Chapter 53:

2.3K 29 13
                                    

Grabe di ko parin maisip na tutulungan ni Harold s Michelle na makapasok sa ospital na yun... Di tuloy ako mapakali -____-

"uy... di ka parin ba mag-aayos? papasok na tayo ah?"

nagulat ako nang nasa likuran ko na pala sya, tinutukoy nya ay yung trabaho namin sa taniman

"parang.. parang ayoko ng pumasok -__-" latang lata kong sagot sa kanya at tumayo sya sa harap ko at inobserbahan ako ng tingin >.<

"osige... ako nalang papasok" sagot nya sakin at tinuloy ang pagsusuot ng belt

"Harold naman!" >.<

napatingin sya sakin ng parang sinaway ko sya

"huh?"

"ano.... babalik ba tayo ng Manila?" tanong ko sa kanya na  bakas sakin yung pag-aalala ko -___-

"oo naman" agad nyang sagot sakin na parang normal parin kaming nag-uusap

"e kelan pa?" tanong ko pa

"hinihintay lang kita magdesisyon kung kelan mo gustong bumalik e, baka naman kasi kapag inaya kita sabihin mo pang napilitan ka" sagot nya sakin at naglakad papuntang salamin para tignan ang ayos nya

"e pagbumalik ba tayo ng Manila kasabay na natin si Michelle?"

napatingin sya sakin sa tanong ko tas lumapit para tumayo nanaman sa harap ko.. tumingin sya sa kaliwa na parang nag-isip ng kaunti at tumingin ulit sakin

"hindi pa... isasubmit ko muna yung papers nya sa ospital tapos kocontakin ko nalang sya kapag matatanggap na sya" sagot nya sakin

"sa ospital ba mismo na pagtatrabahuhan mo?" tanong ko sa kanya

"oo..... san pa ba?" natawa pa syang sumagot sakin habang ako seryosong seryoso at magsasalubong na ang kilay -__-

"oxa di ka ba papasok talaga?? Ako papasok ako kaylangan natin ng pera.. ano?" tanong nya sakin at ang tagal kong sumagot sa pag-iisip >.<

"gusto ko ng bumalik ng Manila" sagot ko sa kanya at naging seryoso pero may gulat ang tingin nya sakin

"bakit biglang gusto mo ng bumalik ng Manila?" tanong nya pa sakin

"tutal naman ayos na tayo e.. gusto kong ituloy mo na yung pagdodoctor mo, tsaka para maging normal na rin buhay natin" sagot ko sa kanya tapos lumapit ulit sya kaya bahagya ko syang tiningala para sundan ang tingin nya

"osige.. pero siguro bukas o sa susunod na araw pa tayo makakaalis dito.. nakakahiya naman sa mga kakilala natin dito, baka sabihin nagkaayos lang tayo biglang aalis nanaman tayo. okay lang?" tanong nya sakin at tumaas pa ang kilay na parang sya pa ang nagaapprove sa sinabi nya at huminga nalang ako ng malalim at tumango sa gusto nya

"teka.. e kung papasok ka dito sino makakasama ko.. baka pwedeng magabsent ka muna?? di pa nga ako nakakapamasyal dito e" sabi ko sa kanya tapos nangiti sya na parang may pang-aasar...

"bukas" sagot nya -_______-

"ano ka ba! ngayon ako nag-aaya tapos bubukas ka!" sagot ko sa kanya with pilit pa sa braso nya

"e kaylangan kong pumasok.. di na nga tayo sumali kahapon sa laro tapos aabsent pa tayo ngayon" sagot nya sakin

"ade papasok nalang rin ako!" sagot ko sa kanya

Pagkarating namin ng magkaholding hands sa kubo ay di naman kami pinagtinginan.. nagkatinginan lang kami ni Michelle na may kakwentuhang iba tapos ngumiti sya sakin at ngumiti rin ako pero kasabay nun ay yung pagkapit pa sa braso ni Harold at pinatong ko pa ang ulo ko. maasar lang ba na hello? akin na ulet to? pwede sanang ngayong araw wala kang presensya sa katawan ng Harold ko? HAHAHAHAHAHA

UnconditionalWhere stories live. Discover now