Kabanata 5

489 7 0
                                    

“SIGURADO KA BANG aalis ka na? Puwede namang dito ka pa matulog ng isang araw,” tanong sa akin ni ninang.

Tumawa ako at umiling muli, ayaw talaga nila akong paalisin.

“Oo nga, cous, matulog ka pa dito ng isang araw para makapagkuwento pa ako tungkol kay, alam mo na,” gatong niya pa sabay hagikgik.

“Sorry, ninang pero uuwi na talaga ako,” tugon ko sa kanila.

Lumukot ang kanilang mukha sa sinabi ko. As much as I want to stay, I can’t. “Osya, hindi ka na yata talaga mapipilit pa. Ingat ka na lang, ha?”

Tumango ako at ngumiti sa kanila. Akmang aakyat na sana ako ng van ng hawakan muli ni ninang ang kamay ko. “Wag kang mawawalan ng pag-asa, time will come.”

Ngumiti na lamang ako kahit ayaw paniwalaan ng sistema ko ang sinabi niya. Tuluyan na akong pumasok at kinawayan sila bago umalis ang sasakyan. Mapuno pa ang dadaanan bago makalabas ng hacienda nila ninang, at sa pinakalabas nito ay ang malaking gate na kumikinang pa.

“Mang Jose, malayo po ba ang biyahe?” tanong ko sa kawalan habang lulang tinitignan ang mabilis na paggalaw ng mga kabahayan mula sa aking bintana.

“Hindi naman. Siguro mga isa’t kalahating oras bago tayo makabalik ng Castillo Rosa,” tugon niya sa akin.

Tumango na lamang ako at tahimik na pinagmasdan ang unti-unting pagkulay dilaw ng ulap. Binuksan ko ang bintana at ang malakas na hangin ay dahilan para agad na pumagaspas ang aking buhok sa mukha ko. I smiled secretly. I remember the scene where I did this when I was with Koel.

Speaking of Koel, bakit kaya parang kinakabahan siya kapag si ninang ang pinag-uusapan? Dati’y halos mabulol siya ng bigkasin ang pangalan niya, kahapon naman ay parang takot na takot siya ng tanungin ko kung gusto niyang sumama.

Nasa gitna ako ng pag-iisip tungkol sa kaniya ng huminto ang sasakyan dahil sa traffic light, pero nahagilap ng mata ko ang katawan niya. Kahit nakatalikod ay alam kong siya iyon, pero namamalikmata lang ba ako? Nasa Casa Puerto pa kami at paanong napadpad siya rito?

“Saglit lang po, pwede po bang i-park niyo malapit doon sa may bahay na iyon? May pupuntahan lang ako?” Mang Jose did what I said. Nasa labas ng isang malaking gate si Koel na mukhang kalalabas pa lang, pero mula sa labas ay kita na ang karangyaang isinisigaw ng bahay. Dito kaya siya nakatira?

Bumaba ako at linapitan siya. Para bang wala sa mundoa ng isip niya at kunot na kunot ang noo niya.

“Koel!” panggugulat ko sa kaniya.

Agad na napaangat ang tingin niya at napaawang ang kaniyang bibig ng makita ako. “Saraia? Anong ginagawa mo rito?”

“Dito ka ba nakatira?” tanong ko sa kaniya at manghang tinignan ang bahay mula sa bakod nito. Puti at itim ang pintura ng bahay na halos gawin ng pader ang salamin dahil puro ganoon ang nakalagay. Dalawang palapag lamang ito at pero nagsusumigaw ang ka-elegantihan. “Ang ganda pala, ang yaman niyo siguro.”

“H-ha? Hi—oo.” Napanguso ako ng harangan niya ang mata ko ng katawan niya. Mas matangkad siya sa akin kaya wala akong makita ngayong nakatayo siya sa harap ko. “Pauwi ka na ba?”

Tumango ako. Hindi niya man lang ba ako iimbitahan sa bahay nila? “E, ikaw? Pauwi ka na?”

“Oo.”

“Sabay ka na lang sa amin?” tanong ko na tinanguan niya naman. Napangiti ako kasabay ng pagbilis ng kalabog ng puso ko. Sabay kaming sumakay ng van. “Ah, mang Jose, si Koel po pala kaibigan ko. Puwede po ba siyang sumabay? Sa Buhanteryo rin po siya mag-i-i-stay.”

Treacherous RomanceWhere stories live. Discover now