Eleven

125K 1.7K 118
                                    

"Stop doing that." Nawala ang yung ngiti ko, Aaminin ko, Masarap sa pakiramdam ang mayroong taong super possesive sayo. Pero hindi ito totoo, I don't want to fall over nothing. Napasimangot ako at tumingin na lamang sa TV.

Alam kong tinititigan niya ako,  Hindi ako tumingin sa kanya. "Kath, Alam kong gago ako noon. But.." Hinarap niya ang aking mukha sa kanya, Hindi ako tumingin sa kanyang mata. "Please, Hayaan mo kong iparamdam sayo na mahal kita, Peke o hindi, let me show you my love. Nasasaktan din ako."

Parang nawala yung kaluluwa ko nung narinig ko yun, Halos hindi na ako gumalaw. bakit ganun? Totoo ba to? Lahat to? Walang halong biro?

Sinubukan kong umalis at lumipat katabi ni Kelly, Pero hinila niya ang aking baywang pabalik.

Hindi ko talaga alam kung ano paniniwalaan. Yung Isip ko na sinasabing hindi totoo ang lahat ng ito, You can't fall. O yung puso kong sinasabing take a risk, It isn't love if you're not risking anything.

Pumiglas pa rin ako at nakawala na ng tuluyan, Hindi ko siya tinignan at kinuha na ang aking bag. Lahat sila ay napatingin sa akin at binalewala ko lamang iyon, Tinawag pa ako ni Julia at hindi ko rin siya pinansin.

Napagisipan kong dumaan nalang muna ng park, yung malapit sa Narra tree, para makapagisip isip.

Nahihirapan na talaga ako. Akala ko ba kahapon, Okay na. Take risk na diba Kath? Pero bakit ngayon parang umaayaw ka? Nangingibabaw nanaman ba ang kinatatakutan mo? Well, It isn't love if you're not afraid. Kung takot, dapat harapin diba? Kasi hindi mo ito maoovercome hangga't hindi mo hinaharap. At once na nandoon ka na sa point ng kinatatakutan mo, Learn how to get over it.

Pero bakit ganon? Hindi ko talaga maapply sa sarili ko yung mga naiisip ko. Bakit kapag sarili ko na, Olats na ko?

God, Help me.

"Kath?"

Lumingon lingon ako para hanapin kung sino iyong tumawag sakin, Walang masyadong tao dito sa park maliban sa mga nagjojogging. Tumingin ako sa likod ko at nakitang papalapit sakin si Ken, nasa likod niya ang isang itim na fortuner.

"Ken?"

Bakit siya nandidito? Akala ko ba umalis na siya?

Dahan dahan itong umupo sa aking tabi, medyo malayo siya sakin at nakita kong ngumiti siya. "Kamusta ka na?" Napa kibit balikat lamang ako. "Ayos lang. Humihinga parin."

Hindi ako nagsalita pagkatapos noon, wala naman siyang tinanong pagkatapos. Bakit lagi ko nalang nakakasalubong yung mga taong wala akong planong makipagkita kapag gusto kong makapagisa?

"Anong ginagawa mo dito? Nasaan ang boyfriend mo?"

Napatikhim ako. Naging kaibigan ko kahit papaano si Ken. Siguro naman okay lang na pagsabihan ko siya ng aking mga problema, hindi ba? "Hindi ko siya boyfriend."

"Ah.. MU?" tanong nito. Napailing naman ako.

Hindi ko pa rin alam kasi kung ano ang standing naming dalawa.

Napakamot nalamang ako ng ulo. "Kahit ako hindi ko alam eh," tawa ko "Magulo. Ano nga palang ginagawa mo dito? Nanliligaw ka pala kay Julia?" tanong ko. Ngumiti ito at pinaglaruan ang susi ng kanyang kotse. "Yeah, But she rejected me."

"May Boyfriend na kasi siya, Ken."

"I know."

"Kilala mo ba kung sino?" Kuryoso kong tanong.

Napatawa ito at sumandal sa bench. "Your Brother?"

Hindi na ako sumagot. Mahirap siguro para sa kanya no? I don't know what a boy feels if they're rejected. Kasing gulo din ba ang isip nila sa isip namin? Babae ba talaga ang mas marami ang iniisip kesa sa lalaki? O pareho lang?

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon