H. They found love in... tetris battle?

46.1K 696 36
                                    

a/n: Sa mga nagtataka kung ano itey, galing po ito sa other account ko. As you have noticed I've already deactivated that account dahil nalilito na po ako hahaha, illipat ko sila lahat dito. HInay-hinay lang muna... Take note, I wrote this one college pa po ako at uso pa ang tetris sa fb at that time. Happy reading!!

-------------------------------------

“Yay,  intrams na!”

Sino ba ang may ayaw ng intrams?

Kapag intrams kasi walang klase, hindi ka nagsusuot ng uniform, pwede kang ma-late... pwede mo rin na panoorin ang crush mo na nakikipaglaro ng basketball o kaya naman ay soccer. Kaya nga gustong-gusto niya ng intrams...

           

        At sino SIYA? Ako lang naman siya, si Abegail Marie Tan. Malakas ang bilib sa sarili at talagang ipinapangalandakan niya na cute siya, mahaba ang kanyang buhok at may bangs siya, tsinita din siya kasi nga may lahi siyang Chinese. Kaso nga lang cute lang ang pwede niyang idefine sa kanyang sarili dahil kung pagandahan lang maraming nagkalat sa buong school campus kaya nga matagal na rin siyang sumuko na mapansin ng ultimate crush niyang si Ralph Antonio.

Matagal na niyang crush si Ralph, freshman palang sila. Hindi sila classmates dahil nasa magkaibang department sila pero hindi eh, talagang tinamaan siya ng husto. Parang paboritong anime lang niya na kapag naririnig niya ang intro ng kanta ay pinagpapawisan na ang noo niya at lumalakas ang kalabog ng kanyang puso. Parang kapag nakikita lang niya si Ralph niya, pinagpapawisan ang noo, palad, at talampakan niya. lumalakas din ang tibok ng kanyang puso at para siyang nagkakaroon ng ulcer. Hindi lang kasi ito gwapo, matalino din ito at mukhang mabait, palagi niya itong nakikita na pakalat-kalat kung saan din siya nakakalat. Member din ito ng soccer team at ace player ng team nila.

Ang problema nga lang as in super laking problema ay nalilink ito sa magandang captain ng Women’s volleyball team, ang taray hindi ba? Palagi niyang nakikita ang dalawa na magkasama, pati sa umaga ay magkasabay ang dalawa tapos ganoon din sa pag-uwi pati sa lunch feeling nga niya at dinig niya sa tsismis ng mga baklitang froglet na schoolmates niya baka nga raw naglilive in na ang dalawa. Pero alam niyang hindi, at least iyon ang paniniwala niya. At saka ang sakit lang bangs niya na kahit saang anggulong tingnan talagang imposible na siyang mapansin ni Ralph. At saka wala siyang kaamor-amor sa sports, soccer lang ang alam niya dahil na rin dito pero wala talaga siyang hilig sa soccer well maliban nalanng sa Tetris sa facebook, para sa kanya sports iyon dahil gumagalaw ang mga daliri niya at saka pambato siya sa larong iyan, oh hindi ba? Proud lang.

            Kaya nga sasali siya sa contest ng school nila na ‘Tetris Challenge 2012’, kailangan niyang Manalo doon dahil sobrang laki ng prize. Alam niyo iyong prize? Pwede daw magrequest na makadate ang crush mo kahit na sino sa loob ng dalawang araw. Love na love na talaga niya ang Student Supreme Government nila dahil sa matalinong utak nito. Kaya nga mananalo siya at least kahit sa dalawang araw ay pwede niyang maidate si Ralph.  

Collection of One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon