Bestfriend or Boyfriend

842 8 7
                                    

FOURTH SITUATION.

"BESTFRIEND OR BOYFRIEND?"

  -May oras kasi na ang BESTFRIEND mo ang nakakaintindi at may oras din naman na ang boyfriend mo ang nakakaunawa.

Bestfriend mo yung laging kasama mo kahit noong  wala ka pang boyfriend. Lagi kang sinosuportahan sa mga gusto mo at laging parehas kayo ng mga gusto. Ayaw niya na may mangaaway sayo. Siya lagi ang back up mo sa academics man yan o sa kung saan saan pa. Pero minsan may tampuhan din naman pero hindi nagtatagal.

Ang BOYFRIEND naman, siya na ang kahati ng bestfriend. Minsan nagiging selfish dahil gusto ng boyfriend na nasa kanya lang ang lahat ng oras. Boyfriend mo ang savior mo. Ang kaibahan ng bestfriend at boyfriend, ayaw ng boyfriend na palaging gumagala ang girlfriend nila samantalang ang bestfriend siya pa ang magaaya na gumala. Ayaw ng boyfriend na hindi maayos ang suot samantalang ang bestfriend fashion kung fashion.

Maaaring magkaiba ang boyfriend at bestfriend pero minsan nagkakaintindihan din sila. Katulad nalang pag galit ang girlfriend sa boyfriend. Sa bestfriend siya tatakbo para magpatulong na magkaayos sila. Pag naman magkatampuhan ang magbestfriend. Tutulungan naman ng boyfriend para magkaayos sila.

Kaya para sa akin. Parehas lang ang bestfriend at boyfriend na maging malapit sa girlfriend/bestfriend nila. Hindi mo kailangan pumili sa kanilang dalawa kasi parehas silang mahalaga sayo.

A/N: WANT SOME ADVICE? JUST COMMENT OR PM ME :)

Relatable Advice (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon