Chapter 7:

4.5K 48 16
                                    

Tinatamad akong magPOV..xD kaya ito nalang :))

-------------------------

Hindi mapakali sa loob ng bus si Harold... kulang na lang ay mauna na ang kaluluwa nyang puntahan si Lydia sa kung saan man sya naroon

Nasan na kaya si Lydia

Pag-aalalang sabi ni Harold sa sarili. Kinuha nya ang phone nya para tawagan si Lydia

"The subscriber cannot be reach, please try again later" 

"grabe Lydia nasan ka na ba!!!" halos gigil na gigil si Harold., napatingin sa kanya ang katabi sa bus at napayuko lang sya sa hiya

Halos apat na oras ang binyahe ni Harold, sobrang lakas kasi ng ulan at talagang siksikan sa kalsada

"oh hanggang dito nalang po yung bus! di na kaya doon dahil palalim na ang baha.. o bumaba na po lahat" sigaw ng kondoktor at agad namang bumaba si Harold

tinignan nya ang paligid, halos hindi nya alam kung saan sisimulan ang paghahanap, naghahalos kaba at takot ang nararamdaman nya ngayon

nilapitan ni Harold ang isang babae

"Miss excuse me, nakita nyo po ba ang babaeng to?" tanong ni harold sabay pakita ng picture ni Lydia mula sa cellphone nya.. halos hanggang tuhod na ang baha.. at habang papalayo sya ng papalayo ay umaabot hanggang bewang ang baha

Halos nanginginig na ang mga kamay ni Lydia na nakakapit sa poste, hanggang bewang na ang baha at talagang kaylangan nyang higpitan ang kapit nya dahil matatangay sya

umiiyak na si Lydia sa takot, at halos puting puti na ang labi nya sa sobrang lamig, nasira na rin ang payong nya na tinangay na ng baha, at ang tanging meron nalang sya ay ang basang jacket at backpack nya.

Maya maya pa ay natanaw nya ang isang pamilyar na lalake, halos nanlaki ang mga mata ni Lydia ng makita si Harold sa di kalayuan, basang basa ito at nakauniform pa..

"HAROOLD!!!!!! HARROOOLDD!!!!" sigaw ni Lydia habang mahigpit paring nakakapit sa poste, agad naman syang nakita ni Harold kaya madaling madali syang puntahan ito

"HAROOOLD" halos sigaw ng sigaw si Lydia ng makalapit na sa kanya si Harold at kumaripas sya ng lakad para mayakap agad si Harold

"Lydia ano bang pumasok sa isip mo at nagpunta ka dito?!!!" galit na galit ang boses ni Harold ng tinanggal nya ang pagkakayakap ni Lydia

"im soooorrrry" iyak lang ng iyak si Lydia, kaylangan na nyang maialis si Lydia dito dahil halos malapit na syang mapulmunya, lumingon si Harold sa paligid

"tara maghahanap tayo dito ng pwedeng mapuntahan" aya pa ni Harold kay Lydia at yakap yakap na nya ito habang tumatawid sila sa haba

nakita ni Harold ang SOGO, napatingin sya kay Lydia

ang awkward naman kung dito ko sya dadalin.. pero wala na kaming mapupuntahan. sige na nga! bwisit naman oh! - hopeless na sabi ni Harold sa sarili at hinila  nalang si Lydia papunta sa SOGO

"magkano ba dito?" tanong ni Harold dun sa babae sa loob ng SOGO

"350 for 3 hours po" sagot ng babae na takang takang nakatingin kay Harold at Lydia

anong nangyare at nagpunta kami dito ni Harold? O__O eh asa pa kong pagtangkaan ako neto!

-___- - Lydia's POV.xD

"osige basta orasan nyo nalang kami.." sagot naman ni Harold

"Hoy Peter! dalin mo sila dun sa 308" sigaw ng babae dun sa isang lalaking kasama nya. ngiting ngiti namang lumapit sa kanila yung Peter 

UnconditionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon