Kabanata 14

392 7 0
                                    

MAGANG-MAGA NA ANG mata ko dahil sa walang tigil na pag-agos ng luha ko simula kagabi. Nakatulog ako, akala ko pagkagising ko ay makakalimutan ko na ang lahat pero heto nanaman pala. Unang-unang bagay na naalala ko pagmulat ng mata ko. Pinagsamasama ang sakit na nararamdaman ko, kay mama at kay Koel. Parang dati, hanggang kailan ba ako magkakaganito?

But this time, nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko kay Koel. Ganoon na rin ang pagkalito, hindi ko na alam kung ano ba ang tamang gawin.

Ang pakinggan siya at bigyan ng isa pang pagkakataon o ang hayaan siya dahil baka sakaling kasinungalingan lang muli iyon?

Pagod na akong umiyak pero ang puso ko hindi pa… wala yatang kapaguran. Ang laki nang epekto ng ginawa ni Koel sa akin

Nakadalawang boyfriend na ako pero sa kaniya yata ako nasaktan ng todo kahit hindi naging kami, at hindi ko alam kung ano bang mayroon sa kaniya at nagkakaganito ako. Come on, hindi mo naman siya sinagot, Saraia, ha?

Siguro dahil si Koel lang iyong taong pinagkatiwalaan ko ng husto kahit sa maikling panahon lang. Damn, siya lang ang pinagsabihan ko tungkol sa ginagawa ni mama. Siya lang iyong nagpapasaya sa akin ng todo kapag magkasama kami. Tipong nakakalimutan ko lahat ng problema ko kapag kasama ko siya.

Pero pagkatapos ng lahat ng nalaman ko… na kasinungalingan lang pala lahat. Sana pala ay hindi ko na lang siya nakilala. Sana hindi ko na lang siya pinagkatiwalaan at sana pala ay hindi ko na lang siya…

Shit. Damn.

Napabalikwas ako ng marinig ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko. Pumasok si ninang at nakangiting umupo sa higaan ko. “Ayos ka na ba, ija?” malumanay niyang tanong. Hindi ko mapigilang hindi mahiya nang maalala ang mga nasabi ko sa kaniya noon.

Tipid akong ngumiti. “Siguro po.” Siguro hindi…

Inabot ng kaniyang kamay ang akin at marahan itong hinaplos. “I’m sorry sa nagawa ko. Alam kong hindi ako dapat maghimasok…pero kasi…””

“I’m sorry, ninang. Pati na rin po sa mga nasabi ko sa inyo noon, I was just… I was just mad that time.” bulong ko at napayuko. “Pero hindi ko po alam kung bakit niyo ginagawa ito, nasaktan niya po ako e.”

She lifted my chin and smiled at me. “It’s because, I want you to give him another chance. He’s a good man, Marienna, believe me.”

Kahit pa hindi ko nagustuhan ang payo niya ay hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong hindi siya yakapin. I find the comfort in her embrace. Doon ko iniyak lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Koel freaking betrayed. The least person I thought of hurting me did. Ni minsan hindi ko naisip na may ganito pa lang pasabog si Koel sa akin. Heck, I should have known it. He’s dangerous. I don’t know… masyado siguro akong nadala sa kagustuhan kong maramdaman na mahalin ng isang tao. I forget about ninang, mama, about all the people who love me ever since.

Nakalimutan ko sila. Lahat iyon ay dahil lamang sa kagustuhan kong mahalin ng buong-buo. I thought I can have Koel, but I think I can’t. Paano ko siya mamahalin ng buong buo kung dito pa lang ay iniisip niya ng hindi ko kayang magmahal ng katulad niya.

Kumalas si ninang sa pagkakayakap sa akin. “But, Marienna, would you mind explaining everything to me? Nang sa ganoon ay maintindihan ko ang side mo?”

Napakunot ako sa sinabi niya. My side? “Bakit po, nagkuwento rin po ba siya sa inyo?”

She nodded. I sighed. There’s no way I can contain all of this shits in my heart alone, and I also want her to know who’s the real antagonist here. Ikinwento ko ang lahat, kung paano kami nagkakilala at inakalang isa siyang turista.

Pagkatapos kong magkuwento ay tinignan ko ng diretso si ninang. Pero isang ngiti lamang ang isinagot niya sa akin. “Looks like my princess already found her prince.”

Hindi ko mapigilang hindi mapa-irap sa kaniyang sinabi. Come on, is she joking? Hindi niya ba naintindihan ang kinwento ko? “Seriously, ninang? Hindi ka man lang ba magagalit sa ginawa niya sa akin? I thought you’ll change your mind.”

She shook her head. “Hindi sa ganoon, Marienna.” Muli niyang  hinaplos ang kamay ko. “Siyempre nagagalit rin ako sa kaniya. Mali ang ginawa niya. Maling mali.”

Tumango ako. Yet, I can sense something in her voice. Kilala ko si ninang, kapag mga masamang bagay na ang nangyayari lagi siyang nag-iisip ng mga positive na bagay. Her optimism is always high. At sa ngayon, hindi ko alam kung matatawa ba ako sa optimism na iyon o hindi. Ito ang dahilan kung bakit nainis ako sa kaniya, kung bakit iba ang iniisip niya sa nangyari sa amin.

“Sino ba namang matutuwa sa ginawa niya hindi ba? And I can’t blame you for hating him. I know that feeling, I’ve been there.” Muli niya akong nginitian. “You know, quarrels with your ninong,” sabi niya sabay tawa.

I expect ninang to be fuming mad at Koel. Not like this. Kanino ba talaga siya kampi? “Kanino ka ba kampi ninang?”

Ninang sighed and gently brushed my hair. “Soon you will understand. Wala akong kinakampihan sa inyo, I had to admit, I was disappointed at him. Really disappointed. Hindi ko naisip na magagawa niya iyon,” the sincerity in her voice was evident. Tumango ako. “But I talk to him already. Kanina lang ay nakausap ko siya nang magkita kami. I never thought Koel can do such thing.”

By her words, I can sense that she really trust that man. “Gaano katagal niyo na ho ba siyang trabahador?”

“Bata pa lamang ay tumutulong na siya sa lola niya dahil dito iyon nagtatrabaho. I promise you, Koel is a trustworthy man. Mabait at mapagmahal lalo na sa lola niya.” Para bang pansamantalang nawala sa isip ko ang galit ko sa kaniya at natunaw sa mga sinabi ni ninang. Then she suddenly laughed that made me raised my eyebrows. “Sorry, I just remembered something.”

“Po?” kunot-noong tanong ko sa kaniya. Pinagtatawanan ba ako ni ninang?

“Now I know why he was head over heels at you.” Mas lalong bumaon ang kilay ko sa sinabi niya. “You know the second time you came at Buhanteryo? I think you’re thirteen that time while he was fifteen. Alam mo bang pagkaalis niyo ay mamula-mula ang pisngi niyang itinanong ka sa akin?”

“Hah?” I think I was left speechless by that. Una akong pumunta sa Buhanteryo ay noong nine years old ako dahil lagi kaming sa Hacienda. Pagkatapos, noong tumuntong ako ng thirteen ay saka pa lang napadalas ang pagbisita namin roon.

Muli siyang mahinang tumawa na para bang inaalala ang pangyayaring iyon. “I think the boy had fallen to you at first sight.” I can’t help not to winced at the thought, never in my wildest dream I believe in love at first. “Sa tingin ko’y matagal ka ng gusto ng binatang iyon, Marienna, kaya niya iyon nagawa. But still, I don’t give him  the credit for what he did.”

I sighed in relief. Ang akala ko ay kampi na siya sa kaniya. “Ano ho ba ang pinag-usapan niyo, ninang?”

Grin formed in her lips. “Better talk to her before it’s too late.” Tumayo na siya. “Do something before it’s too late.”

Nang makalabas siya ay napabuntong ako. I seriously don’t know what to do. Para bang mas lalo lamang gumulo ang utak ko sa mga sinabi ni ninang. I know, she’s impossible. Alam kong mataas ang tiwala niya sa kaniya, pero hindi ko naman inaasahan na ganoon ang sasabihin niya sa akin. Ang akala ko ay magagalit rin siya sa kaniya, akala ko kapag narinig na niya ang side ko ay ako na ang kakampihan niya.

Marunong yatang manggayuma ang isang iyon!

Pero parang mas sinasabi niya bang bigyan ko nang pagkakataon si Koel, yes, there’s something inside me that wants to try. Pero nananaig ang takot ko na baka kasinungalingan na naman ang sabihin niya. His lies were too much to break my trust. At na iinis ako kung bakit may parte pa rin na gustong pakinggan iyon.

This is seriously craziness.

Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong gawin, kung pakikinggan ko ba siya para magpabulag nanaman sa pagmamahal ko sa kaniya o punuin ang puso ko ng galit sa kaniya?

How much would I risk if I leave him without his explanations?

Napasabunot ako sa sarili ko. Ayaw ko na! Peste Koel ano bang ginawa mo sa akin at nagkakaganito ako?

Treacherous RomanceWhere stories live. Discover now