Telling the truth

394 2 1
                                    

"may kaibigan po ako,na kakabreak lang sa kaklase ko..sa panig po nang kaklase ko,(which is yung lalaki) di daw po nya talaga sineryoso yung relationship nila..sa babae po naman,naghahabol pa po sya..yung lalaki po Binlock sa fb yung babae,kasi naiirita po sya..tapos kanina po,nagtanong sakin yung babae kung sa tingin ko daw,mahal po sya ng lalaki..di po ako nakasagot..ano po ba dapat sabihin ko??"

BestGirlfriendEver's Friendly Advice

    Nasayo talaga kung paano mo sasabihin ng maayos sa kaibigan mo ang totoo. Yung tipong hindi siya sobrang masasaktan

Diba sabi mo naghahabol pa siya sa lalaki?

Sabihin mo sa kaibigan mo na wag na siyang maghabol sa kaklase mo.

Kung nagawa siyang iwan ng lalaki, sa tingin niya ba magiging seryoso pa ang lalaki sa kanya kung magkabalikan pa sila?.

Iparealize mo sa kanya na hindi dapat siya ang naghahabol. Tsaka sabihin mo sa kanya kung talagang mahal siya nung lalaki, gagawa at gagawa ng paraan ang lalaki para lang magkabalikan ulit sila.

Minsan kailangan din magisip. Hindi dapat puso nalang lagi. Kaya andaming naloloko e, kasi sobra sobra kayong nagpapadala sa pagmamahal niyo. Samantalang ang mga mahal niyo naman, hindi naman pala kapantay ng binibigay niyo sa kanila. Kung minsan kulang pa nga.

Kaya dapat sabihin mo talaga sa kanya na hindi talaga siya sineryoso nung lalaki.

Mas maganda na kasing masaktan sa una para sa susunod hindi na sobra sobrang masasaktan kasi natuto na.

At isa pa. Kaibigan mo siya kaya kailangan mo talagang sabihin ang totoo kesa naman makipagplastican ka sa kanya.

Sabihin mo sa kaibigan mo na JUST ACCEPT THE TRUTH AND THE TRUTH WILL SET HER FREE.

Sabihan mo din yung kaklase mo na sana hindi na siya maging ganon. Dapat maging seryoso siya kung magmamahal siya kasi hindi naman yon basta basta nalang na "ginawa ko lang yon, just for fun"

Hindi kasi siya aware na nakakasakit na siya ng iba.

Tumatanda na tayo kaya dapat MagMATURE na.

Relatable Advice (Complete)Where stories live. Discover now