Just be LOYAL!

52 1 4
                                    

"May classmate po ako, nung una napapansin ko na lagi syang nakatingin sa'kin, few days past, nag message po siya sa akin. Via facebook.
Hiningi nya no. kO tapos sabi nya nagagandahan daw po sia sa akin. Cute at maginoo po sia kaya di nakakapagtatakang isa ako sa marame rami ding nagkakagusto sa kanya.
Tapos, naging close friends po kami.. tapos nanligaw sia. Gusto ko sia kaso may boyfriend na ako.
Pero yung dalawang bestfriend ko, pinupush po talaga nila na sagutin ko sia dahil sa kadahilanang, kinikilig sila :)
Kaya sinagot ko po sia. Dahil po sa takot ko po na malaman ng una kong boyfriend na nag cheat ako, pina sekreto ko yung sa'min ng classmate ko na boyfriend ko na din.
Pero wala talagang sekretong hindi nabubunyag, nalaman nya yung totoo. Na may bf ako.
7 days lang po kami. Alam ko mali yung ginawa ko, na nagpadala ako sa kagustuhan ng bestfriend ko. Kaya nasaktan ko po sia;(

Ngayon po, ano gagawin ko.. natutunan ko na rin kasi po syang mahalin, nahirapan po akong mag move'on.
Dapat ko pa po bang ipaglaban at ipaliwanag yung side ko? At makipagbalikan? Nagugulohan po ako."

BestGirlfriendEver's  friendly Advice

Hi girl, gusto ko lang sabihin na interesado akong sagutin ang situation mo kahit na wala nakong time para magupdate.

eto ang tanong ko sayo. Sa tingin mo ba mahal mo talaga ang boyfriend mong una? Kasi kung talagang mahal mo sya, hindi kana para magboyfriend pa ng iba.

Nagawa mo ba yon dahil malakas ang loob mo na ang boyfriend mo mahal na mahal ka at hindi ka iiwan, kaya okay lang na magloko ka?

At ito pa, puso ba ng mga kaibigan mo ang magmamahal don sa classmate mo kaya ikaw, sinunod mo sila?

Girl, alam mo naman na mali yon diba? Dahil lang sa kagustohan ng mga kaibigan mo na maging kayo kasi SILA ang kinikilig sa inyong dalawa, e sasagutin mo na agad.

Niloko mo ang sarili mo, niloko mo ang classmate mo na naging boyfriend mo for 7 days at niloko mo ang boyfriend mo!


Idadamay ko na din mga bestfriends mo dito ha. Sila ang bestfriend mo, sa halip na sila ang magpaalala sayo na may boyfriend kana, sila pa ang nagpupush sayo na lokohin ang boyfriend mo para lang sa classmate niyo.


So ang sinasabi ko talaga ay mali ang ginawa mo/niyo. Pero since tapos na at nangyari na, sana wag mo ng ulitin pa sa iba ha?



Sinabi mo na natutunan mo na syang mahalin? 7 days palang? yes po, opo may naging feelings kana din talaga sa kanya kasi nirereturn niya sayo yung love na yon kasi nga di nya alam. Pero dahil ilang araw lang kayo, hindi pa ganon kalalim yung feelings niyo sa isat isa kaya alam kong makakamove on ka din don.


Girl, ang masasabi ko lang ay magsorry ka sa classmate mo. Sabihin mo na mabait at mabilis talaga syang mahalin kaya nadala ka lang, subukan mong kuhain ulit tiwala niya para maging friends ulit kayo. Pero for now, sa tingin ko kailangan niya muna ng time kasi nasaktan mo din sya.

Wag kanang umasa na magkakabalikan pa kayo okay? kasi wala naman tayong assurance kung gusto niya pang ituloy ang sa inyo. And diba may boyfriend kana? wag kanang tumingin sa iba. Kasi kawawa naman ang boyfriend mo kung sya seryoso sayo tapos ikaw ganan lang mga ginagawa mo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Relatable Advice (Complete)Where stories live. Discover now