I Fell In Love with My Best Friend. Chapter 4.

1.7K 18 0
                                    

Chapter Four. 

AYA's POV

Ang galing galing naman classmate ko tong si Jerome. Lunch Break na. Gutom na gutom na ako. Sana naman ilibre ako nito.  

"GoodBoy, tara kain na tayo"

"Huh? Sige mauna kana magdo'Dota na lang ako.

Amp naman. Uunahin pa yung Dota na yan kesa sa sikmura niya.  

"Ano kaba kumain kana nga muna.." 

tumayo siya bigla. Kinuha niya yung bag niya tapos nagmamadaling lumakad. Ano ba yan hindi man lang muna ako ihatid sa canteen para makakain ako. Napaka'gentleman naman nitong besfriend ko hindi naman siya ganyan sa chat. Snob pala to sa totoong buhay. Amp. >.<

"Pretty girl.." Ako ba yun? Ahahah. Joke. kapal ko talaga. Bakit pretty naman ako ah.

Tapos may lumapit sakin na limang babae. Cute sila. dalawa sakanila mukhang matalino yung tipong focus sa pag aaral tapos yung tatlo naman kikay. Maganda pumorma, magkakasundo kami nito. Sana *cross fingers*

"Hello.." Lumapit sakin yung isang girl na naka'glasses. Ang ganda niya ang amo ng mukha niya.

"I'm Charlene. You can call me Char. Sila nga pala si Yanna. April. Dine. Jaimie." tinuro niya isa isa yung mga kasama niya. Nag smile sila sakin. Syempre Smile back naman ako hindi naman kasi ako snob eh. 

Yanna: "Girls, why don't we invite to come with us"

Dine: "Tamaaa, tutal nag iisa lang naman siya ngayon eh."

Char: "Aya, is it okay with you to join us?" 

Ako: "Oo naman, Sure. Wala pa din kasi akong friends dito eh."

Jaimie: "Kami, from now on. FRIENDS na tayo"

Wow. Thankyou girls. Ang saya naman first day of school pa lang may new friends na ako. Naglakad na kami papuntang canteen malaki yung canteen. May stall din ng iba't ibang pagkain. Lalo tuloy akong nagutom. Nag iikot ikot kami tapos may nadaan kaming parang mini resto na color pink. tapos ang tinda pa puro sweeets & pastas. My favorite. Dun ko na lang silang niyayang kumain. Pumayag naman sila. 

Halos puro girls ang andun, syempre hindi naman type ng mga lalaki ang pink eh. Ganda kaya. dun kami sa may couch umupo. Nauna na ako umorder gutom na gutom na ako eh.

"Goodmorning miss. What's your order?" 

"Uhmmm. One carbonara, then moccha frappe" Favorite ko kasi yang dalawa na yan. 

Tapos inayos na niya yung order ko. Bumalik na ako dun sa inuupuan namin.

"Aya, napansin mo ba yung mga girls na yun. parang ang sama ng tingin nila sayo."

Hala, first day of school pa lang may haters na agad ako. Ano kayang ginawa ko sa mga to, hindi ko nga sila kilala eh. Teka, familiar yung mukha nila sakin. Classmate ko sila. Sila yung mga mukhang meanie girls sa room. Yung nasa harapan na palaging may hawak na salamin.

Yanna: "Ano ginawa mo sa mga yun?"

Ako: "Hala. I don't know. First day pa lang. and i don't even know them"

Dine: "for sure, inggit lang yan kasi close ka dun kay Mr. Pogi"

tinignan ako ni dine tapos nag smile siya and peace sign. ^__^V. Nako, i'issue daw ba ako. tapos dumating na yung iba pa. gitna ako nila Yanna and Char. tapos sa kabilang side naman sila April. Dine. Jaimie. 

April-Dine-Jaimie

Yanna-Ako-Char,

Char: "Ang galing, close agad kayo nung pogi na yun."

Ako: "Kasi po matagal ko na siyang kilala. We're kinda like bestfriends. pero sa chat lang."

Jaimie: "Kaya pala ganun na lang yun reaction niya kanina nung nakita ka"

Dine: "infairness, Girl bagay kayo. Pretty mo. Gwapo niya"

tapos nag tawanan na lang kami. Ayun kumain ng kumain then nag'ayos. Paganda onti. Election of officers daw mamaya eh. Ito ang mahirap sa late eh. Late din sa balita. Naglakad ng kami papunta sa room namin. Ang daming tao sa hallway. Medyo maingay din.

Pagkapasok namin sa pinto. Wow. andun na si Jerome. Amp naka'simangot na naman siguro talo to sa laro niya. 

Nag kwentuhan muna kami nung mga friends ko, wala pa naman kasi yung prof namin. Tanungan lang ng mga basic info. palitan ng numbers. tapos tawanan. Oo tawa kami ng tawa. Tapos dumating na yung mga meanie, grabe ang pupula nung mukha nila.

"Nauntog yata yung pisngi at lips nila kaya ganyan ka pula" Sabi ni Dine. Nagtawanan kami dun. Si Dine kasi yung pinaka madaldal samin. Small but terrible siya. Maharot din. tapos nakita ko yung mga meanie nagpapa'cute kay Jerome. Naka'smile pa sila. halatang kinikilig. tapos tumingin sa side namin yung isang girl. Aba umirap. Amp. 

"Grabe naman yun. Feeling much." bumulong sakin si Yanna. 

"Hayaan niyo na. Won't stoop down to their level." binulong ko sakanila tapos tumayo na ako papunta sa upuan ko. kawawa naman kasi yung bestfriend ko eh.

"Hoy. GoodBoy. Kumain ka na ba?" Nilapit ko yung upuan ko sakanya. nag nod lang siya. Kainis naman to kausap.

tapos dumating na yung prof namin. Sinabi niya start na daw nung election of officers. Wala naman akong care diyan sa officers na yan eh. Dadami lang lalo yung gagawin ko. Nakakatamad kaya. :) Yap tamad po ako. Minsan lang naman. So meron ng President. Vice. Secretary. Treasurer. Kumpleto na yata. Malay ko ba nag susulat kasi ako ng mga igo'grocery ko tomorrow eh.

Binilan kasi ako ng isang bahay ng mom & dad ko sa isang village. Dun daw ako para daw matuto ako maging independent. Okay na din yun, gusto ko din kasi yung may sarili akong space. Maganda yung bahay. & village. malalaki yung mga bahay dun.

"I would like to nominate Ms. Aya Fernandez in the position of the muse" Wow may muse pa pala kahit sa College. Ayy wait, Aya Fernandez daw. Ako yun ah. 

"Halaaaaaaaaaa. O.O" napa'sigaw ako ng malakas. 

"Ang ingay mo naman" narinig ko bumulong si Jerome. Amp. Bad boy talaga to.

Kalaban ko pa sa position yung nag'taray na girl sakin kanina. Ano ba yan. So ang name pala nya is Angelica Miranda. 

"Who's in favor of Ms. Miranda?" sabi nung prof namin. may mga nag vote sakanya yung set of girls nya mga 8 yata. 

"Who's in favor of Ms.Fernandez?" Nagtaasan yung mga hindi nag vote kay Angelica. Wow. Thanks. Majority of my classmate vote for me :"> Yieee. then ako yung nanalo. Sinulat yung name ko sa board. 

Tapos sabi nung prof namin. Time na daw. Syempre daw pag may muse may escort daw. tinanong niya kung sino gusto mag escort. Halos lahat ng boys nag tataas ng kamay. except dito sa katabi ko. Bwisit talaga to hindi man lang ako suportahan.

"Eh kung si Mr. Carter na lang kaya Ma'am. Pogi naman siya eh. Bagay sila ni Aya" Si Dine yun ah. Aish. tong bubwit na talaga to. Lagot sakin to mamaya. 

"Sge sge, Okay na yun ah. I guess majority of you is agree with that. Class dismiss"

Dismissed na yung class so ang officer ng BSHM1A, 

Pres: Yanna Del Mundo (as expected. talino kasi nito eh)

Vice: Jaimie Navarro. (tama. tandem sila ni yanna parehas matalino)

Secretary: Sheena Javier. (isa sa mga meanie)

treasurer: Prince Castro

Muse: Aya Fernandez (^___________^)

Escort: Jerome Carter. 

I Fell In Love with My Best Friend.Where stories live. Discover now