Karibal ko si sis

861 6 1
                                    

THIRD SITUATION

Kakabreak ko lang kasi sa boyfriend ko. Nagbreak kami dahil na din sa ex-boyfriend ko, nawawala na ang atensyon niya sa akin. Hindi na siya katulad ng dati. Minsan nalang kung magkita. Nang makipagbreak ako sa kanya, parang okay lang sa kanya. Pumayag na din siya dahil sabi niya hindi na daw nagwwork ang relationship namin. Pero ilang araw palang ang nakakalipas, nakita kong magkasama ang kapatid ko at ang ex- boyfriend ko. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sila magkasama. Hanggang hinintay kong ang kapatid ko mismo ang magtapat sa akin. Nakumpirma kong sila na nga. Inamin niya din na noong kami pa, sila na din pala.

Legal kami dati at ngayon legal na din sila sa bahay namin.

Anong gagawin ko? Mahal ko pa ang ex ko at nahihirapan akong makita silang magkasama. Hindi ko naman magawang magalit sa kapatid ko dahil kapatid ko pa din siya.

BestGirlfriendEver's Advice

-Kung meroon man na may kasalanan, yon ay ang ex-boyfriend mo. Sa dinami dami ba naman ng babae. Kapatid mo pa ang nagustohan. Anong dapat mong gawin? ACCEPTANCE. Hindi mo na kasi maibabalik ang dati dahil ikaw ang nakipagbreak at isa pa sa kapatid mo na siya may gusto. Hindi mo naman masisisi ang kapatid mo dahil nakilala niya ang ex boyfriend mo. Wag mong ipahalata sa ex mo na bitter ka pa din. Tanggapin mo sila katulad ng pagtanggap na ginagawa ng pamilya mo. Kung kayo naman talaga sa future, magiging kayo e. Pero mahirap na dahil baka magkaroon ng conflict. Mas magandang magMOVE ON ka nalang. Maghanap ka ng mga taong makakapagpalimot sa nakaraan mo hanggang sa Makahanap ka ng mas deserving pa.

A/N: WANT SOME ADVICE? JUST COMMENT OR PM ME :)

Relatable Advice (Complete)Where stories live. Discover now