Mutual Understanding

300 4 1
                                    

"May crush ako tapos matagal ko na siyang kilala simula Grade 4 palang ako. Then saka ko lang na realize na gusto ko pala siya nung nag Grade 6 na ko. Tapos naging super close po kami agad na nandun na sa stage na lagi niya kong katext. Minsan nga po umabot pa ng 12 hours mahigit mo break. Tapos wala pong palya yung texting na yun. Hanggang sa narealize ko po na mahal ko na po siya. At eto po yung major case, nabalitaan ko na may girl daw po pala siyang 'Rumored Crush' so eto naman ako nag stalk talaga then isang araw pinranka ako ni crush I mean calmly na tigilan ko na daw yung girl e wala naman akong ginagawang masama kasi dinedefend ko lang yung sarili ko kasi sinisiraan niya ko sa section nila. Then nung mismong araw na nabasa ko yung msg nya na yun sa Twitter, di ako pumasok. As in umiyak lang ako. Tapos nalaman ko na alam niya pala na umiyak ako tapos nung kinagabihan nun kinomfort niya ko. Then naging okay na kami. Then lately, di ko na nababalitaan yung about sa kanila ng girl. Tapos after 1 month nung pag prangka niya sakin, as in naging mas caring siya tapos naalala ko pa nga po nung bago ko umalis kasi plano ko po na sa iba na magaral, nag beg pa siya na wag na daw umalis kasi pano na daw po siya. Tapos araw araw, gabi gabi niya ko kinakamusta. I felt so sheltered. Tanong ko lang po kung pang anong stage na ba kami. Yung feeling ko po kasi na sa di naman nag aassume na baka may gusto rin siya sakin. Ang dami na rin po kasi nagsasabi."

" sinisiraan ako nung girl sa buong section nila pero nung una feel ko parang wala namang feelings siya kay crush pero nitong bandang huli nung mas nagiging close na kami nung crush ko lumalabas ung ugali nung girl na may care siya dun sa crush ko pero dati naman lagi niyang pinagtatabuyan yung crush ko pag kinakausap siya. Bale po, ang labas ko sa kanila ay bestfriend ako nung crush ko. :)"

"Kasi ilang beses niya na po sinasabi sakin na may gusto siya sakin na M.U na nga daw po kami pero natatakot ko paniwalaan. Pano po ba kaya to? Kasi alam ko minsan mahilig siya majoke sa mga bagay-bagay."

BestGirlfriendEver's Friendly Advice

"RUMORED CRUSH" Sabi sabi lang naman kasi na may crush kaya hindi dapat agad masaktan at maniwala.

Tama naman ang ginawa mong pagiStalk kasi gusto mo lang malaman kung totoo o hindi ang sinasabi nila.

Pero hindi ako naniniwala na wala kang ginawa kaya ka biglang pinranka ng crush mo na itigil ang ginagawa mo.

Bakit? Kasi kung ikaw lang mismo sa sarili mo ang nakakaalam sa pagistalk don sa babae kung may crush nga. Hindi ka mapipigilan ng crush mo na itigil.

Siguro OBVIOUS na ang ginagawa mong pangistalk. May halong pamimilit na. Like pinupush mo na may crush yung lalaki don sa babae.

Kung sinisiraan ka nung babae sa section nila. Edi GO! Let her to do what she want, WAG MONG PAPATULAN, Kasi once na pinatulan mo parang NATAMAAN KA SA PANINIRA SAYO.

Kung sinisiraan ka ibig sabihin naiinggit siya sayo kasi malapit ka sa crush mo.

Kaya siya naging mas sweet caring etc sayo kasi gusto niyang PATUNAYAN na WALANG MERON SA KANILA NOONG BABAE.

Maaaring may crush yung babae sa crush mo pero hindi naman gusto.

so ang point ng crush mo is "WAG KANG MAGSAYANG NG ORAS SA MGA BAGAY NA WALA NAMAN KWENTA AT HINDI TOTOO" Kaya ka niya pinrangka for you not to waste time KAYA NGA PINAPAKITA NIYA SAYO ANG KASWEETAN NIYA KASI PARA SA KANYA KA MANIWALA AT HINDI SA SABI SABI.

Yea, I think nasa mutual understanding. Hindi ako sure kung M.U na nga ba kayo kasi ikaw lang ang makakaramdam non.

Kung paano niya iparamdam sayo ang sweetness niya, na ayaw ka niya na mapapalayo sa kanya.

Regarding naman sa sinasabi niya na may gusto siya sayo. Edi ask him! Parang "we? may gusto ka talaga sakin?"  yung kunwari nagloloko ka. Tapos pakiramdaman mo kung talagang sincere siya sayo.

E ano nga ba? TINGIN MO BA ANG PINAPARAMDAM MO SA KANYA AY KATULAD NG PINAPARAMDAM NIYA SAYO?

Wag mong problemahin yung babae.  Ang Mahalaga, okay kayo ng Crush mo.

Try to read the chapter "Crush ba ako ni crush"

Relatable Advice (Complete)Where stories live. Discover now