Thirteen

123K 1.4K 78
                                    

Nagising ako sa sikat ng araw na galing sa bintana, Meron talaga akong habit na hindi pagsara ng kurtina tuwing gabi! Ang init kasi ngayon kaya hinayaan ko, pero parang alam clock naman ito tuwing umaga.

Bumangaon na ako at inayos ang aking higaan, Inayos ko na din ang aking gamit at nilagay yung notebook na kakailanganin ni DJ. Naligo na ako at nagayos at bumaba na para makakain ng almusal, Maya maya't alam kong bubusina na si Daniel at susunduin ako.

"Good Morning, My. Good Morning, Kuya." Bati ko sa kanila.

"Good Morning Kath, Umupo ka na at magalmusal." Umupo na ako at binigyan ako ni Mommy ng plato, Si Kuya naman ay nagtitimpla ng kanyang kape. "Bakit parang ginabi kayo kagabi? Saan nanaman kayo galing?" Tanong ni Mommy, Napatingin ito sakin. "At Ikaw Kath, Kayo na ba ni Daniel? Lagi ka niyang sinusundo at hinahatid dito ah." Sabi niya tapos nilagay na niya yung mga hotdogs sa kabilang plato.

"Ma, What you see is what you get." Natatawa kong sabi at nagsandok na ng kanin.

Nagtawanan na lamang kami, Nasabi din ni Mama na Uuwi si Papa at si Kuya Sam in 2 Weeks, Medyo na excite ako doon kaya nagmessage agad ako kay kuya at sinabing excited na akong makita siya. Si Kuya naman ay excited din dahil sa sapatos na kanyang pinabili na hindi pa lumalabas dito sa Pilipinas.

Saktong pagkatapos kong kumain ay bumusina na yung kotse ni Daniel.

"My, Kuya, Una na ko ha." Sabay halik sa kanilang mga pisngi. Sinuot ko na ang aking bag at lumabas ng bahay.

Binuksan ko na yung passenger seat at sinalubong ng nakangiting si Daniel. Kahit nakangiti siya at mukha pa rin siyang suplado, parang mayabang na datingan. Meron nga siyang ugaling mayabang but it's not too much, Siguro common lang talaga iyon sa mga lalaking katulad niya.

"Ganda mo ngayon, Babe." Sabay halik sa aking Pisngi, Kaaga aga.

Saglit lamang ang byahe papunta sa school, Bumaba na agad kami ng makarating doon at mayroon paring bulong bulungan, pero hindi ko na iyon pinapansin. I'm okay with what I have now.

Umagang umaga ay galit na sumisigaw ang aming classroom president, Wala kasing may gustong sumali sa mga sports. Umabot siguro ng tatlumpung minuto bago makumpleto ang listahan, wala naman akong nasalihan kaya okay lang.

Wala nanamang klase ngayon dahil tatlong araw nalang ay Intrams na. Binigyan nalang kami ng mga handouts para makapagreview ng maaga. Lumabas na ako ng classroom at pumunta sa madalas naming pinagtatambayan, Naroon si Daniel at Xander kasama si Yen na nagsusulat.

Lumapit ako kay DJ tapos tinakpan yung mga mata niya ng kamay ko. Napatingin sakin si Xander at natawa. "You're a dead meat. Lagot ka kapag may nakahuli sa inyo ni Kath." Napapatawa din ako pero pinipigilan ko.

"Tss. Kilalang kilala ko yung kamay na to." Sabay hila niya sa kamay ko at ayon, Napayakap ako sa kanya. "Memorize ko na ang lahat sa kanya." sabay tawa.

"Wala ka naman talagang binatbat sa mga lumalandi kay DJ, Kath. Kaya dapat ipaglaban mo to." sabi ni Xander. Napatingin sakin si DJ tapos tumango, nakikisakay sa trip ni Xander. "Oo nga, Wag mo kong ipamigay babe. Ako nga sayong sayo tapos ipapamigay mo lang ako?" Hinampas ko ito at tumawa. Ang baduy!

"What matters is I'm yours and You're mine." malambing kong sabi.

"Yuck, Guys! Chill!"

Kinurot na lamang ni Yen si Xander dahil sa kakulitan nito, Napabaling si Xander sa kanya at tinulungan si Yen.

Naglunch time na at kumpleto kaming lahat for the first time, Maaga nga lang yata aalis ulit si Benj at Jules dahil nga sa Volleyball practice nila. Pulang pula ang pisngi ni Jules dahil init, Mestisang mestisa talaga siya.

"DJ naman eh, Ayoko ngang Kumain!" Pinipilit niya akong kumain, Hindi pa ako gutom dahil marami akong nakaing junk food kanina noong nagrereview ng Hand Out.

"Tss. Kumain ka nga ng tunay na pagkain, Junk foods ang kinain mo kanina, Hindi Maganda sa katawan." Lumihis ang tingin nito sakin at galit na tumingin sa kawalan.

Tinusok ko ang kanyang tagiliran, Hindi pa din ito tumitingin sakin. "Uy, Galit na yan." Tukso ko sakanya.

"Eto na, Kakain na ko." sabi ko at sinubo ang kanin na gusto niyang ipakain sakin kanina pa. Tumingin naman ito sakin.

"Tss."

"Sungit mo."

"Tigas kasi ng ulo mo."

"Pangit."

"Witch!"

Napatigil na lamang kami sa tumunog na bell, Biglang may nagannounce din na maari na daw umuwi ang mga walang ginagawa dahil wala naman daw talagang gagawin ngayon. Napailing na lamang ako at kumain muli, Sana pala hindi nalang ako pumasok.

"Ayan, Away kasi kayo ng Away kaya pinapauwi na tayo." tuksong sabi samin ni Kelly at tumawa. Tinuro naman ako ni Daniel. "Si Witch kasi eh"

Sumubo ulit ako ng kanin at kunwaring umiwap. "You love me, Though."

Naghiyawan na lamang sila. Tinapos ko na ang aking pagkain at tumayo, Nagpaalam na kami sa aming mga kaibigan. Akala ko ay sasabay saamin si Julia pero may dadaanan pa daw ito sa Gym, Alam ko si Kuya ang dadaanan niya kaya hinayaan nalang namin. Naglakad na kami papunta sa kanyang kotse, pumasok na ako at ininom yung tubig na nasa upuan.

Hindi pa ako nakakapagseatbelt ng hinila ako ni Daniel papunta sa Driver's seat, Nakaupo ako sa kanyang kandungan at ang aking likod ay nasa manibela. Pinulupot ko ang aking mga kamay sa likod ng kanyang batok. Nakangiti itong nakatingin sakin. "Ang swerte ko talaga sayo," pabulong niyang sabi.

Nilaro ng aking mga daliri ang buhok sa kanyang likod, Napakagat ako ng aking labi. "I love you." mahina kong sabi. Ngumiti na lamang ito at naramdaman ko nalang ang kanyang mga malalambot na labi sakin. His kisses were slow and passionate. Parang inaapreciate niya ang bawat segundo, until his kisses got deeper, and our tongues started to fight each other.

Napaungol na lamang ako ng bigla niyang halikan ang aking mga leeg, mas lalo ko pang iniangat ang aking leeg para may better access siya."I love you so much, babe." bulong niya sakin, nagiwan siya ng isa pang halik sa aking tenga bago niya ako itulak pabalik sa passenger seat. "Let's move, Baka kung ano pang maging ending nito."

Tinignan ko paalis ang sasakyan ni Daniel ng mahatid niya ako, Papasok na sana ako ng bahay ng biglang may humawak sa aking balikat. Pag kaharap ko ay nakita ko si Ken. "Oh, Bakit ka nandidito?" tanong ko sakanya, Nahagilap ng aking mga mata ang kanyang kotse hindi kalayuan, Kanina pa siguro siya dito.

"Kanina pa kita inaantay." Sabi nito. Napakamot ito ng ulo. "Uh, I just wanna tell you something." sabi niya. Inantay ko na lamang ito at tinignan siya ng maigi, mukhang hindi ito mapakali at napansin ko ang pagbukas sarado ng kanyang kamay.

"Kath, I really still like you."

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon