Twenty

100K 1.3K 107
                                    

Tinitigan ko lamang ang aking cellphone at nagaantay ng mensahe galing kay Daniel. Nandito kami ngayon ng aking mga Kuya para bumili ng kanilang mga sapatos. Daig pa nila ang babae kung pumili kaya nakabusangot ako ditong nakaupo sa isang upuan habang naghahanap sila.

Nasa Gym daw ngayon si Daniel at si Xander, Simula noong umuwi na kami galing sa school ay hindi na ako nakatanggap ng mensahe kay Daniel.

"Bakit ka nakasimangot jan, Kath?" tanong ni Kuya Diego at umupo sa tabi ko. Pinakuha niya ang kanyang Size sa Isang saleslady at inaantay ito. "Wala Kuya. Ang tagal niyo kasi. Nasaan si Kuya Sam?"

"Tumitingin ng Sperry. Kanina pa yon nakakita ng running shoes kaya doon naman naghanap."

Tinignan ko ang paligid para hanapin siya, Hindi ko ito mahagilap kaya hindi ko nalang hinanap. Wala rin akong plano bumili ng sapatos, I have enough of it, Yung iba pa nga hindi ko pa nasusuot. Ayokong maimbak lamang ito sa bahay.

Nagvibrate ang aking cellphone at nakitang nagreply na ito.

From: My Baby😘❤️🙈
Wag ka nang sumunod. Stay with your brothers. Maraming lalaki dito.

Napakagat ako ng aking labi. Matagal ko ng pinaplanong mag gym noon pero hindi ako makapunta dahil gusto ko ng may kasama. Mga kapatid ko naman ay madalang lang mag gym dahil yung Basketball na ang sapat na workout para sa kanila, Sinubukan ko din tanungin sina Julia pero baka sa summer nalang daw dahil sayang lang daw ang membership dahil madalas kaming may pasok.

Nakasimangot kong tinago yung cellphone ko. Ayaw niya akong pasamahin lagi kapag kasama niya mga kaibigan nito. Either basketball practice o kahit gala man lang, ayaw niya. Totoo lang nakakapagtampo, Parang ayaw niya akong ipakita at ipakilala sa kanyang mga kaibigan.

Nahihiya ba siyang sabihin na girlfriend niya ko?

Ugh.

Umalis na kami doon ng nabili na ni Kuya Diego ang kanyang sapatos. Pumunta kami sa iba't ibang clothing store at bumili sila roon, Napabili din ako pero konti lamang. Not as much as Kuya Sam, Mukhang pinakyaw na yata ang lahat at laging sinasabi na mas mura dito kesa sa California.

Sinubukan akong tawagan ni Daniel ng ilang beses. I didn't answer.

Bahala siya.

"Bakit parang ang sama ng mood mo?" Tanong ni Kuya Diego habang naghahanap kami ng makakainan. Napapatingin ang mga tao sa kanila dahil sa tangkad at itsura nito.

They look like a model, or a basketball player. Somewhere in between, Kung si kuya ay maputi, si Kuya Diego naman ay Moreno, Kulot ang buhok ni Kuya Diego, Iba sa amin ni Kuya Sam. Shave ang konting bahagi ng kanyang ilalim at halos pwede ng ibun ang kulot niyang buhok. Unlike Kuya Sam, talagang clean shave si Kuya at manipis ang labi.

"Gutom lang ako kuya, kanina pa tayo paikot ikot daig niyo pa ako kung mag shopping." pagtataray ko. "Siguraduhin niyong masarap kakainan ha."

They didn't disappoint. Sa Isang Buffet kami dinala ni Kuya Sam.

"I wanna go to a bar, Ano bang magandang bars or clubs dito?" tanong ni Kuya Sam habang kumakain. Sinagot naman ito ni Kuya Diego. "Marami, Kuya."

"Dalhin mo kaya sa Valkyrie, Kuya?"

"It's nice in there kung naghahanap ka talaga ng mga kaibigan. But kung chill lang marami pa jan."

Sumimsim si Kuya Sam ng kanyang tubig. "Valkyrie? Saan yon?"

"Sa may BGC lang." Sagot ni Kuya Diego. Ugh, Kung may pinaplano silang pumunta gusto kong sumama. Ngayon kaya? "Okay, I'll try. Reservation ba yon?" Tumango si Kuya Diego. Reservation nga pala. It means pwedeng sa susunod pang mga araw.

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon