K. One More Time part 2

46.7K 786 51
                                    

Tapos na ang maliligayang araw niya na kasama si Chase. Ipapasa na nila ang assignment nila. Ibig sabihin wala ng dahilan upang magkita sila and as promised ay siya na mismo ang iiwas dito.

"Sinong magpapasa?" Tanong niya.

"Ikaw nalang."

"Ipasa nalang natin ng sabay."

"Sige na nga." Sabay silang nagpunta sa faculty room at hinanap ang teacher nila.

"Chase? Veronica? Anong ginagawa niyo dit0?"

"Magpapass po ng assignment." Sabay na sabi nila.

"May two days pa bago ang deadline, ah."

"Maaga po kasi naming natapos."

"Mabuti iyan at dahil diyan may additional points kayo sa akin."

"Salamat po."Masaya silang lumabas ng faculty room.

"We passed it with flying colors." Aniya.

"Oo, nga."

This is it. Aniya sa kanyang sarili at hinarap na si Chase sa huling pagkakataon. Inilahad niya ang palad sa harap nito. "This will be it, Chase. Thank you for everything." Tinanggap nito ang kamay niya. At napangiti. Pero siya ay gusto ng maiyak.

"Yeah, thank you too."

"Tutuparin ko na ang pangako ko na iiwasan na kita." Iniwas niya ang tingin dito.

"But why? Can't we be good friends?"Friend? Friend lang talaga...

"No, im sorry. Sa ngayon ay hindi ko pa pwedeng tanggapin ang friendship mo. Alam mo naman na may pagtingin pa ako sa iyo. Ayoko lang na mahirapan pa. For two years ay sinubukan kong makapagmove on sana ay tulungan mo rin ako." Hinila niya ang kamay niya mula dito pero biglang humigpit ang hawak nito sa kanya. "Chase, please." Pakiusap niya. Lumuwang ang hawak nito sa kanya at nagkaroon siya ng pagkakataon na mahila ang kamay. "Thanks and see you around."

For the last time she tried to smile... smile though her heart is aching... Ayaw man niya, pero mahal pa rin niya ito.

It has been  two weeks, nasa school park siya ng mga sandaling iyon. Nag-review lang siya para sa incoming finals niya para sa isa sa mga minors niya. Kanina pa niya gustong batuhin ang mga maiingay na lalaki sa bench na nasa tabi niya.

Hindi naman niya maintindihan ang pinag-uusapan ng mga ito ay naiingayan pa rin siya. Nang hindi makatiis ay tumayo siya at lumapit dito.

"Boys, pwede bang makiusap? Pwede bang pakihinaan ang boses niyo?" Aniya. Napatingin ang mga ito sa kanya.

"Ikaw iyong binasted ni Chase." Parang may kunehong ngumatngat sa teynga niya sa narinig. "Two years ago?" How can she forget, mga kaibigan ito ni Chase.

Nagkibit balikat siya. "Ano naman ngayon? Basta hinaan niyo ang boses niyo."

"Hindi naman ito library, ah. Sa library ka mag-aral. Tahimim doon." Pilosopo! Ginagalit talaga siya ng mga hudas na ito.

"At hindi din ito bar na kailangan niyong magsigawan. Hindi ko naman sinabi na manahimik kayo ng tuluyan. Ang sabi ko hinaan niyo naman ang boses niyo."

Ngumiti ang mga ito ng nakakaasar.

"Pareho lang naman ang ibig sabihin noon. Ganyan ba ang nagagawa ng mabasted nagiging bitter. Kawawa ka naman. Paano kung ligawan mo uli si Chase, baka this time sagutin ka na niya." At talagang inemphasize pa ng mga ito ang salitang 'baka'. "Pero for sure basted ka na naman. Ang kakambal mo naman-." Hindi na nito natapos ang sasabihin dahil pinatid niya ang binti ng nang-aasar sa kanya. "Array. You witch." Mabilis siyang tumalikod dahil tutulo na ang luha niya. Nakayuko siya kaya hindi niya namalayan na may nabangga na pala siya. Pagtingin niya ay si Chase!

Collection of One shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon