Thirty Six

92.2K 1.2K 141
                                    

"Kuya, puntahan na kasi natin Santa Monica." pangungulit ko kay Kuya habang naka stoplight pa kami. Kakadating ko lang 3 hours ago, so far I'm loving everything na nandidito sa Los Angeles. The weather is nice, the place is two times nicer! "Or In-n-Out burger?" patuloy ko sa pangungulit sa kanya. Umiling lang ito at huminga ng malalim.

"Kath, I'm tired. Marami pa tayong oras para jan." Napasimangot naman ako doon at nanahimik nalang. Hindi man lang ako nakaramdam ng pagod, I want to explore everything!

Merong bahay na binili dito si Daddy noong bata pa lamang kami. Dito kasi sila nagkakilala ni Mommy, noong nadestino siya dito sa LA. Nagkakilala daw sila sa aking Ninong, nagdinner daw kasi silang mga Filipino sa isang newly opened filipino cuisine restaurant dito.

We live downtown, Ito yung part ng LA na hindi masyadong commercialized. Noong nakarating kami sa bahay, nadatnan ko kaagad si Mommy na nainom ng kape habang nanunuod ng TV. Napatayo ito at niyakap ako ng mahigpit.

"Welcome to Los Diablos, baby girl!" Tumawa na lamang ako kay Mommy. Nauna kasi sila dito ng Isang linggo sa akin, hindi dapat muna kami sasabay ni Kuya Sam but my sudden decision changed his mind.

Yung decision ko na kung sakaling mali, I hope na hindi ko ireregret. Minsan kasi, gumagawa tayo ng mga reckless na desisyon kapag nasasaktan tayo. Minsan, maganda yung outcome. Minsan magiging hindi. Let the time decide, let's just face whatever happens.

Iniwasan ko talagang magbukas ng social media buong araw. Miya't miya kasi tumatawag si Kelly at Yen. Kahit si Julia, nagulat ako ay tinawagan ako ng tatlong beses. Mamaya, Magdedeactivate na ako ng facebook, instagram o kahit ano pang social media na meron ako. It's too intoxicating, I need some peace of mind.

I need to forget.

Bakit ba kasi kung sino pa yung sobrang nanakit sa atin, sila pa yung sobrang mahal natin? Bakit kung sino pa yung ayaw nating maalala, sila pa yung laging tumatambay sa utak natin Lokohan lang talaga yung sinasabi nilang pagmomove-on. Move on is never easy, kaya minsan ang sarap suntukin nung mga tao na sinasabing "magmoveon ka na, makakalimutan mo rin yan."

Eh kung sila kaya malagay sa sitwasyon natin? Kahit ano pang gawin mong pagtanggal natin sakanila sa buhay natin, ang hirap pa rin nilang kalimutan! Because they got tinted in our mind and too bad, our mind is attached in our body kaya wala talaga tayong kawala!

Dad was sitting on the couch at sobrang seryoso kung tumingin sa kanyang iPad. Lumapit ako sa kanya at doon lamang niya napansin na naroon ako. Hinalikan niya ako sa noo at pinaupo ako sa tabi niya.

"Bakit ang seryoso mo jan, dy?" tanong ko sa kanya, tumingin ako sa iPad niya pero article lamang ang binabasa niya.

Umupo si Mommy sa aming tabi at nakichismis na din.

"It's.. It's about embezzlement."

"embezzlement?" kunot noong tanong ni Mommy. "Company niyo?"

Umiling si Daddy sa tanong ni Mommy, si Mommy naman ay patuloy pa din sa pagtingin sa iPad ni Daddy. Hindi ako makarelate, hindi ko naiintindihan.

"Estacio's Company. Mr. Cantillana did it."

Mas mabilis pa sa alasingko yung ulo kong napatingin kay Daddy. It's his family's company! At embezzlement? Malaki kaya ang nawala sa kanila?

"Alam na namin to noon pa," tingin ni Daddy kay Mommy. "Nagaantay lang kami na madiscover ni Mr. Estacio ito."

Napatingin sa akin si Daddy at ngumiti, "I know you're friends with the kids. I don't want you guys to be affected and get in this mess so I keep my mouth shut."

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon