Kabanata 3

568 8 1
                                    


NANG MATAPOS NA akong maligo ay sinuot ko na ang kulay melokoton na blouse. It is V-neck but covered with an strap forming letter X. Pinarisan ko iyon ng isang itim na palda at puting Adidas.

I blowered my black wavy hair and straighten its curly bangs. Sa huli ay nilagyan ko lang ng eyelashes ang aking pilik mata. Forget about my chinky eyes, maganda naman kahit may make-up o wala. I'm not really a fan of make-up, afterall.

Nang matapos ay kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas. Iwinagayway ko ang kulay puting watawat para tumawag ng masasakyang bangka.

Nakakainis naman kasi si Koel, sabi niya sasamahan niya ako sa may plaza ng Castillo Rosa pero mag-iisang oras na yata akong naghihintay at wala pa rin siya. Hindi ko nga alam kung bakit nitong mga nakaraang araw ay lagi siyang nawawala.

"Sa may pampang lang ako, manong," usal ko sa nagbabangka bago niya ito pinaandar.

Panglimang beses ko na yata itong pagpunta sa may plaza kaya alam ko na rin naman ang daan papunta roon kahit ako lang mag-isa. Masyado na akong nayayamot sa Buhanteryo dahil hanggang ngayon, sa loob ng tatlong buwan ay hindi pa rin ako tinuturuan ng lalaking iyon na lumangoy!

Mas magandang magliwalil na muna ako kaysa mamuti ang mata kong nakahiga lang doon. Isama mo pa ang ilang araw ng hindi pagdalaw sa akin ni Koel. Nakakainis nga at hindi ko alam kung saang resthouse siya nag-iistay.

"Andyan na po tayo." Napabalikwas ako sa sinabi ng bangkero.

Nagpasalamat ako at agad na bumaba ng bangka. Mabuti na lang at libre lang ang pagsakay ng bangka. Tirik na tirik ang araw kaya agad kong sinuot ang sunglasses ko habang hinihintay ang tinawag kong tricycle.

"Sa may plaza, manong," sabi ko sabay bigay ng bayad. Mga bahay na gawa sa nipa ang madalas na nadadaanan namin. Kakaunti lamang ang mga nakikita kong bahay na gawa sa bato. Ang sabi nila ay talagang pinreserba daw ng mga taga-Buhanteryo ang mga bahay na gawa sa nipa para gawing atraksyon sa mga turista.

Nang makalagpas kami ay puro puno na lamang ang nakikita ko. Hindi iyong tipong nakakatakot. The shades of the trees gave amazing scenery to the road, ilang pulgada lamang ang layo ng mga nakatayong puno sa ilog na nakapaligid rito.

Castillo Rosa is indeed a amazing place, kumpara sa Maynila na puro sasakyan o kaya naman ay mga naglalakihang establisyemento lamang ang makikita mo. Not to mention the not so polluted place.

Ito na rin siguro ang dahilan kaya natagalan ko ang lugar na ito... dahil malayo sa crowded na lugar, malayo kay mama. Malayo sa mga kasinungalingan nilang papuri...

Sa may simbahan kami huminto. Bumaba ako sa tricycle at dumiretso sa simbahan. Marami pa rin ang tao kahit na hindi Linggo, sa labas ng simbahan ay may mga nagtitinda ng mga lobo at kung ano-ano pang laruang pangbata. Sa tingin ko ay mga turistang galing Buhanteryo ang ibang nandito.

Nang makahanap ako ng puwesto ay agad akong lumuhod at nanalangin. Nanalangin para sa akin... at para kay mama. Hindi ko alam kung ilang beses ko na bang ipinagdasal si mama. Hindi ko na mabilang. Lagi na lang, pero bakit parang walang nangyayari?

Siguro bukod sa pagmamahal na wala sa akin, ang huling hiling ko na lang para matawag kong perpekto ang buhay ko ay ang magbago si mama.

Iba kasi ang ibig sabihin ng mayaman para kay mama, it means greed to her. Pera lang ang tanging kayamanan na alam niya. As for me, I don't care about money, as long as I have a perfect family. Masaya na ako.

Iyon nga lang, hindi ko naman kung kailan mangyayari iyon, o kung mangyayari pa nga ba at mananatili na lamang itong pangarap.

Tumayo na ako at lumuhod muna bago tuluyang lumabas ng simbahan. Pagkalabas ko ay isang pamilyar na mukha ang bumungad sa akin. "Reila?"

Agad siyang napatingin sa akin at napatakip ng bibig ng makita ako. "Oh my gosh, Raia, ikaw ba 'yan?" Tumango ako at agad niya akong sinungaban ng yakap. "Oh my gosh, Raia, na-miss kita ng sobra! Ilang months na ba noong huli tayong nagkita? Eight, seven?"

"I think, eight," tugon ko sa kaniya. "Whatever, I still miss you. Bakit ba kasi lumipat ka pa dito!"

She smiled genuinely to me. "Wala e, dito tayo dinala ng puso," sagot niya sabay tawa. Loka-loka pa rin ang isang ito kahit kailan. "How about you? Bakit pala bigla-bigla ka na lang sumulpot dito?"

I walked and sat at the nearest bench before answering her. "Vacation. Nag-regalo si ninang ng isang rest house sa may Buhanteryo sa akin."

Namilog ang mata niya sa sinabi ko. Natawa na lamang ako sa mukha niya. She's still the same OA Reila. Isa si Reila sa mga naging close friend ko noong college, lumipat lamang siya rito kaya nahiwalay kami. "Shet, bigatin talaga ang ninang mo! Sana ako na lang ang naging inaanak niya!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Sige palit tayo ng nanay gusto mo rin?"

Napatigil siya at na-iba ang kaniyang ekspresyon. "Still the same?"

I nodded. "Nothing change. Still the same. Wala pa rin siyang pagbabago," tugon ko sabay buntong.

"Malay mo naman, dumating ang panahon na magbago siya, 'di ba?" naging malambot ang boses niya. Lagi na lang siyang nagkakaganito kapag seryosong usapan na.

"Kailan naman? Kapag nakaratay na siya?" I managed to laugh in my own joke. That's obviously non-sense. Nagbago pa siya kung kailang huli na.

"Pero at least nagbago siya 'di ba? Malay mo naman. Hindi pa huli ang lahat," paghihikayat niya sabay ngiti.

Iyon ngang ngayon hindi siya nagbabago, sa susunod pa kaya? I doubt. Ayaw kong mawalan ng pag-asa pero habang tumatagal na lumalala ang nangyayari ay parang nagiging malabo ang tyansa na magbago siya.

"Ewan ko ba, Rei." Napayuko na lamang ako. "Akala niya siguro natutuwa ako dahil ako ang nag-be-benefit sa ginagawa niya, hindi niya lang alam ako ang nahihiya sa lahat ng kasalanan niya."

"Come on, Raia, bakit hindi mo siya kausapin? Malay mo magbago ang isip niya."

I just laughed about her idea in my mind. Hinding hindi makukuha sa masinsinang usapan si mama kahit anak niya pa ako. Alam ko iyon. "Si papa nga iniwan na siya dahil hindi niya na matiis ang ginagawa ni mama. Hindi niya rin mapigilan. Kaya mas lalong wala akong magagawa."

Napangiti na lamang siya, halatang ayaw pa ring maniwala sa akin. "Sabi mo e. Basta tandaan mo, Raia, hangga't maari tulungan mo ang mama mo. Time will come na magbabago rin siya." Ngumiti na lamang ako sa sinabi niya. "O sige na, nandiyan na si panget, naiinis na niyan iyon kakahintay sa akin. Bye!"

Kumaway ako sa kaniya hanggang sa makita siyang sumama sa isang lalaki. That must be her boyfriend. Buti na si Reila masaya na, kumpleto na. Sana ako rin.

Treacherous RomanceWhere stories live. Discover now