I Fell In Love with My Best Friend. Chapter 27.

989 11 0
                                    

Chapter Twenty Seven.

AYA's POV.

**Fastforward.. 

Two weeks na din after maging kami ni Jerome. Okay naman lahat. Hatid sundo niya ako. Nagtatalo minsan pero sa mga simpleng bagay lang kung sino pipili kung saan kakain. Kung san pupunta. Kung ano papanuorin. Yung mga simpleng bagay lang naman.

Uuwi na din ang mga cousins ko from States. Yey! For sure madami na namang chocolates yan.

May pinuntahan si Jerome ngayon kaya ang kasama kong mag sundo si Manong. 

Andito na ako sa Airport. Naghihintay sakanila. 

 *BLAG*

Nagkabunguan kami. 

"Awww.." Ano ba yan. Hindi naman marunong mag ingat to. Nakakainis. 

"Sorry Miss." Wow. Ang cute nung boses niya.

Pag tingin ko sakanya. O.o sheeez. Ang pogi niya. Well matangkad. Maputi pero mas maputi si jerome. Tapos medyo Long hair. Pero POGI talaga siya. Ang lakas ng dating para siyang Artista. Feel ko artista siya eh. 

"It's Okay."

Nag smile siya. Geez Aya may Boyfriend ka. 

Nakita ko na sa monitor yung mga cousin ko. Eh bakit ang pretty nila? Feel ko kakatapos lang ng photoshoot ng mga to eh. Namimiss ko na tuloy yung akin. Makapag'photoshoot nga din ulit.

Magkatabi kami ni Pogi. Ano kaya pangalan nito. Ang tangkad niya grabe. 

"Ayaaaaaaaaaaa!" Nako ayan na sila. Nagtatatakbo na yung mga pinsan ko. parang mga hindi babae. 

"Grabe artista ba sila..."

"Ang ganda nila.."

"Ano ka ba baka artista yang mga yan.."

"Chikabebes mga pare.." 

Ayos tong mga ibang naghihintay eh. Sabi na nga ba eh. My cousins got the Attention naman sa Ganda nilang yun.

Hinug na nila ako. Namiss ko sila.

Pola: "Ang dami naming pasalubong sayo.."

Agatha: "Pinag'shopping ka namin ni Tita dun sa States. Tska may binigay sila na pera."

Lorshey: "You're so lucky. Miss ka na daw ni tita.."

Janey: "Where's your Boyfie?" 

Teka lang bakit parang kulang sila. Wala si Ate Eljhey..

*WAAAAAAAAAH!"

"Andiyan na sila..."

"Perfect 5 is here!"

Grabe mag sitilian yung mga babae. Mukhang sikat nga. Teka bakit andun si Ate Jhey?

Agatha: "Ah sila nga pala ang Perfect 5."

Ako: "Ano meron sakanila?"

Pola: "Naka'trabaho namin sila. Alam ko may project & indorcement sila dito. Tska magkakaron tayo ng Photoshoot kasama sila. Icocover yata sa magazine. Hindi ko alam e. Si Ate Jhey nakaka'alam. Pure Pinoy sila pero laki sa States."

Lorshey: "Oo nga pala yung iba dyan.. Boyfriend na nila.."

Ako: "OHEHM? Bakit hindi niyo sinasabi?..."

Agatha: "Balak ka kasi namin i surprise."

Ako: "Well. Im surprised. Hindi niyo man lang binanggit sakin.."

I Fell In Love with My Best Friend.Onde as histórias ganham vida. Descobre agora