Don't read, not a story

20.5K 471 60
                                    

Not a story!

Parang kailan lang ano? Akalain niyo magtatatlong taon na ako sa wattpad, isang taon bilang reader at dalawang taon bilang writer. Ang bilis dumaan ng panahon, hindi ko makakalimutan ang mga taong nagdaan paano ba naman kasi iyong time na nagsimula akong mahumaling sa wattpad ay iyon din ang time na umalis ako sa nauna kong trabaho. Hindi naman lingid sa kaalaman niyo na pagkatapos kong mag-aral at makapagtapos ng kolehiyo ay nag-aral muna ako ng isang taon ng Doctors of Veterinary Medicine hindi ba? It's already an open book, dala siguro ng nasa teen pa ako ng makagraduate ako ng college kaya hindi ko pa alam kung ano talaga ang gagawin ko.

Ngunit ako ay naakit ng salapi kaya ng pag-uwi ko at ako ay nakahanap ng trabahong hindi ko naman hiningi at inaasahan na may pangakong malaking sahod agad koi tong sinunggaban. Hanggang sa lumipas din ang isang taon at nakaramdam ako ng pagkabagot kaya naghanap ako ng diversion at wattpad nga ang nakatulong sa akin, January 2013 ako naadik sa wattpad. Gumawa ako ng account upang makapagbasa ng mga kwento, tama binabasa ko lahat walang mintis. Mula short stories hanggang sa mahahaba, mapaTagalog man o English. Marami akong mga friends sa facebook na alam ang wattpad account ko kaya hindi ko ma-add ang medyo espeegee na mga kwento sa aking library ng hindi nila nalalaman. Wala eh, kasalanan ko bang nacucurious ako sa mga kwentong ganyan at sawa na ako sa kwentong pambata at pa-tweetums. Aminin ko na rin, 21 na ako ng mga panahon na iyon matanda na ang edad ko and besides open-minded ako sa mga ganyang bagay. Nagbabasa nga ako ng works ni Ms. Martha C and she wrote erotic stories with a heart (char frog).

Marami akong nabasang stories, some of them were written quite well. At that time medyo critic ako, hindi ako iyong klase ng critic na binabasehan ay ang mga grammars achuchuchu I am more on the plot of the story, kung maganda ba ang pagkakahanay ng thoughts kung najujustify ba ang mga characters at kung may emotion ka bang nafefeel. Marami na akong nabasang may perfect grammar pero poor ang story line, iyong iba jejemon pa. Marami din na maganda iyong plot, may potential pero nakajejemon style at iyong iba masakit sa ulong basahin pinagtiyagaan ko pa ring basahin dahil nga I am after the plot of the story... the story itself and not just its technicalities.

Iyong grammar kasi maaayos naman iyan kapag na-edit pero iyong plot ng story mahirap na rin iyang ayusin kasi kailangang ibahin ang lahat. Hanggang sa nagsawa na ako tamang-tama na nag-AWOL ako sa call center na pinagtatrabahuan ko dahil nagparank ako for teacher 1. And while waiting iyong ginawa ko nagbasa uli ako hanggang sa nakagawa ako ng other account, so si ako talaga three years na sa wattpad pero si iamyourlovelywriter na ginawa ko lang out of the blue ay two years pa lang dito.

I start writing one shots, wala lang gusto ko lang talagang magsulat out of frustrations. Hanggang sa dumami na ng dumami, I stop being a wattpad reader and became a writer instead it is a very big shift in my wattpad life. I was accepted as a public high school teacher, nag-aral ako ng masters ko while enjoying my social life at nagsusulat sa wattpad. Mahirap? Sobra, sobrang hirap ibalance ang lahat ng bagay pakiramdam mo ay kailangan kang may isacrifice pero kaya naman pala, time management lang.

And then I start to love writing love stories, iyong mga stories na nababasa ko lang iniba ko lang ng characters dinagdagan ng scenes and kung anu-ano pa. It's a total makeover hanggang sa marami na akong nasulat, pakiramdam ko kapag nagsusulat ako ay may bago na namang plot na pumapasok sa isip ko. As much as possible ayoko ng pare-parehong plot, although may instances talaga na pare-pareho ang mga scenes because of course ganoon naman talaga eh, iyong ginagawa mo pwedeng ginagawa din ng ibang tao.

Since I am a hooker of series kaya nagseries na rin ako para less hassle sa mga characters na iniisip ko . Pinagdugtong-dugtong ko ang mga buhay nila, kung akala niyo madali mahirap din iyon lalo pa at may mga oras na nakakalimutan mo ang mga eksena sa dami nila. Mahirap siya kasi kailangang may mabago sa plot mo para lang ipasok iyong eksenang naisulat mo sa naunang kwento. Mahirap siya kasi hindi naman ako full time writer at nakakalimutan ko rin ang mga sinusulat ko. I don't know kung ako lang ba ang nakakaranas nito.

Love story is my forte because I love reading love stories, ganoon naman yata if you love horror stories you will write horror stories and such. Later do I know what genre I really want, gusto ko ng mind twisting stories iyong napapaisip ka habang nagbabasa ka gusto kong magsulat ng ganoon that is why Chrome and Wess story is an experimental story for me. And it seems like hindi lang ako ang may gusto ng ganoon, most of us like that kind of story although I want happy endings to. I want to know if may happy ending ba para iyong iisipin ko nalang ay kung paano nagkaroon ng happy ending and how they are going to twist the story to have it.

And then ZBS came in action, noong una pure love story lang ito dapat focusing on the sorority hanggang sa naisip ko, why not play the characters. Why not add some mystery and everytime you read each story ay mag-a-add ng additional information sa mga susunod na kwento. Sa kung saan talaga nakasentro ang kwento, may kanya-kanyang kwento pero may nakasentro pa. Madali lang ba ulit? Nope, it is not that easy I don't even know kung paano ko nagawa iyon. Kailangang steady ang state of mind mo habang nagsusulat, kailangang focus ka sa characters na sinusulat mo kaya kahit na i-add ka ng ibang impormasyon tungkol sa mga characters ay hindi ka malilito. It should be 'this characters' story and not any other story.

And then writing Crischelle and Caleb's story is a challenge, have you read the comments? Hindi moa lam kung matatawa ka o matatakot sa beastmode moments ng mga readers. And then here comes Monique and Cael's story, they have equal reactions. And truthfully speaking hindi madali na magsulat ng kwento ng twenty chapters lang. When I wrote ZBS #8 my main intention is to somehow introduce Hexel as the last and founder of the sorority. I want the readers to have a glimpse of her but then it's about Niq and Cael's story.

They are the first characters I wrote na iyong lalaki ay may troubled past as well as the female character. Nasanay na siguro akong magsulat na ang lalaki ay iyong perfect guy nating lahat, iyong seductive and jaw dropping handsome, a demi-God and close to perfection because seriously speaking this is a love story and love stories should be like that right?

That's why I am really wondering... is writing a love story enough for me? No, it's not... parang hindi na siya sapat it's like kumakain ka ng paborito mong pagkain pero may natikman kang halos katulad ng pagkain na nakain mo pero mas masarap mas mahal nga lang, ano ba ang pipiliin mo? Iyong mura na masarap din, o iyong medyo mahal na mas masarap?

Katulad din iyan ng sitwasyon ko ngayon, I want to write the same way I write dahil doon ako mas hiyang pero gusto ko ring magsulat ng higit pa doon pero aalis ako sa comfort zone ko at mag-iinvest pa ako ng oras at too much emotion. Medyo mahirap talaga siya, super... pero dadahan-dahanin ko.

Dahil kapag natapos ang ZBS or pwede ding magsimula sa ZBS, hindi na ako magsusulat ng love story ang isusulat ko nalang ay LIFE STORY. Sa love story, pag-ibig lang nakafocus habang sa life story cover na niya lahat. Kung saan man ako dadalhin ng kagustuhan ko hindi ko alam basta ako sigurado akong hindi man ngayon pero soon, masusulat ko rin ang pinakamagandang kwentong pwede kong isulat. And just like Cael, I am a work in progress and I will do good and better next time.



<3

Nagmamahal,

Inang 

Collection of One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon