I Fell In Love with My Best Friend. Chapter 1

10.5K 75 14
                                    

Prolouge. 

What lies behind us, and what lies before us are tiny matters compared to what lies within us. 
~ by Ralph Waldo Emerson ~

Love is happiness. 

Love is being with the one you love. 

being with the person who became your weakness and foundation of Strength. 





Who would think that here i am telling you my story of how.. 



I Fell in love with my BEST FRIEND.. 



CHAPTER ONE. 

"Hindi ko na kaya please. Magparamdam kana, mag usap na tayo. Suko na ako. Ang sakit sakit na. Kung ayaw mo na pwede mo namang sabihin eh. hindi yung pinag mumukha mo akong tanga sa nangyayari sakin. hindi ako manhid para hindi malamang we're falling apart"

Iyak na ako ng iyak. Halos hindi na ako mapakali at nanginginig na ako. habang nakikita ko ang mga pinsan kong nakatingin lang sakin. Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi Sakit. 

Summer ngayon dapat masaya ako dahil tapos na ang paghihirap ko. Graduate na ako ng High School. Pero bakit ang sakit. bakit feeling ko hindi ako masaya sa nangyayari..



Hi. Ako nga pala si AYA FERNANDEZ. 16 years old from Manila. Graduate ako ng High School sa isang Catholic School somewhere in Quezon City. Ayan nag ddrama ako kasi naman mawawala na ang source ng kaligayahan ko. 

**FLASHBACK**

Jan 11. 2011 pala ngayon. 1.11.11 Buti na lang wala kaming pasok ngayon. tapos Goodvibes ka katext ko si Addland. :)) hays yung feeling na petiks ka lang sa bahay. kaso ano bang ginagawa ko may test pa kami bukas hindi pa ako nag aaral. 

-- Addland Calling.. 

hala tumatawag siya shit. Ano ba yan kinikilig na naman ako maririnig ko na naman boses niya. 

"hello kumain ka na ba ng Lunch mo?" Hala ano ba yan kelangan ba talagang tumawag pa para lang tanungin kung nakapag lunch na ako :"> 

"Yap. Tapos na po. Ikaw po?" Syempre, pa'cute effect ako. 

"Kakain na. Nasa School pa ako ngayon eh. Walang teacher na'miss lang kita" Ano kaba wag ka ngang ganyan kinikilig naman ako. 

"Wow, eh magkatext naman tayo ah" Oo ako din miss na kita. 

"Kelan ka kaya mapapasakin? Alam mo bawat araw na dumadaan lalo na yata kitang minamahal" Hala ano bang pinag sasabi nito wag syang ganyan baka mapa'oo ako ng wala sa oras.

"Hey,Aya andyan ka pa ba? Baka tinulugan mo na ako. Tinatanong kita kung kelan ka kaya mapapa'sakin" Yung boses nya ang soft. tapos napaka'calm.

"Huh? Uhmmm. Ngayon. gusto mo?"

"Seryoso ka? Baka napilitan ka. Alam mo namang gustong gusto ko"

"Hindi ah. Okay lang sakin alam mo namang You're special to me right? And besides there's nothing wrong with you owning me" 

"Naks naman. Osge sge. from now on. 1.11.11 YOU'RE OFFICIALLY MINE. only MINE. I love you Babe" Ano ba yun may Babe pa talaga kinikilig tuloy ako.

"Yes. HON. I loveyou more." Shit. Tama ba to? Sinagot ko na siya? Eh halos wala ngang ligawan na nangyare eh. Okay lang i have no doubts mahal ko na naman siya eh. 

"Hon. Sleep na muna ako ah. Be Good. I'll see you soon. I love you babe" Inaantok na kasi talaga ako eh. 

"Sure Babe. Text mo ako pag kagising mo" Call ended na. Binaba ko na. Baka kasi mapahaba pa kiligin lang ako lalo. wait pwede kiligin? WAAAAAAAAAAAAAAH. He's MINE. All MINE. 

Siya nga pala si ADDLAND VILLANUEVA. 16 yrs old. Originally he's from Manila. Kaya lang nagloko siya sa studies nya kaya nilipat siya ng Malabon. Pogi siya. Matangkad. Maputi. Artistahin ang dating. At ngayon Boyfriend ko na siya. Ano ba yan. Kaya lang 2 weeks pa lang kami nagkaka'kilala. Hindi pa kami nagkikita ng personal pero magaan loob ko sakanya. Sobrang Sweet & Caring niya kasi. Hindi naman ganun kalayo ang malabon sa manila eh. 

I Fell In Love with My Best Friend.Where stories live. Discover now