng mahigit DALAWANG ORAS at kalahati.

Naghintay ako don at nagmukhang t*nga tapos ganito ang makikita ko?

Makikita ko silang magkasama?

F*ck this!

"Ouch... DJ your hurting me!" may narinig akong nagsalita sa tabi ko.

Narealized kong napakahigpit na pala ng pagkakahawak ko kay Jasmine.

"Sorry"

"It's ok..." Alam kong nasaktan ko siya physially pero tinago niya lang yun sa ngiti. "Come on... Nandon na sila o!" tinuro niya yung mga taong kumakaway sa aming dalawa.

Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko bago ko siya harapin.

Bago ko silang dalawa harapin.

"Hey, ok ka lang ba DJ?" hinawakan niya ang braso ko para pakalmahin.

Inalis ko agad ang kamay niya.

"Ayos lang ako." pumikit ako at huminga ng malalim.

"Tara na..." hinawakan ko ulit siya sa kamay at hinila papunta kila Jay Ace na kung makasigaw sa pangalan ko wagas na wagas.

Malapit na kami ni Jasmine ng maramdaman kong may nakatingin sa akin.

Nagtama ang mata ko at mata niya.

Ayos, lang sana sakin na hindi mo ako siputin KUNG nagbigay ka lang ng rason hindi yung...

Hindi yung gagawin mo akong t*nga na naghihintay sa wala.

Hinigpitan ko ang hawak kay Jasmine at pinauna siyang maglakad sa akin.

May nakita akong emotion sa mukha niya pero wala na akong pakealam kung ano yon.

"DJ, dito ka maupo pare sa tabi ko." hinila ako ni Jay Ace at dahil doon naalis ang tingin ko kay Kathryn.

"Ang tagal niyo namang dalawa ni Jasmine... Anong ginawa niyo?" nanginiting tanong ni Jay Ace at narinig ko lang ang tawa ni Katsumi dahil don.

"Wala."

"Ohhhhh-K." nagnod lang siya at binaling na ang attention sa kasama niyang 'chika babes' niya na kabarkada din ni Jasmine.

Nakapalibot kami ngayon sa bonfire na nagbibigay ilaw sa napakadilim na parte ng beach. Malayo sa 'night party' na sobrang ingay at gulo.

Ito siguro yung place na tamang-tamang magmuni-muni at marelax pero sa situation ko ngayon hindi effective.

Hindi effective yung bonfire, yung aura ngayon at lalong-lalo na yung mga tao sa paligid.

F*ck.

May sari-sariling mundo ang lahat may mga nagkwekwentuhan, nagngingitian at nagtatawanan sa kung anong sinabi ng isa.

Wala ako sa mood para dito.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong tignan 'siya' dahil sa kinauupuan ko ngayon kitang-kita ko ang bawat galaw niya..

Nilang dalawa ng hinayupak na yon.

Magkatabi silang nakaupo.

Hindi ko gusto yung nakikita ko kung paano sila magusap na dalawa.

Heartstrings:SUPERMAN vs. BATMAN (BOOK II) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon