Seven

113K 1.7K 117
                                    

Hindi! Impossibleng I'm falling for him. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sakin, Ganon nalang? I wouldn't let my heart fall for him. Hindi pwede.

Natigil sila sa kanilang ginagawa at napansin nilang nakatayo ako don, nakatitig lang kasi ako sa kanila habang may ginagawa sila eh. Awkward, right?

"Uh, Ella. Pwede ba kitang makausap?" Nauutal kong sabi. Nagkatinginan sila tapos nag nod si Ella. Sumulyap ako kay Daniel at nakitang walang emosyon siyang nakatingin sakin. Nakuha niya na ang gusto niya, He won't bug me anymore. Ngumiti sakin si Ella at hinila ako sa isang tabi.

"Bakit?" pataray niyang sabi, at naghalukipkip ito.

Pinaglalaruan ko yung dulo ng buhok ko, kinakabahan ako, Baka kung ano ang lumabas sa kanyang bibig.

"Tapos na rin naman yung deal namin ni DJ, Siguro naman sinabi na niya sayo. K-Kung pwede lang alisin mo na yung article mo, Pa pull back mo yung newspaper issue ngayon. Ayokong masira sa teachers, I promise I won't bug you two anymore." Nanginginig kong sabi. Ngumiti lamang ito at hinawakan ang aking braso at hinimas ito.

"Sure, Sweetie. It's gone by tomorrow. Thank you din, Kami na rin ulit." Nakangiti pa rin ito at tumawa, bumalik na siya kay Daniel at sabay silang bumaba.

That fast? Bakit ganito nararamdaman ko?

School player nga siya. Mapaglaro sa babae, nadamay na ata ako. He plays with Balls and even girls, He's a multitasking school player ha? Nang nahimasmasan na ako, Bumaba na ako para pumunta sa classroom. Masama ang pakiramdam ko buong araw.

Noong naguwian, Nagyaya si Jules at kuya na kumain sa labas at i-celebrate daw ang kanilang First day bilang mag-on. Ang bilis! Sila na agad, I guess they're into each other. Halata na rin naman eh. Nasa iisang sasakyan lang kaming lahat: Si Kelly at Benj, Yen at Xander, Jules at Kuya at kami ni Daniel. Buti na nga lang nagkasya kami sa everest nina Julia, Meron pa kasi silang driver eh.

Tahimik lamang ako buong byahe, Hanggang sa narating na namin yung bahay nina Jules. Pumasok kaming lahat at nilapag ng kanilang katulong iyong Juice sa kanilang sala table.

Nagsuggest si Xander na umorder ng Pizza, Sangayon naman ang lahat kaya nilabas niya ang kanyang phone at nag order thru online.

"Ang boring" madramang parinig ni Benj. "Sinabi mo pa girl. Akala ko ba party party? Eh bakit nganga lang tayo?" Sang-ayon naman ni Kelly. Oo nga, Ang Boring. Ayaw naman nilang sa labas magcelebrate eh kaya eto tuloy, Gusto sana naming maglaro ng Monopoly kaso kulang kami ng dalawa, eh yung tatlo hindi marunong mag monopoly.

"Truth or Dare nalang tayo or Never Have I Ever?" Sabi ni Jules, Umiling naman si Yen sa Never Have I Ever kasi yung larong iyon kailangan ng shot, Si Kuya, DJ at si Xander palang ang 18 samin, Hindi pa legal uminom. Kaya napagisipan naming Truth or Dare nalang. "Sino unang magiikot?" Tanong ni Xander. Walang sumagot maliban kay Daniel na hinawakan na yung bote. "Ako nalang pre,"

Sinimulan niya itong iikot, hanggang sa dahan dahan itong tumigil sakin.

"Dare!!" Sigaw nilang lahat, Natawa na lamang ako at umiling.

"Shut up, People.. Tsss" Matalim itong tumingin sa kanila at tumingin sakin. "Truth or Dare?"

Tumitig ako sa kanya, Is he planning something? "Truth."

Matagal ulit ito bago magsalita, Halos mainip na nga si Xander at pukpukin na si Daniel ng bote eh. "Anong sinabi sayo ni Ella?" Napatingin naman sakin sina Jules, Halos lahat sila. They didn't know, Bakit ba ito pa ang tinatanong niya? "Nagsorry lang siya. Yun lang." Umakto akong parang wala lang talaga. Wala lang naman talaga eh, She just said she'll take the Article down, at sinabi niyang... Sila na. "Tell me the truth, Kath. Anong sinabi niya?" Seryoso ang tanong niya, at halos lahat ng tao sa paligid ko tahimik.

"Diba dalawang tanong na yun?" Tinarayan ko siya. He's asking too much.

After non, Ako naman ang nagpaikot. Tumama ito kay Julia, Nag Truth siya at tinanong ko lang kung kailan niya unang nagustuhan si Kuya. He said noong una niya palang nakita, parang love at first sight. Halos lahat naman kami kinilig sa sinabi niya. Sa paikot ni Jules at tumama naman kay Benj na nagdare, Pinahigop nila ito ng isang shot ng toyo. Gross, But laughtrip naman.

Noong si Xander ang nagikot, Natapat ito kay Daniel.

"Truth or Dare?" tanong niya tapos habang may pangasar na ngiti.

Tamad itong nakatingin kay Xander at huminga ng malalim, "Dare."

"Tapang" Bulong ni Yen, Natawa na lamang si Kelly at Benj.

"Kuha mo kaming lahat ng tubig, Isama mo si Kath." Halos mabilaukan ako sa hangin ng marinig ko iyon, Napatingin ako kay Xander na pilyong nakangiti. "Bakit kasama ako? AYOKO!"

Tumayo na lamang si Daniel at kinuha ang aking kamay, "Tsss." Pinilit kong hindi sumama pero malakas ito at nagtawanan ang magbabarkada.

Noong nakarating na kami sa kusina, Bigla na akong napasigaw."Bitiwan mo nga ako!" Binitiwan niya ako at tumingin sa akin, masama ko siyang tinignan. Ugh, Naiirita ako. Bakit ba ganito siya! "What's the matter with you?" sabi niya habang kumukuha ng baso.

"Wag mo kong kausapin." galit kong sabi. Wala naman siyang ginagawa, Pero bakit inis na inis ako sakanya?

"Wala na akong karapatang magsalita ngayon? In my own house?" He smirked, Nilagyan niya na ng tubig yung mga baso. "In my terms, Yes. Manahimik ka nalang." Nakasimangot akong nakatingin sa kanyang likod.

Humarap nalang siya ng nakangiti, at may binato sakin. Nataranta naman ako dahil mayroon itong buhok at parang maliit na kulay itim iyon.

Noong nakita ko kung ano iyon, Napatili ako at napatalon. Ipis!! Binatohan niya ako ng Ipis!

Nakita ko lang na tinawanan niya ako, Halos maiyak na ako sa inis.

Inis akong lumapit sa kanya at pinaghahampas siya sa dibdib. "Ano bang problema mo? bakit ba lagi nalang ako ha? nakakainis ka na eh!"

His laugh died down, he looked at me straight in the eyes. "I like you."

"A-Anong sabi mo?" Mukhang nagulat din siya sa sinabi niya. Nanlaki ang mata nito at natahimik muli. "Wala, sabi ko ang ingay mo." tapos umalis na siya. He likes me? Pero may girlfriend na siya, Mali ito. Niloloko niya nanaman ba ko?

Tinignan ko siya naglalakad palabas ng kusina,

"I think I like you too," pabulong kong sabi. "May Girlfriend ka lang.. and Everything's complicated."

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon