Kabanata 12

351 5 0
                                    

“…PROVE THAT VIVIAN Esconte is guilty…” Pakiramdamn ko ay nawala lahat ng hangin sa katawan ko. All the tears started falling in my eyes as the situation process in my mind, mom is freaking guilty.

Damn! Makukulong na siya ng tuluyan. As I caught the woman looking at me while standing in her orange shirt with two policemen, I thought my heart just totally broke down in thousand pieces. Nanginig ang labi at tuhod ko nang makita pa siyang ngumiti sa akin, animo’y sinasabing ayos lang ang lahat.

Hindi ko na kaya ito. I embraced Elle as she tried to comfort me. Pakiramdam ko ay hindi na ako kaya pang suportahan ng sarili kong katawan sa panlalambot ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. “Mama.”

Elle hushed me while holding me tightly. “Tahan na.”

Damn. Ayaw kong mawala siya. Ayaw ko. Hindi ko kaya. Parang unti-unting gumuho lahat ng pag-asa ko na magiging kumpleto pa kami. All of my dreams of us being together and a happy family, they all crashed and faded. Hindi ko alam na sa mga salitang iyon lang ay unti-unting gumuho ang mundo ko.

Heck, I was more hurt than what that douche bag did to me. Liningon ko sila at nakita si mamang nakaposas, nakatingin sa akin habang dinadala siya ng mga pulis.

Mabilis ang kalabog ng puso ko habang itinatahak ang daan palapit sa kaniya. Kahit pa nakaposas siya ay yinakap ko siya. Fudge. No. “Mama don’t go,” pagmamakaawa ko na animo’y mangyayari iyon. As if I can perform a magic and turn back the time. At iyon ang pinakamsakit na bagay, hindi ko kayang gawin iyon. Wala na kong magagawa pa kung hindi tanggapin na makukulong siya, pero hindi ko kaya. “Stay, ma…”

Naramdaman ko ang mga luhang pumatak sa balikat ko at ang paggalaw ng ulo niya na animo’y ito na ang huling pagkakataong magkikita kami. “Mama is always here.””

“No, ma, stay please,” napahagulgol ako habang pilit na tinatanggal ang mga kamay nilang nakakapit sa akin. I can’t give her to them! No. Goodness, please. Gusto ko pang ayusin ang lahat. “Ma, ma, please just stay. Please. ‘Wag kang sumama sa kanila.”

Naramdaman ko ang hawak nila sa likod ko at pilit akong hinihiwalay kay mama. Kumalas si mama at sinikop ang pisngi ko at matamis na ngumiti. “Go now, baby. Ayaw kong makita ka nilang ganito, I don’t want them to think you’re like me. Mama will be fine. Everything will be.”

Siguro kung wala pa ako sa ganitong sitwasyon ay hindi ko nga ito gagawin dahil aakalain nilang katulad ko si mama na magnanakaw rin. But now, I don’t give a shit about their thoughts. I don’t give a damn about everything. Ang gusto ko lang ngayon ay makasama si mama pa-uwi… pero paano ko magagawa iyon kung alam kong mali?

This. Is. Wrong. So wrong.

Ngumiti muli siya. “Go now, darling. Remember that mama loves you no matter what.”

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit na animo’y iyon na an huling pagkakataong magagawa ko iyon. I wish this won’t last. Pupwede bang ganito na lamang kami? Pupwede bang ihinto ang lahat at itakas ko siya?

I should have known this, dapat ay noon pa ay ginawa ko na ang dapat kong gawin bilang anak niya. Dapat noon pa lang ay pinagsabihan ko na siya at baka sakaling nahimasmasan siya. Kasalanan ko rin siguro ito, kung ginawa ko na ang responsibilidad ko noon pa, hindi sana hahantong sa ganito.

Napakagat na lamang ako sa labi matapos siyang kumalas sa yakap at sinama ng mga pulis. I hug whoever was that person on my back. Nanlalambot ako at hindi ko kayang tumayo mag-isa.

Hindi ko na magawa pang tignan ang mukha niya at nag-iiyak na lamang sa kaniyang bisig habang hinihagod ang likod ko. I just felt comfortable in his arms.

I composed myself and wiped my tears. Kumalas ako sa yakap. “S-salamat—” Nang iangat ko ang tingin ko ay halos magulantang ako sa nakita ko. Ilang beses akong napalunok ako hindi makapaniwala sa nakita. Agad akong lumayo at dumistansya sa kaniya nang maramdaman ang pamilyar na sakit sa puso ko. “Papaano ka napunta rito?”

Yumuko siya na para bang hindi kayang sagutin ang mga titig ko. Iniwan ko na nga siya Buhanteryo pagkatapos ay pupuntahan  niya ako rito? Akala niya ba nakikipaglokohan ako sa kaniya? “Gusto kong makipag-ayos sa iyo.”

Liningon ko ang paligid, marami pa ang tao at ayaw kong gumawa ng eksena kaya naman kinaladkad ko siya sa parking lot. Kasambwat niya kaya sina ninang o kaya ay sina Elle kaya niya natukoy kung nasaan ako? Ang akala ko ay hindi niya na ako mahahanap pa rito!

At mas lalong hindi pumasok sa isip ko na hanggang dito ay ipagpapatuloy niya pa rina ang pakikipaglaro sa akin.

“Sinong Ponsyo Pilato ang nagsabi sa ‘yo na nandito ako?” galit kong usal habang matalim siyang tinitigan sa mata na nilabanan niya naman. Minsan na kitang natalo sa titigang walang’ya ka kaya ‘wag ka ng mang-ahas pa at asahan na mapapaluhod mo ako sa mga titig mo.

“Wala na sa ‘yo kung sinong Ponsyo Pilato pa siya,” mariin niyang sambit nang iiwas ang tingin sa akin. “Please naman, Saraia, patawarin mo na ako. Pakinggan mo naman ako.”

Pakinggan? Mapait akong tumawa sa sinabi niya. “Pakinggan? Para ano? Para magsinungaling ka na naman? Hindi ka pa ba kuntento sa lahat ng kasinungalingang sinabi mo sa akin? Ano kulang pa?”

Napasabunot siya sa buhok. Ganiyan nga, Khoevaryo, saktan mo ang sarili mo para naman kahit papaano ay maramdaman mo ang sakit na naramdaman ko. “Hindi mo kasi ako  naiintindihan! Pakinggan mo naman kasi ako!”

“Oo!” nangangalaiti kong sigaw sa kaiya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa galit sa nagliliyab kong galit sa kaniya. “Hindi kita naiintindihan dahil wala akong balak pang intindihan ang mga kasinungalingan mo! Kaya kung pwede lang, ‘wag mo ng dagdagan ang kamalasan ko sa araw na ito at baka hindi kita matantya!” Dinuro-duro ko pa siya. Agad kong tinanggal ang  mga luhang nahulog sa mata ko. “Layuan mo ko Ykoel dahil hindi kita kailangan at wala akong pakialam sa lahat ng kawalangyahang ginawa mo.”

Treacherous RomanceWhere stories live. Discover now