A. PAIGE'S FOREVER part 2

48.5K 835 15
                                    

CHAPTER 4

           

PAG-UWI niya ay agad na nahagip ng kanyang mga mata ang sasakyan ng mga magulang at ng ilang bisita. Baka dumating na ang mga pinsan niya. Her cousins in the mother side are their closest relatives since wala ng mga kamag-anakan ang papa niya. Balak sana niya ay sa backdoor dumaan pero baka magalit sa kanya ang mga magulang niya dahil hindi man lang siya sumalubong sa mga ito kaya sa main entrance ng bahay siya mismo dumaan.

           

“Ate, welcome back. Maaga ka yata ngayon?”

           

“Yeah, I’m a bit tired. Hindi din ako makapagsulat.” Lumapit siya sa mga magulang na nasa sala upang magbigay galang.

           

“Welcome home, Ma, Pa.” She kissed them both on the cheeks.

           

“Ganyan pa rin ang style mo Paige? Hindi ka pa ba nadidisgrasya sa buhok mo?” Tiningnan niya ang nagbibirong pinsan niya. Si Devin. Katabi nito ang asawa nitong si Cherieze.

           

“So far kuya hindi pa naman ako pinapatid ng bangs ko.” Tumawa lang ito sa pakikisakay niya. Kapag naging pikon kasi siya ay mas lalo lang siyang aasarin ng mga ito.

           

“Paige, I want you to meet my husband Chase.” Pakilala ni Zuri, kamakailan lang ay ikinasal na ito sa mortal nitong kaaway na si Chase.

           

“Si kuya Caleb nalang pala ang single sa inyo.” Aniya.

           

“Lol, ikaw muna ang mauuna sa ating dalawa.” Anito. Bumungisngis ang mga nakarinig sa pasaring nito.

           

“Don’t worry kuya, mauuna ka, promise. I don’t have plans too.” Maiksi pero seryoso niyang saad. Hinarap niya si Connor na nasa likod lang niya kasama ang pinsan nitong si Hunter. Weird, the moment she laid her eyes to that man ay parang nanayo ang kanyang balahibo. Minsan lang siyang makadama ng ganoon, kapag alam niyang may mangyayaring malaking pagbabago sa buhay niya. Hindi naman siya psychic maybe malakas lang ang woman’s intuition niya.

           

“Mabuti naman at napansin mo rin ang bestfriend mo. Hindi mo man lang ako sinalubong kanina.” Nagtatampong saad nito.

           

“Lasing ka?”

           

“No, bakit?”

           

“You look drunk to me.” Hindi niya pinansin ang pagdadrama nito kanina.

           

“Hindi ako nakainom, promise.” See, sa isang iglap lang ay nagbalik na ito sa dating sarili nito. “Damn! Nahuli mo na naman ako.” Reklamo nito ng makuhang ginuguyo lang niya ito.

           

“Papasok muna kami, dito na muna kayo. Hindi na namin kaya ang lamig dito sa labas.” Paalam ng mga magulang niya. Sumunod naman ang mga pinsa niya. Ang naiwan nalang ay ang mga kapatid, siya at ang dalawang lalaki na nasa harap niya.

Collection of One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon