Wakas

925 17 0
                                    

FORGIVENESS, THAT WAS the first word that came into my mind the moment I opened my eyes this morning. Ilang beses kong pinag-isipan ito at itinimbang ang mga nangyari bago ako nagdesisyon.

Bago ko naisip na pagpapatawad lamang ang tanging solusyon sa lahat para umayos ang lahat.

“Manong, alam niyo po ba ang bahay ni Koel Khoevaryo?” tanong ko sa lalaking nakasakay sa bangka habang itinataas ang shades na suot ko.

“Si Owel ho ba ma’am?” Tumango ako sa tanong niya. “Oho, ma’am.”

“Puwede niyo po ba akong dalhin roon?”

Nag-aalinlangan niya akong tinignan. “Ah, eh, kasi ma’am sa labas na ho ng Buhnateryo iyon. Kaya…”

“Ako na pong bahala dodoblehin ko ho ang bayad, ninang ko naman po ang may ari nito.” Times when you need to use authority to achieve something.

Naoakamot na lamang siya sa batok. “O sige po, ma’am.”

Sumakay na ako ng bangka niya at pinaandar niya na ang motor ng bangka. Matapos naming madaanan lahat ng mga rest house sa may Buhanteryo ay nag-iba ang senaryo sa paligid. Sa tingin ko ay ito na nga ang sa labas ng Buhanteryo.

Para bang ilog ang dinadaanan namin at nasa gilid ng tubig ang kapatagan kung saan may mga nipa na nakatayo roon. Iba’t ibang tao rin ang mga naroon na sa tingin ko ay silang naninirahan, may ibang mga Aeta akong nakita, halos sila ay nakalabas. Halos magmukhang mga squatter na kabahayan sa Maynila ang lugar dahil sa sari’t saring damit na nakasampay, pero mas maganda ang mga bahay na nakatayo at mas malinis kung titignan.

Iilan lang ang mga konkretong bahay na nakita ko.

“Ano pong tawag sa lugar na ito?” tanong ko sa bangkero.

“Barangay Mantelno ho, ma’am,” tugon niya. Bahagya siyang huminto at may hinila sa makina ng bangka. “Andito na ho tayo. Iyon hong walang pinturang konkretong bahay ang kina Owel.”

Lumingon ako sa kaliwa at nakita ang tinutukoy niya. Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko ay bumilis ang tibok ng puso ko lalo pa ng makita ko siyang nakatalikod sa puwesto namin.

Nang tuluyang huminto ang bangka ay nagbayad na ako at nagpasalamat bago siya tuluyang umalis. I sighed and went near his place. He’s wearing a teared white t-shirt and a gray shorts.

“Siyempre, maganda siya,” rinig kong sabi niya sa mga batang Aetang kakuwentuhan niya sabay tawa.

Ilang beses akong napalunok dahil sa… kaba? Mas lumapit pa ako sa kaniya dahilan para lingunin ako ng mga kasama niya. Napatikom ako ng bibig ng maramdaman ang paghaharumentado ng puso ko.

Ang mga ibang napapasulyap sa akin ay napapatitig habang ang iba naman ay napapahagikgik. Nanahimik ako sa likod at nagsalita, pinapakinggan ang mga sinasabi niya tungkol sa babaeng maganda sa Maynila. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil kahit wala na sa kaniya ang atensyon ng mga kausap niya ay patuloy pa rin siya sa pagkuwento.

Hindi ko naman alam na minsan pala nagiging ganito kadaldal si Koel. Madalas kasi siyang tahimik kapag kasama ako.

May isang batang babaeng Aeta ang kumalabit sa binti niya. “Kuya Owel o.” Tumingin siya sa akin sabay hagikgik. “Siya ba iyong babaeng maganda na walang mata.”

Nang tinuro ako ng bata at liningon ako, pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi niyang walang mata dahil sa kasingkitan ko o ang gulat sa mukha niya ng makita ako.

Natameme siya ng makita ako habang nagtawanan ang mga batang kakuwentuhan niya. Napakagat na lamang ako ng labi at hindi na nagsalita kahit pa nararamdaman ko ang mga paru-parong nagwawala sa tiyan ko.

Treacherous RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon