I Fell In Love with My Best Friend. Chapter 16.

1.1K 12 0
                                    

Chapter Sixteen. 

JEROME's POV.

Ang manhid manhid niya talaga. Nagtatanong pa siya kung ano bang problema ko. Bakit gaano na ba katagal yung kahapon?. Kahapon lang naman nangyare yun ah tapos hindi niya maalala nakakainis talaga. 

Pinalabas pa tuloy kami ng dahil sa kaingayan. Hay nako naman. Hindi na ako nakapag review class ng dahil sakanya. Bahala na nga. 

Naglakad lakad ako. Aba sabi na nga ba dito ako dadalhin ng paa ko eh. San pa ba edi sa Computer Shop.

Sila Vincent yun ah. Yung nakalaro namin ni Aya ng Dota nung isang araw.

Lumapit sila sakin. Buti na lang andito tong mga to. May makakalaro ako. Yung Dota Buddies ko kasi ayun nagrereview. Badtrip pa din talaga pag naaalala ko.

"Dre.. nagiisa ka yata. Tara Dota?.." Niyaya ako ni Von mag dota. Siya yung pinaka makulit sakanila eh.

Teka bakit parang kulang sila. Wala yung isa. Yung matangkad. Ano nga ba ulit pangalan nun.

"Nagtataka ka no? Kasi kulang kami ng isa.." 

Nag nod na lang ako. Iniisip ko pa din kasi yung pangalan niya eh.

"Wala si Henrick ngayon. Sabi niya may gagawin daw siya. Ewan namin dun.." Yun yun nga si Henrick. Yung matangkad. Teka, matangkad din kaya ako. Pogi pa.

"Kaya kami puro Dota kasi sabi namin no time for girls muna. Kami kami palaging magkakasama. Walang iwanan. Walang session ng dota na may kulang samin.." sabi ni Richard.

Aba nag drama pa tong mga ungas na to sakin. Wala pa kasing bakanteng computer kaya nag pa reserve muna kami. Kaya ayun nagku'kwentuhan lang kami.

"Last nagka ganyan si Henrick nung nagka'Gf siya. Hindi talaga siya nagdodota nun. Tapos nung nag break sila. Araw araw halos hindi na siya umaalis sa harapan ng computer kaka'dota."

Grabe naman kaadikan nun. Broken hearted naman pala kaya ganun eh. 

"Feel namin may bago na namang natitipuhan yun eh. Kasi nagkakaganyan lang yan pag may popormahan yan.."

Grabe ikwento daw ba sakin yung mga yun. Pakielam ko naman dun. Sabagay, kung lalaki ka tapos may nililigawan ka kelangan mo ngang magtipid. Buti pa ako mayaman. Yun oh. Yabang ko talaga. 

nagdota na kami. Panandalian nawala yung inis ko. Eh bakit ba. Syempre kasi nagdodota ako kelangan focus sa laro. Pero amp naman to si Aya. Ni isang text wala. Kabwisit talaga yung bubwit na yun. 

Hindi ko pa din kasi makalimutan yung pag pili niya kay Addland kesa sakin eh. 

Amp. Napatay ako. >.< Hindi kasi ako makapag concentrate sa laro eh. Imba kayang kaya ko to eh. Kung wala lang sa isip ko si Aya. Ay wala na pala siya dun kasi nasa Puso ko na siya. Yun yun eh. Cheesy ko na. Amp. 

(Busy. Nagdodota)

>>Fast Forward: Monday. 

Wala naman kasing nang yareng iba eh. Hindi man lang nag text sakin si Aya. Hinihintay ko lang naman yung mag sorry siya eh. Yung sincere talaga pero mukhang hindi mangyayare yun. Mukhang busy kasi siya eh. Baka nag review.

Andito na ako sa school. Maaga ako pumasok. Prelims na namin ngayon. Sa Wed na yung Ek namin.  Hindi pa ako dumeretso sa room. Nagaantay ako dito sa hallway. 

Grabe ang daming nakatingin sakin. Problema nitong mga to? 

"Grabe ang pogi niya.." 

"Single pa daw siya sabi nung friend ko na ka'classmate niya.."

I Fell In Love with My Best Friend.Where stories live. Discover now