Twelve

130K 1.6K 130
                                    

Ang sarap sa pakiramdam na sabihin mo na yung gusto mong sabihin sa Isang tao. Finally I overcome one of my fear; confession. Akala ko kasi marereject ako or something worst mapahiya kasi salita lamang ako ng salita pero wala naman pala silang pakialam.

Pumasok kami noong music room at inupo niya ako sa kanyang harap. Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong kantahin niya, Dahil kumanta na siya kanina ng kanta ng Silent Sanctuary ay nirequest ko na yung Ikaw lamang.

Natatawa pa ako habang ginagawa niya yung intro nito, with matching sound effects pa kasi. Pero noong kumanta siya ay halos malaglag ang aking mga panga. Nakapikit niyang kinakanta ito. Tawang tawa ako ng dumating na ang chorus dahil ginamit niya ang kanyang paa para maging drums.

Nang matapos ang isang buong kanta na panay tawananan at kantahan, tinabi niya ang gitara.

"So.. What happens now kath?" sabi niya, hinawakan niya ang aking kamay at pinaglaruan."Hindi ko alam. Wala akong alam kapag maglalabel na ng isang relasyon, Dapat ikaw ang may alam ah?" Nilapit niya ako sa kanya at hinalikan ang aking noo.

Napa buntong hininga siya. "Obvious naman na ayaw mo pa ng boyfriend girlfriend relationship, MU? Since our feelings are mutual."

"No more fake girlfriend?" tanong ko, tumawa siya at umiling. "No more fake girlfriend."

Lumipas ang ilang araw, Walang araw na hindi ako sinundo ni Daniel at sabay kaming pumasok sa school. Nagtataka na nga si Mama, Akala niya Boyfriend ko si Daniel. Pinaliwanag ko sa kanya ang lahat at sinabi niya na okay lang naman daw na pumasok ako sa isang relasyon, basta't alam ko daw ang aking limitasyon at gawin ko lamang daw iyong inspirasyon para mas lalo pang mapabuti ang aming pagaaral.

Ngayon na namin ipapasa ang aming project, Maaga namin itong ipapasa dahil nga sa padating na Intrams. Wala naman akong sasalihan sa Intrams kaya't magrereview na lamang ako. Pinark na ni Daniel ang kanyang kotse sa usual niyang spot at bumaba na kami. Dumeretso muna kami sa faculty para ibigay iyon.

"Oh, Ang aga niyo naman." Bati samin ng head ng Student Council na si Andre, May hawak itong illustration board at May kinuhang gunting sa lamesa ng aming Guro. "Ipapasa niyo na?" tanong nito, Um-Oo nalang kami at nilagay niya yung clearbook sa lamesa. "Nice, Ang ganda ng tekstura ng Liquid Soap. Exempted na siguro kayo." Natatawang sabi niya.

Biglang may pumasok na isa pang estudyante. Babae ito at nakalugay ang mahabang brown na buhok, Petite ang katawan nito at medyo chinita. Nanlaki ang mata nito ng makita niya si Daniel. "Thea, anjan ka na pala. Kunin mo na to at dalhin sa Office." sabi ni Andre na nasa likod namin, Naramdaman ko namang gumapang ang kamay ni Daniel sa aking baywang.

Napatigil ito at tumingin kay Daniel. "Can we talk?" Mahina nitong sabi. Napatingin ako kay Daniel at pumayag sa request nito. Sino naman kaya itong si Thea? Ngayon ko lamang ito nakita, o baka nakita ko na at hindi ko lang maalala. Lumabas sila ng faculty at narinig ko namang umubo sa likod ko si Andre.

"Baka naman awayin mo ha. Lagi nalang may nagaaway basta tungkol kay Daniel." Natatawa nitong sabi habang may ginugupit. "Alam ko may history si Thea at Daniel, Pero matagal na yon. Don't sweat."

Tumango na lamang ako at lumabas, Nadatnan kong nakahawak si Thea sa balikat ni Daniel at napakunot naman ang noo ko. Nilapitan ko sila, "Tara na, DJ." Iritado kong sabi. Nauna naman akong naglakad at narinig kong nagpaalam siya.

Naabutan niya ako at pinulupot ang kanyang kamay sa aking baywang.

"Ano pinagusapan niyo?" Mataray kong sabi. Natawa naman si Daniel sakin. "Kung bakit daw di ako sumasagot sa mga text niya. Hey, I don't text you know that."

He's telling the truth naman. Nagkibit balikat nalamang ako at kinalimutan iyon. Pumunta kami sa tambayan dahil mayroon pang isang oras para sa aming Filipino subject. 3 lamang ang subject namin ngayon dahil sa preperation ng Intrams.

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon