G. Olive's not so fairytale Lovestory

79.2K 1.1K 86
                                    

            Move on.

            Dalawang salita na yata gamit na gamit na... Ika nga nila sobrang overused na at nakakatawang isipin na maging siya ay palaging ginagamit ang salitang iyon. Move on. Mag-move na raw kasi siya, kaya nga nandito siya ngayon sa kasal ng taong gusto na niyang kalimutan. Her ex-boyfriend Allyxander Miguel Ventura. The man of her dreamsz the man her heart chose to love, the man she took for granted.

            Kasalanan din naman kasi niya kung bakit ito tuluyang nawala sa kanya. Dahil kahit na ilang beses na niyang itinulak itong palayo sa kanya sa tuwing lalapit ito. Miggy is close to perfection. Everyone loves him or loves to have him and everyone envies her before kaya siguro siya natakot.

            May hitsura naman siya pero hindi siya kasing angelic ng mukha ng ate nitong si Dreia. O kaya naman pambeauty queen tulad ng kay Yelena at mas lalong hindi ang innocent look na gaya ng kay Dane. Lahat ng nakapaligid na babae sa paligid nito sobrang gaganda nakakahiyang tumabi sa mga ito.

            Niligawan siya ni Miggy to the point na nagpupunta ito sa school niya at dinadalhan siya ng mga flowers and chocolates. Kinikilig siya kapag ginagawa nito iyon hindi naman lingid dito na may gusto din siya dito. Formalidad nalang ang kulang... Kaso natakot siya. Natakot siyang baka hindi niya kayang sabayan ang isang tulad nito.

            He is one of the famous model in the country at kahit na taga-ibang bansa ay kilala na ito. Maligawan lang ng isang Miggy Ventura ay isang napakalaking karangalan na. She is about to say yes from his panliligaw, bakit mo naman patatagalin kung gusto mo rin siya hindi ba? Kaya lang nalaman ito ng mga fans ni Miggy, hinarass siya ng mga ito. They send her death threats. Noong una binaliwala niya iyon pero naging malala na dahil mga patay na hayop na ang iniiwan ng mga ito sa locker niya. Naging paranoid siya sa nangyari, natatakot na siya pero hindi niya iyon sinabi kahit na kanino dahil baka pagtawanan lang siya ng mga ito so she kept it to herself.

            Miggy asked her for a date na agad naman niyang tinanggap. Sasagutin na sana niya ito kaya lang may humarang sa taxi niya at kinuha siya ng mga hindi kilalang mg babae. She was scared to death akala niya ay katapusan na niya, inutusan siya ng mga ito na tawagan si Miggy at bastedin ito. Dala ng takot ay iyon ang ginawa niya na dapat ay hindi niya kailanman ginawa.

            Pinakawalan din siya ng mga babaeng iyon and when she tried to approach him to explain her side ay ito na ang lumayo. Sumuko na ito sa kanya and its all her fault dahil naging duwag siya, she isnt worthy of his love and attention.

            She cried day and night, but it was too late and her tears were already useless now. Sinubukan naman niyang ipilit ang sarili dito, ayaw na niyang maging duwag. Sinusudan-sundan niya ito hanggang sa hospital kung saan nahuli siya nitong nagpapanggap na may sakit. Doon niya nakilala si Naome.

Collection of One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon