Three

147K 1.8K 139
                                    

"Ken?" Bigla kong sabi. Si Ken, He's my first friend sa CBE. Siya din yung nagparamdam sakin na welcome ako sa school nila at nagparamdam na parang normal lang akong estudyante. Naging MU kami noon, pero hanggang doon lang. Tumigil narin akong kausapin siya sa takot na baka pati siya ilayo sa akin ni Daniel.

"Magkakilala kayo?" Kuryosong tanong ni Daniel. napatungo ako. Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa, Parang ang awkward lang kasi, Pekeng boyfriend plus dating ka MU na medyo bitter pa sakin?

Tahimik lang kaming tatlo, Palipat lipat ang tingin ni Ken saaming dalawa, Bigla nalang hinawakan ni Daniel ang kamay ko.

"Tara, Hatid na kita sa inyo." Hinila niya ako palabas ng bahay, napatingin ako kay Ken at kita ko ang sama ng kanyang tingin kay Daniel, Alam kong may galit kasi talaga siya dito.

Sumakay na agad ako sa kotse niya at mabilis niya itong pinaandar, Mahigpit ang hawak ko sa seatbelt sa bigla niyang pagpapaandar. Halos makina lamang ng kotse ang naririnig ko sa nakakabinging katahimikan na nakapalibot samin.

"Anong problema noon sayo?" bigla niyang sinabi, napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ioopen ko ba sakanya, pero narealize ko na wala naman siyang pakialam sa buhay ko kaya okay lang na sabihin ko sakanya."MU ko siya dati." sabi koat yumuko. hinayaan ko yung buhok ko na takpan ang aking mga mukha.  "Okay naman kami eh, Pero kailangang iwasan." Hanggang doon nalang sinabi ko, hindi ko na kailangang sabihin sa kanya ng buo.

Nagulat nalang ako sa kanyang ginawa, bigla niya akong niyakap.

He didn't say anything, Niyakap niya lang ako.

"Sige na, Get out, Witch. Maaga pa tayo bukas." Ayoko nalang sumbatan yung pagiging maangas niya ulit, Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto para umalis.

Hindi ko na siya tinignan pang umalis, dere deretso nalang ako sa aming bahay. Wala pang tao sa bahay kaya umakyat na ako para makapag shower at makatulog na ng maaga, tama, pagod na rin kasi ako. Parang in a day andaming nangyari.

Bakit ganon nararandaman ko? Akala ko ba, moved on na ako? Pero noong nakita ko si Ken parang gusto kong iklaro sa kanya na gumawa lang kami ng proyekto ni Daniel, Na walang meron samin, Na hindi na ako masyadong inaasar o iniinis. Sa kakaisip, Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako sa sigaw ni Mommy. Hindi ko alam kung ano ang kanyang sinabi kasi nakatalukbong yung isang unan sa ulo ko. Noong hindi na siya nagsalita, Natulog ulit ako, Hindi pa naman nagaalarm yung cellphone ko kaya alam kong hindi ko pa cue para tumayo.

Ilang minuto siguro ang nakakaraan, Naramdaman kong parang may humahalik sa aking leeg. Panaginip ba 'to? Dinadalaw ba ako noong mga pangyayari?

Nanlaki na lamang ang aking mga mata noong napagtanto kong totoo nga ang mga nangyayari. Napadilat ako at binato yung unan sa lalaking nasa harap ko. Napasigaw ako at tuloy tuloy ko siyang pinaghahampas."Morning, Sweetheart" tapos nagsmile siya. May gana pa siyang ngumiti! Inis ko siyang binato ng unan "BAT KA NANDITO? SINONG NAGPAPASOK SAYO? LUMABAS KA!" tuloy parin ako sa pagsisigaw at hampas sakanya, tumawa lamang ito at tinakpan ang aking bibig.

"Ang aga aga naman. Dali. sabi ko marami kang gagawin ngayon diba?" tinayo niya na ako tapos tinulak sa CR. Galit kong tinignan yung pintuan na nakaharang saaming dalawa. Who the hell let him in? My brother? Umalis na kapatid ko eh! And he wouldn't let him!

Turns out, Si Mommy ang nagpapasok sa kanya. Kilala kasi siya eh kasi kaibigan siya ni Kuya, Hindi ko lang alam kung bakit hinayaan niyang pumasok ito sa kwarto ko. Sasabihin ko nalang ito sakanya mamaya.

Mabilis kaming umalis dahil sa kagustuhan ni Daniel na maagang makapasok, Itutuloy daw namin yung naudlot na project, May practice siguro siya mamaya or whatever. Pumasok na kami sa kanyang kotse at nagulat noong napatingin ako sa side mirror.

The School Player (Book 1 of Player Duology)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon