Kabanata 6

406 6 0
                                    

NAKA-UPO AKO SA buhangin sa ibaba ng tubig habang nakatitig sa araw. Gusto kong talunin sa titigan ang araw, kung sinong unang kumarap siya ang talo… katulad ng ginagawa namin noon ni papa. At siyempre, laging ako ang talo, ako lagi ang unang humahapdi ang mata. But dad always told me I won.

I miss him. The sun always reminds me of him, the sun that as bright as his smiles.

Siguro kung ako ang papipiliin ay mas pipiliin ko na lang si papa ang makasama. But mom is selfish, ginayuma niya ang utak ko at pinagsamantalahan ang kamuwangan ko. Pero ngayong matanda na ako, alam ko na ang tama. Alam ko na kung sino ang masama at kung sino ang mali sa kanila.

“Would you just stare at the sun?” Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa gilid ko. Her blonde hair and white skin was obvious that she’s a foreigner. Kalahati ng katawan niya ang nakalublob sa tubig katulad ko pero mula palang dito ay alam ko ng naka-two piece siya. “I’m Bela, by the way.”

Inilahad niya ang kaniyang kamay at kinuha ko rin iyon. “Raia. Saraia.”

“Nice meeting you, Raia,” nakangiti niyang sagot.

Mukha naman siyang mabait. I can say that she’s actually beautiful. Hindi lang dahil maputi kung hindi dahil maganda talaga ang mukha niya, matapang at kahit sa tubig ay nakalitaw pa rin yata ang makapal niyang eyelashes na itim. Simple lang ang mukha niya pero masasabi kong mala-amazona ang datingan niya.

I’m jealous of that face.

“Are you tourist here?” tanong ko sa kaniya at ini-angat ang sunglasses na suot ko.

She smiled. “Yes. I’m from London.”

Whoaw. London is in my bucket list. “Really? London’s a great place.”

“Well, yes, unless you’re used to the place,” tumatawang tugon niya. “How ‘bout you? Are you from China?”

Nanglaki ang mata ko sa sinabi niya. Ako? Galing sa China? Porke’t ba singkit ako ay mukha na akong intsik? “No! I’m a Filipino!”

Sa pagkakataong ito ay siya naman ang napatakip ng bibig. “R-really? I’m sorry but you really look like a Chinese!”

I laughed. Alam kong singkit at maputi ako, pero wala pa namang napagkamalan akong intsik. “I swear I’m a Filipino, but, my dad have some Chinese ancestors.”

“Oh…” tugon niya sabay tango. “That must really explain why you have cute eyes.”

“Maybe?” hindi siguradong sagot ko sabay tawa. “Are you staying here?”

She nodded. “38.”

“I’m from 34.” Ngumisi pa ako sa sagot ko. Malapit lang pala siya pero ngayon ko lang siya nakita. Siguro dahil lagi kong kasama si Koel kapag lumalabas kami.

“I always saw you with the lifeguard guy.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

“Lifeguard?”

Tumango siya. Si Koel ba ang sinasabi niya? Baka nagkakamali lang siya, imposibleng life guard si Koel. “Yes.”

I awkwardly chuckled. “You must be mistaken. Koel is not a lifeguard, he’s a tourist here.”

“But—” sasagot pa sana siya ng may tumawag sa akin.

Lumingon ako at nakita siyang papalapit na sa amin suot ang kaniyang trunks at kulay abong sando. “I think I need to go now. Nice meeting you again, Bela.”

Ngummiti lamang siya sa akin bago kumaway. “Goodbye!”

Pinuntahan ko si Koel na kunot noong nakatingin sa amin. “Sino iyon?”

“Tourist. Nagkakilala lang kami.”

Tumango siya. “Upo tayo sa may duyan,” yaya niya.

Sinundan ko siya pero bumabagabag pa rin sa isipan ko ang sinabi ni Bela. Baka nagkamali lang siya, o kaya naman ay kamukha niya. Wala sa mukha ni Koel ang pagiging isang lifeguard at hindi siya mukhang lifeguard.

Nang makarating kami ay nakapatong sa duyan ang gitara niya. Marunong siyang mag-gitara? “Sa ‘yo iyan?”

Tumango siya at kinuha iyon para maka-upo ako. “’Di ba maganda ang boses ko?”

Napahalakhak ako sa sinabi niya. Masyado naman yatang lumaki ang ulo niya sa papuri ko. “Lumalaki yata ang ulo natin?”

Natawa rin siya at sinimulang i-strum ang gitara. “I’ll hold the door, please come in and just sit here for a while. This is my way of telling you I need you in my life.”

Hindi ko mapigilang hindi matawa ng i-galaw niya pa ang balikat niya na para bang feel na feel niya ang kanta. “It’s so cold without your touch. I’ve been dreaming way too much can we just turn this into reality?”

He held my hand and stood. Napatakip ako sa bibig ko, hindi dahil tawang-tawa ako kung hindi dahil gusto kong itago ang kilig na nararamdaman ko. I get it. Naiintindihan ko ang lyrics ng kantang kinakanta niya at sana iyon talaga ang gusto niyang ipabatid.

“Cause I’ve been thinking bout you lately, maybe you can save me from this crazy world we live in.” Bagay na bagay ang genre ng kanta niya, kaboses niya pa nga ang kumanta talaga nito. Iba ang tono niya ngayon kaysa noong ikinanta niya ang A Whole New World. Pang-beach talaga na para  bang na-iimagine ko pa siyang naka-polo at trunks at nakasuot ng mga bulaklak sa Hawaii. Natawa ako sa iniisip ko.

“Storms they will come, but I know that the sun will shine again. He’s my friend and he says that we belong together.” Napatingin ako sa araw at natawa na lamang. Pati araw kinukuntyaba niya na. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng iharap niya ako sa kaniya habang hawak ang baba ko. “I’ll sing a song to break the ice just a smile from you would suffice, it’s not me being nice girl this is real tonight.”

Napansin kong may mga tao ng napapalingon sa amin pero hindi ko sila pinansin. Tanging ang nakikita ko lamang ay siya at ang ako habang kumakanta kasabay ng pagtibok ng puso ko. He sang the chorus again. “I know you want me too.”

Napapalo ako sa balikat niya sabay tawa. “Ang kapal mo!”

Humalakhak siya at ini-alis ang gitarang nakasukbit sa leeg niya. Napakamot siya sa kaniyang batok kasabay ng pagbasa niya sa kaniyang labi. “I… ah… I like you. I like you Saraia Marienna Esconte. Or maybe I love you.”

Sa mga sinabi niya ay talaga namang halos mapatili ako… dios mio, act decent, Saraia. Ilang beses akong huminga ng malalim habang pinapaypayan ang sarili ko para pakalmahin ang nagwawala kong puso.

Hindi ko mapigilan! Damn! Wala pang umamin sa akin na ganito kalakas ang eoekto sa akin… siguro dahil gusto ko rin siya. “Can I court you?”

Pwede bang tumili kahit isang beses lang? Kahit isa lang, hindi ko na yata kakayanin ito!

“Ano ba? Ayaw mo ba bakit—”

“Oo!” Napatakip ako sa bibig ko. Hindi nga ako tumili halata namang kinilig ako sa lakas ng boses ko. “I mean… uhm…yes—”

Agad niya akong yinakap. Mahigpit na mahigpit. Napayakap rin ako sa kaniya. For a moment, I forget about all my problems.

Tanging nasa isip ko lang ay ang saya. This is obviously priceless, wala na sigurong mas sasaya pa kapag nalaman mong mahal ka rin ng taong mahal mo. I know it’s just three months, but love is not about the time you fall, it’s about the intensity. Kung gaano mo ba siya kamahal at hindi kung gaano mo siya kabilis minahal.

Humigpit pa lalo ang yakap niya. Binulungan niya ako na mas lalong nagpakawala sa puso ko, “thank you. I love you, Saraia.”

Treacherous RomanceWhere stories live. Discover now