Thirty Five

81.1K 1.1K 54
                                    

Pagkauwi ko ng bahay, tumambay ako sa kwarto ni Kuya Sam para antayin silang dalawa ni Kuya Diego. Naglaro daw sila ng basketball pero sa may greenhills pa daw. Ayokong umalis kaya nagantay nalang ako.

Parang nawala lahat ng enerhiya ko kanina. Nagalit sakin si Kelly kasi iniyakan ko nanaman daw yung lalaking yon. Hindi mo naman talaga mapipigilan eh, sobrang inis ko kanina hindi ko napigilang umiyak.

I don't want to see him again, I don't want to excrete more energy and attention to everyone na draining. Buti nalang talaga, nalabas ko na lahat lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Thank you, God. For meeting us in that place...

Bumukas ang pinto at bumungad sakin yung dalawa kong pawis na pawis na kapatid.

Napatingin sila sa akin na parang gulat na gulat na nasa kwarto nila ako. "Hala, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kuya Sam.

"Inaantay kayo."

"Mom, Is that you?" Asar ni Kuya Diego habang nilalapag yung duffel bag nila.

Looking at them made me realize na sana lahat ng lalaki, nagmamahal katulad ng pagmamahal ng isang kuya. They didn't do anything, but just by looking at them, I want to find love that gives me the same warmth and protection like my brothers give to me.

Nakaka emotional ha! Ayokong umiyak sa harap nila!

"Have you been crying?" tanong ni Kuya Sam at lumapit sakin. Medyo nagulat ako sa tanong niya at napayuko, "Bakit ako iiyak?"

Nagtulungan yung dalawa kong kapatid at pareho silang lumapit at hinawakan ang magkabilang pisngi ko at inipit ito. Mukha akong isdang nakatingin sa kanilang dalawa.

I deeply sighed noong nakatitig silang dalawa sakin. Umiling na lamang sila, I have no choice but to tell them the whole story.

Tahimik lang silang dalawa na nakikinig sakin, no one bothered to stop me halfway to say their violent reaction. Alam kong pinipigilan nila... I'm glad they let me tell them.

"Is that the reason kung bakit mo kami inaantay?" unang tanong ni Kuya Diego. Tumango lamang ako. Gusto ko kasi makarinig ng perspective from a guy, I don't have enough guy friends. Si Benj, binabae. Si Xander, di naman kami super close non. Tsaka nahihiya ako, tropa ni Daniel yun eh.

"Sasama ako.. Sa states." I finally said.

Tahimik silang dalawang nakatingin lang sa akin.

No, I'm not running away from all these.

Napagisipan ko na ito kahapon pa. Kung aalis silang lahat, ako nalang matitira dito? I have no choice, I'll still go with them. Feel ko okay na din ito, to start fresh, to find myself. Feel ko while I'm loving him, I lost myself. I forgot how much I worth, I forgot how much love I deserve.

But that also means na I have to leave my friends, right?

"Sigurado ka ba? Don't be pressured, kung ayaw mo pwede ka namang maiwan dito. Dad could offer you a condo kung gusto mo dito magcollege. Uuwi naman kami every 3 months, pinagusapan na namin tong apat." Kuya Sam

Napakunot ang noo ko, "Naguusap kayo ng hindi ako kinakausap?"

Kuya Diego shrugged, "Mahirap ka minsan kausapin. Baka mamaya kagatin mo kami eh. Para kang aggressive na aso kapag pinipilit kapag ayaw."

"Grabe ka! Hindi ah!"

"Sabi din nila, kapag nagdedeny, Guilty." Kinurot ko sa braso si Kuya Diego.

Napangiwi ito sa sakit kaya mas lalo ko pang diniinan. "Aray ko!"

"Sabihin ko kay Mommy. Ayaw nilang i-open ni Daddy yung topic sa'yo eh. Hindi pa nila sinasabi but they gave up already."

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon