Part 1:

635 10 6
                                    

"Would you believe it? Im having a bad day." ni hindi ko na nga magawang makakilos sa sobrang stress.

"So? Ano namang balak mo? Dito ka nalang? Eh hello? May pasok ako ng 5. 4:30 na oh?"

"ade tatambay nalang muna ko. Maiinis nanaman ako sa bahay eh." Nakatingin lang ako sa kuko ko, kahit ang utak ko wala dito.

"Lydia. Wala naman kayong pakialamanan diba? So ano naman sa kanya ngayon kung umuwi ka? De magkulong ka sa kwarto. May nalalaan ka pang matured ka na." Napatingin ako kay Marie na busy sa pag-aayos.. Well tumayo na ako and after minutes, umalis na kami sa bahay nya.

Pinakikiramdaman ko pa ang loob ng bahay, pero binuksan ko na rin agad.. Pagpasok ko, sa kanya agad ako napatingin, na nanunuod lang ng TV habang kumakaen ng kung ano anong chips. Tama nga ata si Marie, hindi nya ako mapapansin dahil wala din naman syang pakialam.

Pero napakalakas ng volume ng pinapanuod nya! Laro lang naman ng basketball, ano yon? Feeling live syang nanonood?!

"Can you please--

bago ko pa matapos ang sasabihin ko hininaan na agad nya ang volume na kala mong ipis nalang na nagsasalita ang TV. Nakakapikon ng konti huh?

"Thank you huh?" Naiirita kong sagot at dumerecho nalang ako sa kusina para kumuha ng makakaen nang magkukulong nalang ako sa kwarto. Pero ang nadatnan ko sa cabinet! Fck! Walang laman?!!

Sinugod ko agad sya at napasulyap sya nang hablutin ko sa tabi nya ang tatlong balot ng chips.

"Wala ka bang planong bumili sa sarili mo?" sita nya sakin.

"I dont care." tinalikuran ko na sya at naglakad palayo at naramdaman kong binato nya ako sa likod ng isang chips pero hindi ko na pinansin.

Nasa kwarto na ako. And yeah! Tahimik na nga ang buhay ko.... Binuksan ko na ang isa pero biglang bumukas din ang utak ko para maglabas ng memories.....

10 months earlier...

"Congratulations." bati ko sa kanya paglabas namin ng korte.

"Mamaya na natin pagplanuhan yung tungkol sa bahay at ang hatian. Ang swerte ko no? Instant may pera ako galing sayo. Enjoy your life." sabi ko pa.

then were over..

Wala nang bisa ang kasal....

Fuck. Tama na nga ang pag-iisip. Dumakot ako ng marami at sinalaksak sa bunganga ko..

Pero isip parin ako ng isip.....

Torture.

May kumatok sa pinto sabay bukas.. Its him.

"Oh?" tanong ko habang naglalakad sya palapit.

"Akin na yung isa." Sagot nya sabay kuha ng isang balot ng chips sa tabi ko pero pinigilan ko sya.

"Bitawan mo nga!" Ang sasama ng tinginan namin sa isat-isa. Parang lion na nag-aagawan sa pagkaen ang kung sino ang magpupumilit, simula na ang bugbugan.

"Bakit ikaw ba bumili?!" galit nyang sagot at pilit inaagaw ang chips.

"Oh ayan! Fuck you!" binalibag ko sa kanya ang isang balot sa inis ko at kinuha naman nya sabay bato sakin ng isang dakot. Gago talaga to... sabay labas. Kaasar!

"Bwiset wag ka nang babalik dito!" sigaw ko nang lumabas sya ng kwarto ko... Paglabas nya,  kinuha ko agad ang isang box na nasa ilalim ng higaan ko.

"fuck yeah..." kinuha ko agad ang laman nun at sinaksak sa braso ko..

Sandali akong nanahimik at pumikit....

"Lydia? are you okay?"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya...

"O-oo." sagot ko pero napasapo ako sa noo ko... Ang sakit ng ulo ko sa totoo lang.. Lalo na dito.. Dito sa kulay ng kwartong to..

"okay. Sa chips lang lagi nagsisimula ang away nyong dalawa?"

"Oo.. Ganun nga. Magulo eh, sa sitwasyon kasi namin, parang yung bahay namin laman ng... ano. Gulo? Mainit ang dugo namin sa isat-isa... Dahil sigurado yun sa nangyari."

"ano ba ang nangyari? Kung bakit naging galit kayo sa isat-isa??"

Napaisip ako bigla... Nanginginig ang buong katawan ko kapag iniisip ko yun.

"Lydia, gusto mo munang magpahinga??" Napatingin ako sa kanya...

"o-oo." sagot ko sa kanya... Tinanguan nya ako at napayuko na ako...

"Nurse, hatid nyo na sya sa kwarto nya."

Kinalabit ako ng isang nurse at kusa nalang akong tumayo pero hindi ko maiangat ang ulo ko....

H-hindi ko alam ang iisipin.. San ba ko magsisimula? Iniisip ko.. Ano nga ba?

Paa ko lang ang nakikita ko habang hawak ako ng isang nurse... Magulo ang mga naririnig ko.. Hanggang sa natahimik ang paligid at pagsarado nalang ng pinto ang narinig ko... Inangat ko na ang ulo ko at andito na pala ako sa kwarto.... Wala akong ibang makita kundi puti,well kanina pa ko nakakakita ng puti, upuan, lamensa, at higaan.... At ako.

Hanggang ngayon, tanong ko parin sa sarili ko.... Anong nangyari?

--------------------------------

To Be Continue...

UnconditionalWhere stories live. Discover now