I Fell In Love with My Best Friend. Chapter 25.

991 16 0
                                    

Chapter Twenty Five.

ADDLAND's POV.

Nakita ko sila Jerome and Aya naglalakad. 

Magka'Holding hands sila. Ang alam ko mag'Bestfriend sila, pero kelan pa nagho'holding hands ang mag Bestfriend? 

Masakit. Kasi naka'ngiti si Aya. Ako dapat yun eh. Ako dapat yung may hawak sa kamay niya. Ako dapat yung nagpapangiti sakanya. Panandaliang tumigil yung mundo ko. 

Naalala ko yung mga oras na ako yung nagbibigay nung ganyang ngiti sa mukha niya. Yung ako yung may hawak nung malambot niyang kamay. Bakit ang sakit. Ako naman yung pumili nito diba? Hindi ko siya pinaglaban. Hindi ko nilaban ang babaeng pinaka mamahal ko. 

Lalapitan ko na sana sila..

"Tara na Babe.." Ano daw Babe? So sila na nga talaga :(  Babe na ang tawag niya kay Jerome.

Ano Jerome masaya ka na ba? Na sayo na siya. Nasayo na ang pinaka'importanteng tao sa buhay ko. 

Wala na huli na ata ang lahat para samin. 

Aya handa naman akong magbago ulit eh. Handa akong gawin ang lahat para mabalik ang dating tayo pero bakit siya? Bakit si Jerome na? 

Lumakad na sila papa'layo. Dinaanan nila ako. Nakatingin lang ako sakanya. Aya please. Look Back. Kahit isang sulyap lang.

Hindi siya lumingon. Siguro hindi na niya talaga ako mahal. Nakahanap na siya ng taong magpapaligaya sakanya. Sorry Aya :(

"Addland wag mo naman pakita sa harapan kong nasasaktan ka.." Narinig kong sinabi ni Christine yun. 

Nasa likod ko kasi siya. Naka'tayo. Naiinis ako sakanya. Balak pa niyang saktan si Aya ko. Ay hindi na nga pala siya sakin. Ang sakit sakit naman. 

"Wag mo kong paki'elamanan."

Ayukong makipag talo sakanya. Masyado akong nasasaktan sa nakita ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. 

Sa totoo lang ayuko din namang saktan si Tine eh. Kaya lang hindi ko talaga siya kayang mahalin katulad nang pagmamahal ko kay Aya. Ibang klaseng babae si Aya. Kung hindi lang na'ngailangan ng tulong yung kumpanya ni Papa hindi ako siguro nakatali dito kay Tine. Sana na kay Aya pa ako. 

"Addland please.. Wag mo namang ipa'mukha sakin na hindi mo ko kayang mahalin." 

Hindi ko siya pinapansin.. Naglakad lakad lang ako.. 

Sumakay kami ng wheel of fate.. 

"Addland please.. Kausapin mo naman ako.."

"Sorry tine. Pero.. Siya pa din kasi talaga ang mahal ko.." Napansin kong tumingin siya papa'layo. Kaya yumuko na lang ako. Hindi ko sinasadyang masaktan siya. Akala ko matututunan ko siyang mahalin. Pero nung nakita ko ulit si Aya nagbago na naman lahat. 

"Alam ko naman yun Add eh. Alam kong hindi ko siya kayang palitan diyan sa puso mo. pero sana naman. Bigyan mo ng pagkakataon yung nagmamahal sayo. Ako!"

Napa'tingin ako sakanya. Ang seryoso ng mukha ni Tine, Naiiyak na din siya. First time ko syang makitang magkaganto. Ano ba yan.. Lahat na lang ng babaeng nagmamahal sakin nasasaktan ko..

"Addland hindi naman mahirap mag move on eh. Hindi mahirap mahalin ako. Nagagawa mo na dati eh. Ayaw mo lang talaga. Ayaw mo kasi hanggang ngayon umaasa ka pa din. Addland ikaw ang may ayaw turuan ang puso mo. Ayaw mong tanggapin ang pagkatalo mo.."

Hindi ako makapag salita. Siguro nga tama si Tine. Hindi ko lang tanggap yung pagkakamali ko.

"Addland sana kahit minsan. Kahit minsan makita mo din ako. Makita mong andito ako para sayo. Kahit gaano katagal titiisin ko. Mahalin mo lang din ako. Hindi kita minamadali. Tutulungan kitang maka move on. Hayaan mo ako naman ang magpaligaya sayo."

"Nung nakilala kita. Sinabi kong ikaw na talaga.. Kaya pinilit ko si Daddy na makuha ka. Sorry alam kong ang selfish pero ganun kita kamahal.."

Umiiyak si Tine. Hindi ko sinasadyang saktan siya. Ganun pala niya ako ka'mahal. Ang tanga ko. Tinabihan ko siya tapos niyakap ko.

"Susubukan ko.. Hindi ako nangangako.." 

I Fell In Love with My Best Friend.Where stories live. Discover now