Kabanata 13

373 3 0
                                    

"NINANG BAKIT NANDITO si Koel?" nangangalaiti kong tanong habang nakapirmi ang kunot sa noo ko. Sa dinami-dami ng taong naisip kong kayakap ko kanina, hindi pumasok sa isip kong siya pala iyon. Ang galing talagang magpanggap ng walanghiya. Sandali silang nagtitigan ng kaniyang mga anak. Doon pa lang ay parang alam ko na. Damn. "'Wag niyong sabihing?"

"Ah..."

Napapikit ako sa inis. Ano bang balak nila? Pati ba naman sila ay magpapaloko sa taong iyon? Hindi pa ba sapat na rason na sinaktan niya ako, pagkatapos ngayon ay sinabi nila kung nasaan ako? Para saan? Para mas lalo lang akong masaktan?

"Ninang naman e!" Hindi maiwasang hindi mapataas ng boses ko sa galit. Mariin siyang napayuko. "Alam niyo naman ang ginawa niyo sa akin pero bakit sinabi niyo pa rin kung nasaan ako?"

Itinikom ko na ang bibig ko bago kung ano pa ang masabi ko at naunang pumasok sa van. Baka hindi ko pa sila matimpi. Hindi ko maintindihan kung ano ba ang mayroon sa lalaking iyon at ang taas taas ng tiwala sa kaniya samantalang nagsinungaling siya sa akin!

Akala ko ay matatakasan ko na siya, iyon pala ay hanggang dito ay susundan niya ako! Puro naman kamalasan ang araw na ito, wala man lang bang magandang pupwedeng mangyari? Masakit na iyong nangyari kay mama. Masakit na iyong sinisisi ko ang sarili ko, pagkatapos ngayon dadagdag pa si Koel. Wala na bang puwedeng magandang mangyari kahit ngayon lang?

Kahit makalimutan ko lang ang lahat ng kamalasang ito. Kahit sandaling kasiyahan man lang oh. I want to go far far away from all these shits in my life.

Napapikit na lang ako sa inis at pagkadismaya hanggang sa makatulog ako. I just hope that when I woke up, everything will change.

MAG-IISANG LINGGO NA simula ng makulong si mama. Mag-iisang linggo na rin akong hindi lumalabas ng bahay na ito at mag-iisang linggo na rin akong pinepeste ng lokong iyon. Minsan nga ay iniisip ko kung pupwede bang lumayas na muna ako kahit sandali. Hindi na nga masyadong pumapasok sa isip ko si mama, pero ito namang si Koel hindi ako tinitigilan.

Araw-araw na lang yata naiiyak ako kapag naalala ulit ang mga ginawa niya sa akin. Kung hindi sana siya nagsinungaling sa akin, siya sana itong kaagapay ko sa lahat ng nangyayari. Kaso hindi e, siya pa itong nanakit sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pinapayagan nilang makapasok ang lokong iyon sa bahay namin. Kahit si papa ay mukhang hindi rin galit sa kaniya, lahat na lang yata ng taong nakapaligid sa akin nalason niya na ang isip.

Kung sanang hindi iyon ginawa ni Koel, hindi kami tutungtong sa ganito. Tanggap ko naman siya kung sino man siya e. Tanggap ko kahit hindi kami pareho ng estado ng buhay, ang importante ay mahal namin ang isa't isa. Pero sa ginawa niya, pakiramdam ko ay nilait niya ang pagkatao ko na hindi ako tumitingin sa mga taong mababa sa akin. At iyon ang ikinagalit ko. Akala ko ay kilala niya na ako ng tuluyan, hindi pa pala.

Itinabi ko ang comforter na nakabalot sa akin at bumababa para kumain na. Sa hapag ay nandoon si papa, naka-upo siyang habang binabasa ang pahayagan. Thank goodness, he's not here. Nakahinga rin ako ng maluwag, akala ko ay pagmumukha niya nanaman ang sasalubong sa akin ngayon, buwisit kasi, ginawa niya na yatang bahay itong sa amin.

Umupo ako sa dining table sa gilid ni papa at nagsandok ng kanin dahil wala pang nakahapag na ulam.

"You're awake, sleepyhead."

I yawned. "I'm still sleepy, pa."

Great thing papa stayed here with me. Mababaliw ako kung ako lang mag-isa ang titira sa bahay na ito.

I heard him chuckled. Binitawan niya ang hawak niyang diyaryo ng inilapag ang ulam. Ang bango nang kare-kareng i-sinerve pakiramdam ko ay bigla tuloy akong nagutom sa mahabang tulog ko. Akmang pasasalamatan ko ang nag-serve sa amin ng pagkain ng mahinto ako matapos makita ang mukha niya.

What the heck.

Kaagad na nag-iba ang timpla ng itsura ko at blanko siyang tinitigan. Nawalan bigla ako ng gana. Ang akala ko pa naman ay lilipas ang araw na ito ng hindi makikita ang pagmumukha niya.

Kung wala lang si papa ay kanina pa ako tumayo paalis dahil biglang nawala ang sandali kong kasiyahan kanina.

"Ah... m-mauna na po ako, tito." Tito? Just, great. Hindi ba siya nahihiya sa sinasabi niya? Tatawagin niyang tito ang ama ng taong sinaktan niya? What the heck.

"Bakit hindi mo na lang kami saluhan dito?" Napapikit ako sa inis sa isinagot ni papa. Seryoso ba siya? Hindi ba niya na-se-sense na na-aalibadbaran ako sa presensya ng lalaking ito? "Right, Marienna?"

Hindi ako sumagot pero ramdam ko ang pagtingin nila sa akin. I could feel papa's deadly stares indicating me to say yes.

"Come on, ijo, hindi pa kayo nakakapag-usap ng maayos ng anak ko. So, why don't you join us?" Papa! Jusko, pati ba naman ikaw nagayuma na ng lalaking ito? "Tapos na rin naman akong kumain. Maiwan ko na muna kayo."

"Pa-" Bago pa man ako makapagprotesta ay nakaalis na siya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa harap ko. Hindi ako kumibo at tahimik na kumain. Bahala siya sa buhay niya. Pasalamat siya kahit medyo nawalan ako ng gana ay hindi ko pa rin maitim na hindi kumain.

"Saraia..." Hindi ko siya liningon at itinuloy lang ang pagkain. "Sorry kung nagsinungaling ako sa iyo. Hindi ko naman intensyon na saktan ka. Natatakot lang talaga ako na baka kapag nalaman mong... mahirap ako ay lumayo ka sa akin."

Wala akong kibo at hinayaan lang siyang mag-salita. Ayaw kong dibdibin ang mga sinasabi niya pero pakiramdam ko ay tumatagos iyon sa puso at may kung ano mang nag-sasabi sa aking, sa pagkakataong ito, totoo ang mga sinasabi niya.

"Saraia, kung nagawa ko mang mag-sinungaling sa 'yo dahil iyon, mahal kita." Parang napintag ang puso ko ng sabihin niya iyon, naiinis ako dahil kahit sinaktan niya ako ay nararamdaman ko pa rin ang paghaharumentado ng puso ko sa sinasabi niya. "Ayaw kong layuan mo ako dahil sa estado ko, kaya sana mapatawad mo ako. Pero sa lahat ng kasinungalingang iyon, totoo mahal kita. Totoong gusto kitang ligawan, hindi dahil sa yaman o sa kung anong maryoon ka kung iyon ang akala mo. Mahal kita dahil mahal kita."

Pinipigilan ko ang pagtulo ng luha sa mata ko. Hindi ko alam kung dahil sa saya o kung dahil sa galit ko sa kaniya. Ayaw pakinggan ng isip ko ang sinasabi niya dahil baka nagsisinungaling nanaman siya, pero ang puso ko, alam kong bumibigay na.

"Aaminin kong nasaktan ako ng sabihan mong pera mo lang ang habol ko sa 'yo, pero alam kong kasalanan ko rin naman. Pero sana, paniwalaan mo ako, mahal kita at totoo iyon. Hindi kita susukuan hanggang sa mapatawad mo ako."

Mabilis ang pagkalabog ng puso ko sa mga sinasabi niya. I felt guilty accusing him. Hindi inaasahang sasabihin niya ang mga ito sa akin, pero hindi ibig sabihin noon ay papatawarin ko na siya. Hindi pa rin ako sigurado sa mga piangsasabi niya.

Kailangan ko pa ng pagkakataong mag-isip. At kung ganito ang senaryo, hindi ako makakapag-isip ng maayos, siguradong bibigay ako sa kaniya. Tumayo na lamang ako at iniwan siya.

Treacherous RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon