boyfriend or gang

511 5 0
                                    

"May boyfriend ako, masaya kami at laging magkasama. Pero nung naging kabarkada ko yung grupo ng mga babae na mataas ang tingin ng lahat sa kanila. Nagkakatalo na kami ng boyfriend ko dahil ayaw niya na maging barkada ko sila. Anong gagawin ko? Ayoko naman mamili?"

BestGirlfriendEver's Advice

    Sa sitwasyon mo, mahirap talaga kasi parang gusto ng boyfriend mo na mamili ka kung siya o kung ang mga kabarkada mo.

Tanungin mo muna ang boyfriend mo kung ano ba ang problema niya sa mga kabarkada mong babae at kapag nakapagbigay siya ng dalawa o tatlong rason. Sundin mo siya.

Maari kasing may MALI sa mga kabarkada mo na alam NIYA at hindi MO alam.

Dahil hindi ka naman niya pagbabawalan na makipagkaibigan sa mga kabarkada mong babae kung alam niya na ikakabuti mo.

Wag mo na lang sigurong iOpen sa mga kabarkada mong babae na ayaw ng boyfriend mo sa kanila. Dahil baka masaktan lang sila pag sinabi mo.

At kung pinapalayo ka lang ng boyfriend mo sa mga kabarkada mo e dahil lang ayaw niyang may kaagaw siya sayo.

Sabihin mo sa boyfriend mo na bagohin niya yon. Kasi naiintindihan mo naman siya kung bakit siya nagiging selfish pero dapat sapat lang ang oras niyo sa isat isa.

ORAS SA BOYFRIEND AT ORAS SA BARKADA.

Para na din yon sa inyo para hindi kayo nagtatalo pa sa mga ganon na bagay.

Relatable Advice (Complete)Where stories live. Discover now