Kabanata 9

361 4 1
                                    

"KUNG ALAM KO lang na gagawin niya ito, hindi na sana ako nagpahulog pa sa kaniya!" nangangalaiti kong sigaw kay Elle habang nakakalong sa kaniya. Kakarating lang niya galing Maynila at agad siyang nagulat sa nangyari sa akin. Now, here I am, crying out in her arms because of that damn Ykoel Khoevaryo.

"Shh..." tahan niya habang hinahagod ang likod ko. "Great thing I came here. But would you mind telling me first what happened, cous?"

Kumalas ako sa yakap at inayos ng pansamantala ang aking sarili bago nagkuwento sa kaniya. I tell her everything, from the core beginning till the end. "Kaya naman pala grabe ang epekto ng lalaking iyon sa 'yo."

Tumango ako at napabuntong ng maayos ang sarili ko mula sa pagkakaiyak. "I hate him so much, Elle. Hindi niya alam kung gaano kasakit ang ginawa niya sa akin."

Sympathy crossed her eyes. "That man is one of a kind for hurting you."

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw ko nang marinig pa sa mga sasabihin niya, his lies are enough," madiin kong sambit. Masyado nang marami at masakit ang mga kasinungalingan na sinabi niya sa akin. I had enough.

Akala ko'y papanigan niya ako pero nagulat ako sa sinabi niya, "but what if this time he will be honest?"

I laughed sarcastically and full of bitterness. Honest? Honest his self. Kung magiging honest siya dapat noon pa, dapat matagal na siyang nakonsensya sa dinami ng kasinungalingang sinabi niya sa akin. "Honest? Never. Dapat matagal niya ng ginawa kung gan'on."

"But still, hindi natin alam-"

"Believe me, Elle, I will fall in my knees again if I let him explain."

She shook her head as if she was really determined to show her point, but I don't think I can still change my mind. Masakit na ang mga kasinungalingang sinabi niya, ayaw ko ng dagdagan niya pa iyon. "You don't understand, Raia, if you just leave here without waiting for her explanation, don't you think you will not regret if you discovered something?"

Seriously, Elle? Ito ba ang resulta ng masyado niyang pagbabasa ng mga kuwento? I let out a sarcastic laugh again. "As much as I want that to happen, I'm sure that is the least thing that could ever happen."

"Ayaw ko lang na matulad ka sa nangyari sa..." napahinto siya ng madulas. "Just, you'll regret if you-"

"Who told you I'm leaving?" She looked at me with confusion. "Well, not yet." Napabasa siya sa labi ko. "At ikaw anong mangyaring katulad ng iyo?"

Umiling siya. I know something was up. I can feel it. Para bang hindi lamang ako ang nasaktan sa amin. Alam kong may itinatago siya pero ayaw ko munang kuwestyunin siya doon. These was not the right time yet.

"Cheer up, cous, everything will be fine..." matamis niya akong nginitian. "If you'll do the right thing."

Napairap muli ako ng makuha ang pinupunto niya. There's no way I will change my mind. My mind was firm in it's decision not to hear him.

But curse my heart. May kung anong nagsasabi sa aking pakinggan nga siya.

Pero hindi pwede! Magsisinungaling lang ulit siya at sasaktan ako!

I was taken from my reverie when I hear knocks from the door.

Tumayo ako at binuksan ang pinto. And that moment, I wish I didn't stand. Sana pala hinayaan ko na siyang mangisay sa labas. Akmang isasarado ko na ito ng humarang siya.

Agad na kumulo ang aking dugo, kasabay ng pagbilis ng puso ko na hindi ko maintindihan kung sa galit ba o sa ano man. But I'm very sure this is not a good thing...

Itinulak ko siya pero masyado siyang malakas. "Damn, let me go!"

Hinagkan niya lamang ako at nang maramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa noo ay madiin ko siyang sinuntok at pilit na kumakawala sa pagkahawak niya.

Heck, heart. 'Wag kang magpapadala sa kaniya. Damn, why are you beating so freaking fast?

"Bitawan mo ako, Koel! Pagod na ako sa kasinungalingan mo!" nangangalaiti kong sigaw habang sinusubukan pa ring kumawala sa kaniya. Curse his strong chest.

"Pakinggan mo muna ako... please." Lumuhod siya sa harap ko habang nakayuko at hawak ang paa ko. His mischievous messy hair was what I can only see. Mabuti na lamang kung ganoon, ayaw kong makita ang mukha niya.

Sa mga oras na iyon, alam kong nabihag niya nanaman ako.

Ilang ulit akong napapikit ng maramdaman ang pag-angat ng tingin niya sa akin. Agad kong ini-angat ang tingin ko para iwasan iyon. Looking at his teary eye will never be healthy.

Damn. Compose your self, Saraia Marienna, don't be affected. He hurt and lied to you for pete's sake!

"I'm sorry... please. Patawarin mo ako." His sincere voice sent shivers to my spine. Oh damn. Don't. Look. "Hindi ko gustong saktan ka, believe me, I love you..."

I love you? Sinong matinong tao ang lolokohin ang taong mahal niya? "I love you?" mapait akong tumawa. "Sinong matinong tao ang lolokohin ang taong mahal niya, Ykoel? O Ykoel nga ba? Ano bang gusto mo at ginawa mo 'to?" sinusubukan kong ayusin ang malapit ng mangaralgal kong boses. Ayaw kong ipakita sa kaniyang mahina ako. Na malaki ang epekto ng ginawa niya sa akin.

"G-ginawa ko iyon dahil mahal kita," malamyos ang boses niya, mahina na halos hindi ko na marinig. Taktika niya lang iyan, Saraia, 'wag kang magpadala. "Hindi... maniwala ka hindi kita gustong saktan?"

Hindi raw e ano pala itong ka-shit-ang ginagawa mo ngayon sa akin? Sa tingin mo ba natutuwa ako? Nakikipaglaro?

Matalim ko siyang tinignan sa mata, sinisiguradong walang ano mang ekspresyon ang makikita niya roon. "Ano ba talagang kailangan mo sa akin at ginagawa mo ito, Koel? Are you gold digger? A spy of my mom's competitor? Well congrats, alam mo na ang sikreto niya! That she is a damn corrupt mayor! Ngayon, gusto mo pa bang makuha ang nakaw na yaman niya?"

Bakas ang pagkagulat sa mukha niya, awang ang kaniyang bibig na tinitigan niya ako mula sa kaniyang pagkakaluhod. I admit that it sent some electricity to me. Hindi ko pa inahas na makipagtitigan sa kaniya noon dahil hindi ko kaya ang lalim ng mga titig niya, kagaya ng ginagawa niya ngayon. Pero pinigilan kong ilayo ang tingin ko. Kapag umiwas ako ay parang inamin ko na rin gusto ko pa rin siya.

Hindi ko inaasahang siya ang unang iiwas. "Do you think I am that kind of person?"

"Besides the lies that you feed to me, sino ka nga ba talaga? Ni hindi nga kita kilala e." Sorry, but this time, I want you to feel that I am the coldest person you could ever met. Ayaw kong makita mo akong mahina at nasasaktan. I don't want to give your ego an award. Lumandas ang sakit sa mata niya. And I swear, I don't like to see those emotion in his eyes again. "Umalis ka na bago ano pa ang masabi ko sa 'yo."

Marahas kong isinara ang pinto nang bahagya siyang dumistansya. Nanghihinang yinakap si Elle na kanina pa pala nakaabang sa akin.

What the heck did I do? Hindi ko na alam...

Treacherous RomanceWhere stories live. Discover now