I Fell In Love with My Best Friend. Chapter 35.

2.3K 36 45
                                    

Chapter Thirty Five.

Aya's POV.

3 days ng absent si Jerome. 3 days na din siyang hindi nagpaparamdam sakin.. tinetext ko siya, tinatawagan hindi na naman siya nagpaparamdam.. Ano to? Nauulit na naman ba  yung kay addland dati?

Hinahanap na din siya ng mga profs namin. Even ako worried na din kasi ang dami naming paper works tapos wala siya.. Tinatanong ko naman yung mga tropa niya hindi din naman daw nila alam kung nasan,, Tapos pag pinupuntahan ko naman sakanila sinasabi sakin ng maid niya na umalis daw ganun.. 

Eh ako ngang girlfriend niya hindi ko alam kung asan siya, kung sino kasama niya at kung ano bang nangyayare sakanya..

ang hirap.

*A.BABYKONGMAHAL is calling..

"Hello.."

Shit. Sa wakas narinig ko na rin yung boses niya, Namiss ko to... pero bakit parang ang lungkot niya.

"Baby, where are you? Are you okay? Why aren't you answering any of my texts & calls.." 

Sa totoo lang gusto kong malaman kung nasan siya, Gusto kong tumakbo kung san man sya naruruon tapos yakapin siya ng mahigpit..

"We need to talk.. Same place i'll meet you there.."

Sa park. Dun ang meeting place namin eh,,

Sakto malapit lang naman sa bahay yung park dun na muna ako didiretso..

Nasa park na ako.. Kinakabahan ako. Hindi ko kasi alam kung anong pag uusapan namin. He seemed so serious. natatakot ako kasing gantong ganto din kami ni Add dati.. :(

Umupo muna ako dun sa swing.. Nag iisip isip. Nag hahanap ng sagot sa mga katanungan sa isip ko. sana, Sana hindi naman niya maisipan yun..

Nakita ko ng dumating yung kotse niya.. pero bakit parang may kasama siya. Bumaba na siya sa kotse niya tapos sumunod naman yung girl... Teka familiar sakin yung girl na to ah. San ko nga ba to nakita? 

Si Jay. Tama siya nga. Siya yung First Love ni Jerome.. 

Bakit magkasama sila.. Dont tell me :(((

Pumasok na si Jay sa loob ng sasakyan ni Jerome. Tapos si Jerome naman nakita na niya yata ako kaya pumunta na siya dun sa pwesto ko.

Umupo siya sa kabilang swing. Awkward. Ang tahimik namin perehas and hindi ko gusto yung aura niya.. Parang ang bigat bigat ng problemang dinadala niya pero hindi niya masabi sakin. Parang may something akong nafi'feel na hindi ko gusto..

"Kamusta?.." tanong niya..

Nung narinig ko yung boses na.. Naiiyak na ako. Siguro kasi nasanay ako na lagi ko siyang kausap sa gabi. Kasama sa umaga. Yung parang nakasanayan ko na yung boses nya bago matulog at pag kagising.. Tapos ngayon yung nangyayare samin hindi ko na maintindihan..

 I just nodded.. Hindi ko kasi alam kung kaya ko pang magsalita. 

Yung ang dami dami mong gustong sabihin pero natatahimik ka na lang.. hindi ko alam kung san ako dapat magsimula..

"What happened to you? to us?" :(

"Sorry.. Alam kong naguguluhan ka ngayon..Hindi mo din maiintindihan pag sinabi ko sayo."

Hindi niya ako tinitignan.. Nakatingin lang siya sa malayo..

"Yun naman pala eh. Eh bakit hindi mo ipaintindi sakin?.."

"Gusto ko mang ipaintindi sayo kaya lang lalong mas gugulo ang sitwasyon.."

"Siya ba.." Medyo nanginginig pa yung boses ko nung sinabi ko yun..

Hindi niya ako inimik.. Iyak pa din ako ng iyak..

Tumayo siya.. tapos pumunta sa harapan ko.. Lumuhod..

"Aya.. Mahal na mahal kita alam mo yan.. Pero masyadong magulo ang mga bagay ngayon.."

Umiiyak na siya.. 

"Yun naman pala eh. Mahal mo ako? Pero bakit? Bakit tayo ganto ngayon?.."

"Kami na..  " 

Parang sinaksak yung puso ko nung narinig ko sila na. Masakit. 

"Anong kayo na? Tangina naman Jerome. Pinagloloko mo ba ako?.."

Hindi niya ako iniimik.. 

"Gagu ka.. Akala ko iba ka sa lahat. Akala ko mahal mo ako at handa mo akong ipaglaban.. Gagu ka! Bestfriend kita.. Alam ko alam mo kung gano kasakit.. Tangina.. Sabi mo hindi mo ko sasaktan.."

Ang sakit sakit. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa..

"Mahal kita. Pero kelangan niya ako.."

"Eh ako? Kailangan din kita.. Dumating lang siya pinatalo mo na lahat. Pinatalo mo na lahat satin! Ang sakit sakit.. Mahal na mahal kita. Pero gagu ka.. Magsama kayo.."

Tumayo na ako.. Hindi ko na talaga kaya.. ang bigat sa pakiramdam..

Kelangan niya ako.. 

Eh ako hindi ko ba siya kailangan.. Bestfriend ko siya! Tangina.. Sana hindi na lang niya ako shinota.

"Aya.. Wait.."

hinawakan niya yun kamay ko..

"Bigyan mo ako ng time.. Hindi ko alam kung anong manyayare sakin pag nawala ka pa.. Tiwala lang.."

FUCK! Tiwala.. Para san pa? Para pagsabayin na naman kami?

"Tiwala? Sa tingin mo meron pa ako nun ngayon sayo?.. Sana masaya ka.."

Tumakbo na ako papalayo.. Narinig ko naman siyang sumigaw..

"Pero sayo lang ako sasaya.."

Hindi ko na siya pinansin.. Tuluyan na akong lumayo. Ang labo naman pala niya eh.. Mahal niya ako tapos sila din ni Jay? Ano ba talaga ang totoo?..

Iniwan ko na sya dun nagtatatakbo na lang ako papalayo.. Pauwi.. Wala na akong pakielam kung sino mang makakita sakin..

Pag uwi ko ng bahay iyak na lang ako ng iyak..

Masakit kasi hindi lang Boyfriend ko ang nawala.. BESTFRIEND ko! Akala ko pa naman okay na kasi alam kong bestfriend ko siya. Alam ko hindi niya ako sasaktan pero hindi din.. Ganun at anun din pala.. Masasaktan at masasaktan lang din pala ako.. Kahit bestfriend ko siya..

Bestfriend ko siya pero niloko niya lang ako..

Hindi na siya tumawag o nagtext after nun.. 

Siguro nga kung mag Bestfriend kayo mag bestfriend na lang talaga..

** One year later..

Andito na ako sa ibang bansa. London particularly.  Dito na ako tumira kasama ng mga pinsan ko. Tinake namin yung isang big project na movie.. Siguro okay na din yun kesa nung nasa pilipinas ako.

Wala na akong balita kay Jerome hanggang ngayon.. Nag ppm siya sa facebook.. Pero hindi ko na siya pinapansin.. Ano na nga bang balita sakanya?..

Namimiss ko na din ang Bestfriend ko.. 

Hanggang sa muli...

Paalam Goodboy. 

I Fell In Love with My Best Friend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon