I Just Love Him

402 3 0
                                    

"Paano po pag di ka makapagmove on dahil mahal na mahal mo siya kahit MU lang kayo ? hindi po naging kami kasi bata pa daw ako makakahanap pa daw ako ng iba(13 ako 17 siya ) "

BestGirlfriendEver's Friendly Advice

    Iba na talaga ang panahon ngayon. Kahit hindi naging kayo kailangan na talagang magMove on. :)

Pero kaya mo naman magMove on. Kung kakalimutan mo ang kaM.U mo e. Siguro babago palang yan.

Naniniwala naman akong mawawala din ang pagmamahal na sinasabi mo sa kanya. Kasi syempre hindi na ipaparamdam sayo ng kaMU mo na gusto ka niya.

Kaya wala ng dahilan para magstay ka pa sa kanya.

Kung 13 ka at 17 siya, sa totoo lang Hindi na naman yon masama e.

Normal lang naman yon.

Pero ppwede kasing nababataan pa siya sayo. Hindi ka pa ganon kaMature kaya hindi mo pa masiyadong maiintindihan mga bagay bagay.

Siguro ang gusto niya is yung babaeng matured na din kung gumalaw.

Hindi mo kailangan magalit sa kanya kung sinabi niyang makakahanap kapa ng iba.

Mas matanda siya kaya alam niyang hindi ka pa pwede sa mga relationships na yan. Alam niya na darating ang oras may makikilala ka pang iba..

Wag ka magalala. Dadating ka din naman sa stage na maraming manliligaw sayo :)

Kasi 13 parang dyan ka palang magsisimulang maging dalaga e. Matututo kang magayos sa sarili mo at syempre hindi mo yon mapapansin :)

Kaya dapat focus ka nalang muna sa sarili mo :) Wag mo munang isipin ang kaM.U mo. Makakaraan ang ilang linggo o buwan, MOVE ON kana pala :)

Relatable Advice (Complete)Where stories live. Discover now