I Fell In Love with My Best Friend. Chapter 15.

1K 12 0
                                    

Chapter 15. 

AYA's POV.

Andito na ako sa school. Maaga ako pumasok ngayon. Na kwento ko na sa mga pinsan ko yung nangyare kagabi. Naintindihan naman nila eh. Hindi daw nila ako masisisi kung nagawa kong mag walk out. Alam naman nilang nahihirapan ako eh.

Dumating na si Addland sa room syempre kasama niya si Christine. Nakatingin sakin si Addland pag pasok niya. Umiwas na lang ako ng tingin hindi ko siya pwedeng titigan kasama niya si Christine ang awkward na kasi simula nung nakapag usap kami kahapon.

Wala pa din si Jerome. Late kaya siya. Hindi pa din niya kasi ako tinetext simula kahapon. Oo nga pala may kasalanan pa ako sakanya.. 

Naunang dumating yung prof namin. Late na naman nga yun. Oo nga pala bukas na yung Ek namin. Hindi pa din kami nagkakaayos siya pa naman yung partner ko dun.

Nakatingin lang ako sa bintana. Wala si Jerome sa tabi ko nakakapanibago.. 

"GoodMorning Mr.Carter late ka na naman.."  

"Sorry."

Mr.Carter si Jerome dumating na. Aish. Parang kinakabahan ako ngayon. 

Kasi naman pag pasok pa lang niya ng pinto nakasimangot na siya. Parang bad mood na naman. Ano kayang nang yare sakanya? 

Habang papalapit sya mas pabilis ng pabilis yung tibok ng puso ko. Eh bakit ba kasi ako kinakabahan. Pwede naman akong mag sorry eh.

Nag smile ako sakanya bago siya umupo. Tumingin siya pero hindi man lang niya ako pinansin. Hindi man lang siya nag smile back. Bakit ba ang moody nito.

"Meron akong importanteng Announcement." 

May Announcement daw yung prof namin. Siguro yung tungkol sa Ek yun.

"Na re-sched yung Ek niyo sa Wed. Kasi Sa Tuesday night birthday ni Pres. Perez (yung may ari nung school) So magkakaroon tayo ng celebration sa umaga then Open Mic party sa gabi."

Aww. Sayang naman excited pa naman ako mag Ek. Kainis. May Open Mic party daw. Pupunta ba ako? Eh may naka Sched ako na photoshoot nun eh.

Bahala na nga.

Tahimik pa din si Jerome naka tingin lang siya sa bintana. Ano ba yan wala akong makausap.

"Goodboy.. pupunta ka sa Open Mic Party?" 

Hindi siya sumagot. Tinignan niya ako pero umiwas din agad siya ng tingin. Galit nga siya sakin. Eh Sorry na nga kasi eh.

"Ui sorry na.." Hindi pa din niya ako tinitignan..

Nakakainis naman. Bakit ba kasi ayaw niya akong pansinin.. 

"SORRY NA NGA KASI.." Napatingin lahat ng classmate namin samin. Pati prof namin napatigil sa pag sasalita. 

"You two.. (pointing on me & jerome) Get out of my class kung magsisigawan lang kayo."

Aish. Ano ba yan pinapalabas pa kami ng room. Sa monday na exam namin. hindi pa ako nakaka'attend ng review. Bwisit naman kelangan ba agad agad na papalabasin hindi ba pwedeng second chance.

"AMP. t*ng.." Kinuha ni Jerome yung bag niya tapos nagmamadaling lumabas. 

Hala mas lalo yata siyang nagalit sakin. 

Nakatingin sakin yung mga pinsan ko. Lahat sila nagtataka parang gulat na ewan. Kinuha ko na din yung bag ko tapos lumabas na ako ng room. Eh bakit ba sabi niya labas eh. Edi okay.

Nakita ko si Jerome. Umiinom dun sa Drinking Fountain. Tumakbo ako papalapit sakanya..

"Ano bang problema mo?.." Humarap siya sakin. Galit. 

"IKAW ang problema ko. Ng dahil dyan sa kaingayan mo pinalabas tuloy tayo.."

"EH AYAW MO KASI AKONG PANSININ EH."

Ako pa pala may kasalanan ngayon. Eh kung pinapansin mo ako diba?

"Pwede ba Wag kang sumigaw ng dahil dyang sa kaingayan mo kaya ako napapahamak eh" 

Ah so ganun. Badtrip naman to. Eh alam kong may mali ako. Pero sana wag naman niya akong iwasan.

"Eh kung hindi mo ako iniiwasan, kung kinakausap mo ako hindi kita sisigawan.."

Hinawakan ko yung kamay niya.. habang sinasabi ko yun.. kaya lang tinanggal niya yung kamay ko..

"Anak ng.. Ano bang problema mo? Bakit ba ang kulit kulit mo.."

"Ikaw! Bakit mo kasi ako iniiwasan.. bakit ka ba galit?" 

Naglakad na siya.. sinusundan ko lang siya maglakad.. 

"Ui.."

"Ui.."

"GOODBOY!"

dire'diretso pa din siya sa paglalakad. Ang angas niya maglakad. Grabe. Nakatingin sakanya lahat ng mga babaeng nadadaanan namin..

"HINDI AKO TITIGIL HANGGAT HINDI KA HUMAHARAP AT HINDI MO SINASABI SAKIN PROBLEMA MO" 

Napatigil siya.. Napa hinto din tuloy ako sa paglalakad.

Pag harap niya. O.O Sheemz. Galit na galit yung itsura niya. 

Hinawakan niya yung shoulders ko. Sobrang higpit. Yung both hands niya nasa magkabilang shoulders ko. Basta nanggigigil siya.. yung gigil na may halong galit. ang sakit kaya..

Nakatingin ako sa mata niya. Shock ako as in yung mukha nya ngayon galit. First time ko siyang makitang magkaganto.

"GUSTO MO MALAMAN PROBLEMA KO. IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO. KAYA TANTANAN MO NA AKO" Binitawan niya ako sabay takbo siya papalayo.

Hindi ko na siya nahabol. Hindi ako nakapag salita. Nakatayo ako sa gitna ng Hallway with the face like this O.O Ako. Anong meaning niya ng Ako? 

Naglakad lakad ako.. Anong meaning niya ng Ako? Bakit Ako? Curious pa din talaga ako. Bakit Ako?

*PAK*

Aray naman may nabangga pa ako.. 

"BATA/KAPRE" Timing talaga to eh no. Si Henrick palagi siyang sumusulpot pag malungkot ako. 

"Bata ka talaga. Hindi ka marunong mag ingat sa dinadaanan mo.."

Aish. Bata na naman. Andiyan nga siya wala naman siyang ginawa kung di asarin ako.

"Kapre ka kasi ang laki laki mong tao.." 

Nag smile lang siya. Ayy pogi din pala tong ungas na to. Pero mas pogi si Jerome sakanya. 

WAAAAAAH. Ano ba tong sinasabi ko.. 

"Bakit ba hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo?."

"Ahh.. Wala. Bothered lang."

"Kanino?"

Wow. Kanino agad ah. Pwede namang tungkol saan. Sabagay kanino nga naman..

"Boyfriend mo?.."

Huh? Ano daw. Boyfriend eh wala nga ako nun eh..

"Wala akong boyfriend.."

"Yun!.."

Napatingin ako sakanya. Anong Yun yung pinag sasabi niya.

^__^ Aba nag pa cute pa ang loko. 

Sa kakalakad namin dito kami napadpad sa Canteen..

 tumingin siya sakin.. "Kumain ka na ba?.." 

"Hindi pa nga eh. Ikaw?"

"HIndi pa din. Tara kain tayo. My Treat."

Wow galante talaga to. Eh pero kasabay ko ang Gals kumain ngayon eh. Pero sayang to sige go. tetext ko na lang sila.

To: Dine.

Dear. Andito ako sa Canteen. paki sabi na lang sa GALS. :] I'll wait you here.. 

Message sent. 

I Fell In Love with My Best Friend.Where stories live. Discover now