The Search is over...

33.8K 618 82
                                    

Hanggang kailan kita mamahalin?

Hanggang kailan ako maghahanap?

Hanggang kailan ko sasabihin na tama na, ayoko na?



"Bestfriend." Napangiti siya ng makita niya ang kaibigan niya, tahimik lang siyang naka-upo sa ilalim ng puno ng Santol sa harap ng university na pinapasukan nilang dalawa. Magkaiba ang kurso nila pero hindi iyon sagabal para hindi sila magkaroon ng oras para sa isa't isa, kasi nga sabi pa niya bestfriends sila, close to being siblings kahit na may kapatid na siyang barako din.

"Austin." Mahinang bati niya dito, bata palang sila kilala na nla ang isa't isa. Matanda lang siya sa kanya ng isang taon pero nasa parehong taon lang sila sa kolehiyo kasi ayaw niyang pumasok noon kapag hindi siya kasama kaya napilitan ang nanay niya na i-enroll siya ng wala sa oras. Sila ang sanggang dikit, kami ang magkasama, sila ang magkaramay at nasabi nga nito minsan na hindi hadlang ang pagiging babae at lalaki nila para hindi sila maging magbestfriend.

Hanggang magbestfriend lang...

Kasi, kahit na ang totoo mahal niya na si Austin. Mahal niya na ito, matagal na pero hindi niya pwedeng sabihin sa kaibigan. Ayaw niyang masira ang magandang pagsasama nila kasi nga sila ang 'the amazing twins', hindi pwedeng mabuwag. Parang incest na nga kung ituturing sa sobrang closeness nila. Marami na siyang nababasang ganitong estorya, noong una ay tinatawanan niya lang kasi nga alam niyang hindi mangyayari iyon pero kapag pala destiny at fate na ang kalaban mo mahirap manalo.

Kabig ng bibig, tulak ng dibdib.

Huwag magsalita ng tapos.

Guilty na guilty siya sa mga kasabihan na iyan dahil siya kasi iyon unang nakaramdam ng pagmamahal sa taong hindi niya pwedeng mahalin.

"Kumusta?" nakangiting bati niya ay itiniklop ang libro na binabasa niya at dahan-dahang nilagay sa isang tabi. "Bakit ka malungkot?" nag-aalalang tanong niya.

"Break na kami Jessan." Malungkot na baliita nito sa kanya, humiga ito sa lap niya para makita siya nito. At kitang-kita niya sa mukha nito ang lungkot, iyong balita na dapat ay masaya siya ay hindi niya pwedeng maramdaman dahil malungkot ito. Kapag masaya si Austin masaya din siya at kapag malungkot ito dama din niya ang lungkot at sakit nito. Kapag nasusugatan ito ay siya pa nga ang unang umiiyak kagaya nalang ngayon, kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya at tumama sa pisngi nito.

"Bakit ka na naman umiiyak?"

"Kasi I know you are sad now Austin, gusto mong kausapin ko Khyla?" tukoy ko sa girlfriend nito na ex-girlfriend na nito ngayon. "Maaayos niyo pa ito."

Umiling ito. "Hindi na okay na iyon, hindi naman maganda ang ugali niya." pinunasan nito ang luha sa mga mata niya. Kaya sino ang hindi magmamahal sa lalaking ito? Kung sana ay kagaya siya ng mga tipo nitong babae na maganda, iyong kaya niyang ipagmalaki sa lahat kasi fashionista, iyong hindi nahihiya sa mga tao malamang may chance pa siya pero malayo siya gustong babae nito and it pained her so much.

Hindi naman daw siya pangit gaya ng sabi ng nakakabatang kapatid niya, maganda daw siya, simpleng maganda. Ni hindi marunong maglagay ng anumang kulay sa mukha, pulbo lang solve na siya. Pati pananamit niya ay wala na rin sa mga fashion magazines pero doon kasi siya komportable.

At saka hindi naman siya nilalayuan ni Austin sa suot niya, alam niyang kaya ito komportable sa kanya ay dahil sa paraan ng pagdadala niya sa sarili. He felt safe when he's with her at ayaw niyang lumayo ito sa kanya, not now when she needs a friend. When she doesn't have anyone but him.

Collection of One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon