Frighten of His Rejection

399 7 2
                                    

"Torpe ako. Haha. Kababaeng tao tapos torpe. Mahal ko kasi 'yung isang male writer na may mahal ng iba. Pero 'yung mahal niya, hindi siya kayang mahalin. Hindi ko mai-confess yung feelings ko sakanya eh. I'm frighten of his rejection. Isa lang ako sa mga kakilala niya at nakakausap niya pero wala siyang hint na mahal ko na siya. Nasasaktan na ako sa nararamdaman ko dahil yun nga, may mahal na siyang iba at yung babaeng yun ang naging inspirasyon niya sa pagsusulat. Now tell me, should I gave up my feelings and just moved on?"

BestGirlfriendEver's Friendly Advice

Nalulungkot naman ako :(

Dama kasi kita. SAME SITUATION, ang iba lang nakahanap na ulit siya ng bago at mahal din siya nung girl.

Onetime nagkausap ulit kami, sasabihin ko na sana sa kanya na gusto ko siya pero natakot din ako "NATORPE" din katulad mo :D

Pero alam mo nawala na bigla yung nararamdaman ko sa kanya kasi yung lahat ng atensyon niya, napunta na dun sa babae. But still masakit everytime na makikita ko ang profile niya at MB niya.

So ang maganda mo sigurong gawin is maghintay ng perfect timing to confess your feelings.

Kailan ang oras na yon? Yon ay kapag nangailangan siya sayo ng tulong. Hindi mo naman kailangan sabihin sa kanya ng direkta. Iparamdam mo sa kanya na concern ka sa kanya. Na andiyan ka lang pag hindi sila okay nung girl.

Hindi naman kasi malabo na iwan niya yung girl. Kasi hindi naman siya gusto e. P-pwede na magsawa din siya dun sa girl. Kaya hindi mo kailangan itigil yung nararamdaman mo.

Kaya dapat lagi mo siyang icomfort. Malay mo sayo niya pala maramdaman yung katulad ng nararamdaman niya sa mahal niya.

Kailangan mo na sigurong magMove on pag yung babae mahal na din yung gusto mong lalaki.

Relatable Advice (Complete)Where stories live. Discover now