I Fell In Love with My Best Friend. Chapter 17.

1.1K 14 0
                                    

Chapter Seventeen. 

JEROME's POV.

Nakakainis. Winalkoutan ko nga siya. Magpapabili lang kelangan pang magpa'cute. Eh ang ganda ganda na nga niya. Kelangan pa kasing gumanun. Potcha naiinlove ako lalo sakanya pag ganun siya eh. 

Ang moody ko ba? Naiinis kasi ako. Alam niyo yung kahit anong galit ko sa ginawa niya hindi ko pa din magawang umiwas sakanya. Tapos palagi pa siyang nagpapa'cute. 

Ayan na pabalik na siya. Ahaha. Nakasimangot na naman siya.. 

"Nakakainis.. wala yung flavor na gusto ko.." Amp. akala ko naman kung bakit siya naiinis.. 

Hindi ko siya pinansin. Ang cute niya para siyang bata mainis. 

"Pupunta ka bukas?.." Pupunta nga ba ako? Tinatamad kasi ako eh.. 

"Hindi ko alam.." 

"Ano ba yan. Pupunta ka.. Pag ikaw nawala dun malilintikan ka sakin.." 

Humarap ako sakanya. Biglang lumungkot yung mukha niya..

"GoodBoy. Kelangan kita.. Alam mo naman pinagdadaanan ko diba?.." 

Sus. Kelangan kita pero mas pinili mo siya..  Nagkaka'lokohan na tayo dito eh..

"Eh kung kelangan mo ako. Bakit mas pinili mo siya?.."

"Kasi kelangan naming mag usap. Gusto kong marinig lahat ng dahilan niya. Ang tagal kong hinintay yun.. Yung pagkakataong magkausap ulit kami ng harapan.." 

Oo nga pala. Wala pa silang matinong closure. Pero pwede naman sila mag usap sa text, sa phone bakit kelangan solohin pa niya si Aya ko..

"Pero bakit kelangan tanggalin mo yung pagkakahawak ko sayo. tska pwede naman kayong mag usap sa harapan ko ah." 

"Hindi mo naiintindihan Goodboy.. may rason siya.. Nakikipagayos siya.. "

Sus.. gago pala siya eh. Kahit anong rason yun hindi sapat na iwan ka niya..

"Hindi din.. Bilisan mo pagkain mo.." kelangan ko siyang makausap. Hindi ito yung tamang lugar para mag usap kami..

"Eh... Oo na sige na.." Tinignan ko siya ng masama. Yun naman pala eh. Makukuha sa tinginan lang. 

Pagkatapos niyang kumain.. tumayo na kami. Kinuha ko yung bag ko. Mas nauna akong umalis sakanya.. 

Sinusundan lang niya ako kahit san ako magpunta. 

"San tayo pupunta Goodboy?" Nagtatanong siya pero hindi naman nangungulit. Yung parang gusto lang niyang malaman kung sa kami pupunta..

Umakyat kami dun sa Gym. Sa tabi nun may rooftop. Halos walang katao tao dun. Bihira. 

"Bakit tayo andito? Bakit walang tao.." Tanong siya ng tanong hindi ko siya sinasagot..  Bakit ko nga ba siya dinala dito? Anong sasabihin ko. Pota kinabahan tuloy ako bigla. 

I Fell In Love with My Best Friend.Where stories live. Discover now